Kabanata XI

2075 Words
XI: Aasahan "Nasa'n ka? Pupuntahan kita?" Tanong ko sa umiiyak na si Mian sa kabilang linya. Nagpupuyos ako sa galit, paranfmg gusto ko na lang balikan iyong boyfriend niyang gago at basagin na ng tuluyan ang pagmumukha. Akala mo naman kung sinong gwapo at ang lakas ng loob mag-loko. Ang lintik na Timothy na 'yon, galing sa bibliya ang pangalan pero demonyo naman ang ugali. "N-Nandito a-ako sa river park...w-wag mo na akong puntahan," bulalas niya. "Mian, hintayin mo 'ko pupuntahan kita," pagmamatigas ko. "No Matt, wag na." Umiiyak pa ring bulalas niya saka tinapos ang tawag. Tang ina. Naibato ko sa kama ang aking cellphone at mabilis na nagbihis, kinuha ko ang helmet ko at susi ng motor. Mabilis akong umalis ng bahay at binagtas ang daan patungo sa kung saan naroon si Mian. Hindi pwede na hayaan ko lang siyang mag-isa sa lugar na 'yon. Hindi pwedeng tutunganga lang ako, tiyak kong hindi ako titigilan ng konsensiya ko. Mag-aalala lang ako magdamag sa kaniya. Bago dumiretso sa lugar kung saan siya naroon dumaan na muna ako ng Alfamart, nang sa gayon ay maibili ko siya ng makakain o maiinom man lang. Matapos na makabili ay mabilis kong binagtas muli ang kahabaan ng kalsada para lang mapuntahan si Mian. Malawak ang river park, kaya hindi ganoon kadaling hanapin siya. Oo at maliwanag naman ngunit marami rin kasing tao kaya ang hirap hanapin. Natigilan na lamang ako nang sa isang sulok ng parke, sa ilalim ng puno kung saan naroon ang bench na pabilog at may mga halamang bulaklak, nasidlawan ko si Mian. Nakayukyok sa dibdib ni Arthur. Kaagad na kumuyom ang panga at kamao ko. Kamuntikan ko pang mabitawan ang paper bag na dala ko na naglalaman naman ng pagkaing binili ko. Itinago ko ang sarili ko sa dilim habang nagpupuyos na ang damdaming pinanonood si Arthur na hinahagod ang likod ni Mian na humahagulhol sa dibdib niya. Gustong-gusto kong mapangunahan ako ng galit ngayon dahil nga kaya pala ayaw niya nang pumunta ako dahil narito si Arthur. Pero nanlalambot ako sa tuwing naririnig ko ang hikbi niya. Naglakas-loob na akong lumapit sa kanila. Si Arthur ang unang nakakita sa akin. Nauna siyang nag-angat ng tingin at kinalas niya ang yakap niya kay Mian, kaya naman napalingon na rin si Mian sa akin. Namamaga ng sobra ang kaniyang mga mata. Namumula ang mukha niya sa labis na pag-iyak. Pinahid niya ang kaniyang luha. "Matt..." malambing ang tinig niyang tawag sa ngalan ko. Huminga na muna ako ng malalim bago kumilos upang maupo na rin sa bench na inuupuan nila. Ngayon ay pinagigitnaan na namin ni Arthur si Mian. Walang nagsasalita sa aming tatlo, ngunit naririnig ko naman ang ilang pagsinghot ni Mian. Panay ako buntong-hininga habang nakatitig sa mga halamang bulaklak sa aming harapan. "Maiwan ko na kaya kayo?" Si Arthur ang unang nagsabi. Nilingon ko ito at nagtama ang mga tingin namin. "Hmm, ingat ka." Paalala naman ni Mian dito. Huminga ng malalim si Arthur saka tumango, "Kayo rin. Mauna na ako...Matt," medyo nailang pa itong tawagin ang pangalan ko. Tumango lang ako bilang tugon. "Salamat ulit," sambit ni Mian dito. "Wala 'yon. Mauna na ako. Ingat kayo dito," ani Arthur saka naglakad na palayo sa amin. Hindi agad kami nakapag-usap dahil na rin sa awkwardness na nararamdaman. Kinagat ko ang labi ko at nag-iisip kung paano ako magsisimula. "Bakit..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko kaya naman huminga ako ng malalim at sinulyapan si Mian. Kagat-kagat niya ang kaniyang labi habang may nangingilid na luha sa kaniyang mga mata. Isang kalabit na lang, sasabog ang isang ito. "Bakit pinag-aaksayahan mo ng luha ang gagong 'yon, Mian?" Diretsa kong tanong. Umiling siya at tumulo nga ang luha niya, "Mahal ko e." "Tang inang rason 'yan," buga ko naman sabay buntong-hininga. Humikbi siyang muli, patuloy ang pagtulo ng luha niya. "Mahal na mahal ko...sobra, h-hindi mo alam k-kung gaano ko kamahal si Timothy..." saad niyang humahagulhol pa rin. "Pero Mian, hanggang kailan? Does he loves you the way you did?" I asked. Umiling si Mian, "Hindi ko alam...hindi ko alam Matt. Hindi ko alam kung paano niya nagawa sa akin 'to, hindi ko alam kung bakit ang dali sa kaniyang piliin ang iba..." "Dahil nga hindi ka niya mahal!" Singhal ko. Pinipigilan ko ang aking sarili na magalit. Hindi ako maaaring magalit ngayon, si Mian itong kaharap at kausap ko. "This is the second time that it happened..." aniya na siyang ikinalaglag ng panga ko. "Tang ina, pangalawang beses na 'to? Bakit nagtitiis ka pa?" Nag-aalala kong tanong. "Dahil nga mahal ko, hindi ganoon kadaling bumitaw, Matt. Siguro hindi mo nararamdaman dahil ikaw ang laging nang-iiwan," bulalas naman niya. Natahimik akong napatitig sa kaniya. Siguro nga tama siya, dahil ni minsan naman hindi naging malalim ang nararamdaman ko sa isang babae. Marahil ay dahil masyado pa akong bata para magbigay ng ganoong kalalim na nararamdaman. "I'm sorry if I offended you...I'm sorry Matt," umiiling at patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang humihingi ng paumanhin sa akin. Lumunok ako at tumango lang habang pinanonood ko siyang humagulhol lang. Tang ina ano bang ginagawa ko rito? Ni wala naman pala akong maitutulong sa kaniya. "Tama na Mian..." iyon na lang ang salitang lumabas sa bibig ko saka marahang hinagod ang kaniyang likod. Patuloy pa rin ang paghikbi niya saka marahan niyang ipinatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. Umusod ako ng palapit pa sa kaniya upang maging komportable ang posisyon niya, hinagod ko lang ang likod niya. Bumuntong-hininga ako saka kinagat ang labi. Nag-iiisip ng akmang sasabihin para lang mapagaan kahit papaano ang nararamdaman niya. "Uhm, alam ko'ng wala akong karapatang sabihin sa'yo na okay lang 'yan, dahil una sa lahat hindi naman ako ang nasa sitwasyon mo...pero ang tanging masasabi ko lang, kaya mo 'yan Mian. Nandito lang ako...kami ng mga kaibigan mo, nandito kami para sa'yo..." Ni hindi ko na alam kung saan ko hinugot ang mga salitang iyon, pero sana kahit papaano mapagaan niyon ang nararamdaman ni Mian. Sana kahit papaano mabawasan ng kaunti ang sakit na nararamdaman niya nang dahil sa lalaki, sa katulad kong gago. Ilang saglit pa ay kinalas na ni Mian ang pagkaka-sandal ng kaniyang ulo sa aking balikat. Pinahiran niya ang luha niya, saka mapait na ngumiti at tumango-tango. "Tama ka...kaya ko 'to," mapait ang ngiting aniya saka umiling. "Ano bang nangyari? I mean nakita ko siyang may kasamang iba kanina and...inamin ba niya sa'yo?" Pagtatanong ko naman. Huminga ng malalim si Mian at kinagat ang kaniyang labi. "Inamin niyang may babae siya...and nakipag hiwalay na siya sa akin. Ayoko nang mapag-usapan, Matt. Kain na lang tayo?" Bigla ay pag-aaya nito. Iniabot ko sa kaniya ang paper bag na dala ko na naglalaman naman ng pagkain at inumin na nakalaan para sa kaniya. "Oh, binili ko 'yan para sa'yo," sambit ko. Nakangiti niyang tinanggap ang naturang paper bag at binuksan iyon saka nag-angat ng tingin sa akin. "Salamat. Babawi rin ako sa'yo," bulalas naman niya. Napapabuntong-hininga na umiling naman ako. "Hindi naman ako naghahanap ng kapalit, hindi kailangan," utas ko. "Kahit na. The fact that you care for me? That's too much, Matt." Nakangiting saad niya. Napatitig ako sa ngiting pinakawalan niya. Na kahit hindi na siya nakangiti sa harap ko ngayon ay tila ba nakapinta na sa utak ko ang nasilayan ko ngayon lang. Idagdag pa ang katagang binitawan niya na lalong nagpa-antig ng damdamin ko. Iba talaga ang epekto sa akin ng babaeng ito. Nakakaya niya akong lituhin sa isang iglap lang. Makayanan ko kayang iwasan pa siya at pigilan ang nararamdaman ko? Kung sa simpleng ngiti lang niya heto at pakiramdam ko ay nakalutang na ako. Nagagawa niya akong adik nang hindi naman ako nag-do-droga. Ibang klase. "Kamusta pala lakad niyo ni Erica?" Tanong ni Mian habang naglalakad kami patungo ng parking lot. "Hmm ayos naman,"malamig ko'ng tugon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na hindi ko na nililigawan si Erica. O mas mabuting sabihing hindi ko na itutuloy. Tutal ay ayaw na rin naman ni Erica na magpaligaw, ano pang gagawin ko? "May naging problema ba kayo?" Tanong nito. Umiling ako, "Wala. Hatid na kita," sa kagustuhan kong ilihis ang usapan ay iyon na lang ang sinabi ko. Ngumiti naman siya, "Pwede naman. Ipapakilala na rin kita kay dad at mommy," sambit niya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam bg galak sa sinabi niyang iyon kaya naman malawak ang naging pagngiti ko. "Talaga?" Tanong ko rito. "Bakit ayaw mo ba?" Tanong naman nito sa akin. "Hindi ko lang ine-expect...wala pa kasing babaeng nagpakilala sa akin sa magulang niya," saad ko naman. Iyon ang totoo. Ni isa sa dami ng mga naging girlfriend ko, wala akong nakilalang magulang ng mga 'yun. Ngayon lang, ngayon lang may nag-alok sa aking ipapakilala ako sa parents niya, oo at na-meet ko na ang daddy niya pero iba pa rin kasi kapag dinala ka sa bahay at sa parehong magulang ka ipinakilala. Iba 'yung tama. Kahit na hindi ko naman girlfriend si Mian ay ibang kagalakan ang nararamdaman ko. Inilinga ko ang aking mga mata sa bakuran ng bahay nila Mian. Mataas at malaki ang bahay nila, malawak ang bakuran at tanaw ang magandang hardin nila mula sa labas ng gate. Inalalayan ko naman na makababa si Mian sa motor ko, saka ako na rin ang nagtanggal ng helmet na isinuot ko sa kaniya. Pinindot niya ang doorbell at ilang saglit nga ay may matandang babae ang nagbukas niyon sa amin. Lumawak ang ngiti ng naturang katulong, nakumpirma ko iyon dahil sa maids uniform na suot niya. "Bago 'yan Gianna?" Tanong nito kay Mian habang malawak ang pagkakangiti. Kapagkuwan ay lumapat ang mga mata nito sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kaniya, "Magandang gabi po," magalang kong bati. "Ay mas gusto ko ito! Halika hijo, pasok ka. T'yak na matutuwa sina sir at ma'am," anang manang. "Manang kaibigan ko po 'yan. Matt tara pasok ka," ani Mian saka hinigit ako sa aking braso. Pagpasok sa loob ng bakuran ay mas namangha pa ako. Napaka-simple kasing babae ni Mian at hindi mo lubos akalain na sa ganito kagarbong bahay siya nakatira. Tulad ngayon simpleng sweat short lang ang suot niya saka oversized shirt. "Gianna, gabing-gabi na----" a woman in her fortys came out from the living room. She's stunning in her knitted leopard print dress. Mian has her eyes, nose and lips. "May kasama ka pala," anito na marahil ay siyang mommy ni Mian. "Si Matt po, kaibigan ko." Nakangiting ani Mian. Ngumiti sa akin iyong mommy ni Mian. "Magandang gabi po," pagbibigay galang ko rito. "Gianna," anang baritonong tinig mula sa grand staircase. Ang daddy ni Mian. "Dad, si Matt. Kilala niyo na po siya 'di ba?" Sinalubong ito ni Mian. "Halika Matt, dito ka sa sala. Maupo ka, ipagtitimpla kita ng juice," anang mommy ni Mian. Naiilang na ngumiti ako at tumango. Mabubuting tao ang mga magulang ni Mian. Ngayon alam ko na kung kanino siya nagmana. Habang nasa sala ako ay pumasok naman sina Mian, ang mommy niya at ang daddy niya. Dala ng mommy niya ang isang basong juice at inabot iyon sa akin. May ngiting tinanggap ko naman iyon. "Salamat po," usal ko. "Nililigawan mo ang anak ko?" Tanong sa akin ng daddy niya. Kung puwede lang ho. "Dad!" agap ni Mian sa kaniyang ama, "He's my friend." "Diyan kami nagsimula ng daddy mo," nakangiting saad naman ng mommy niya. Huminga ng malalim si Mian, "My, iba naman po ako. Ako kapag naging kaibigan ko, ayokong maging boyfriend," ani Mian. Kinagat ko ang labi ko. Sa tuwing iyon ang nilalaman ng sinasabi ni Mian nasasaktan ako. Ang sakit lang kasi hanggang kaibigan lang talaga ako. "Hmm, kaya ilang lalaki na ang nadurog nang dahil sa paniniwala mo'ng iyan, Gianna." Anang mommy ni Mian. "My, hindi naman." Sambit ni Mian. "Di hamak na mas matitino iyong mga binasted mo kaysa diyan kay Timothy pero don ka nagtitiis..." bulalas naman ng daddy ni Mian. Napalunok naman ako saka umiling. "Kung sakali mang masaktan ang anak ko nang dahil sa lalaking iyon...ikaw ang aasahan ko Matt," bulalas sa akin ng daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD