X: Cheating
"Bye," paalam ni Sarah sa amin.
Tumango naman ako, at sinulyapan ang nasa tabi ko'ng si Erica na kumakaway rin sa papalayong si Sarah.
"Mauna na rin ako," paalam ni Erwin na siyang may dala ng project na ginawa namin.
Tinanguan ko ito, "Sige. Ingat," utas ko pa.
"Ge. Ingat din kayo," ngiti naman ni Erwin.
Sinulyapan ko si Mian na abala nanaman sa kaniyang cellphone. Malamang ay may ka-chat siya, ka-text pakialam ko ba?
"Ikaw Mian?" Tanong ni Erica dito.
Sa wakas ay nag-angat siya ng tingin at ngumiti.
"Mauna na kayo, dito lang ako. Hihintayin ko si Arthur, susunduin niya ako." Bulalas naman niya.
Kumunot ang noo ko at pasimpleng lumunok.
"Hintayin na namin na masundo ka niya," hindi ko alam kung bakit bigla ko itong sinabi tang ina.
Kunot ang noo ni Erica nang mag-angat ito ng tingin sa akin, ngunit simpleng ngiti lamang ang ibinigay ko sa kaniya. Alam ko na ayaw niya sa ideyang sinabi ko.
"Matt, hindi na. Baka hinihintay rin kayo ng pupuntahan niyo," tanggi naman ni Mian.
Tang ina lagi na lang naka-tanggi 'to sa akin. Napipikon na ako.
"Are you sure?" Tanong ni Erica rito.
Malawak na ngumiti si Mian saka tumango.
"Oo. Okay na ako dito, parating na rin naman si Arthur so okay lang," bulalas pa niya.
Kumunot ang noo ko at pasiring na lang na nag-iwas ng tingin.
"Okay naman daw...so tara na?" Si Erica.
Bumuntong-hininga ako at hinawakan na lang ang kamay ni Erica.
"Tara na." Malamig kong sinabi at inakay na ito palayo ng waiting shed sa tapat ng subdivision na tinitirhan namin.
Walang imik na sumakay kami ng bus ni Erica at nang nakaupo naman ako, nasulyapan ko pa si Arthur na bumaba ng jeep at nilapitan si Mian. Nagngitian at nagtanguan pa ang dalawa, iniiwas ko ang tingin ko dahil nakakaramdam nanaman ako ng inis na hindi ko naman alam kung saan nagmumula.
"Okay ka lang ba?" Medyo iritado ang boses ni Erica nang magtanong sa akin.
"Okay lang," malamig kong tugon.
"Parang hindi," puna pa niya.
Pasiring akong nagbaling ng tingin sa kaniya at pilit na ngumiti.
"Okay nga lang," utas ko.
Halos hindi ko namalayan na nasa S&R na kami, at hinihintay nina Madison at Diana, may kasama pa silang dalawang lalaki na nakikita ko rin sa DU pero hindi ko kilala. Malamang mga boyfriend nila.
Nagyakapan ang tatlong babae at nagtawanan habang kaming mga lalaki ay naupo na sa isang bakanteng table at tinitigan na lang sila na isa-isa na ring umuupo.
"Totoo ba Matt?" Tanong sa akin ni Diana.
"Ang alin?" Taas kilay kong tinanong.
Ngumiti ng malawak ang tatlong babae.
"Nililigawan mo na ulit si Rica?" Tanong ni Mads.
Napapangiting umiling ako, "Ano naman?"
"So totoo?" Tanong ni Diana.
"Oo," tugon ko sa paulit-ulit nilang pagtatanong.
"Oh my god, sabi na e. Nung first day of school pa lang may nararamdaman ka pa kay Rica," bulalas ni Madison.
Umiling na lang ako, "Umorder na nga tayo." Utas ko na lang at nauna nang tumayo, sumunod sa akin iyong dalawang lalaki.
Habang nakapila naman ako sa line ay dinukot ko ang cellphone ko saka tiningnan ang ilang messages na hindi ko nabasa kanina.
Jade Andrew Velasquez:
Tang ina pre, totoo bang nililigawan mo na si Erica?
Mico James Lewis:
Hoy, tang ina mo ano 'tong nalaman namin?
Una kong nireplyan si Jade.
Matt David Toledo:
Totoo nga. Iyon naman ang gusto niyo diba?
Hindi ko nireplyan si Mico sa halip ay sinilip ko ang story niya. At nakita ko roon na magkakasama nga sila, si Mian, si Janine, si Hazel, si Jaz, si Mico, si Arthur at si Jade.
Picture nilang magkakasama na ang background pa ay yung Sky Ranch. Napapagitnaan ni Janine at Arthur si Mian, habang si Jaz at Hazel naman nasa tabi ni Arthur, at sina Mico at Jade ang nasa dulo.
Napag-igting ko ang panga ko na isinilid na lang ang cellphone sa aking bulsa.
"Bro, ikaw na." Tinapik ako ng kasama ko at doon ko lang natanto na ako nga pala ang ooder.
Putang ina.
Hindi rin kami nagtagal sa S&R dahil may iba pang pupuntahan sina Mads at Diana kasama ang mga boyfriend nila.
"Saan na ang punta niyo?" Tanong ni Diana.
"Ihahatid ko na si Rica," mabilis na sagot ko.
"Sure ka? Wala na kayong ibang dadaanan?" Nanunuyang tanong naman ni Mads.
"Siraulo, ihahatid ko na nga." Utas ko pa.
Hapon na rin. Saan naman kami pupunta? Saka baka hinahanap na rin 'to sa kanila, mahirap ding abutin kami ng gabi sa daan.
"We? Sure ka Matt?" Nang-aasar na bulalas pa ni Diana.
"Tanga, ihahatid ko nga." Natatawa kong sambit.
"Okay. Sabi mo e, ingat kayo ah." Habilin pa ni Mads bago kami kinawayan.
Kumaway na rin kami ni Erica sa mga ito. Naiwan kami sa waiting shed habang naghihintay ng bus na dadaan.
"Sure ka? Ayoko pa kasing umuwi," ani Erica.
"May gusto ka pa bang puntahan?" Tanong ko naman sa kaniya.
Ngumuso naman siya at tumango sa akin, "Meron..."
"Saan?" Tanong ko.
"Sa ano sana...sa daño park?" Anito na ang tinutukoy ay 'yung isang sikat na parke malapit sa lugar namin.
"Ano namang gagawin natin do'n?" Tanong ko.
"Kakain. Bibili tayong pagkain tapos doon natin kakainin, and then...pwede mo na akong ihatid." Nakangiting saad naman niya.
"Paano kung gabihin tayo?" Tanong ko.
Ngumuso siya ulit, "Okay lang. Sige na Matt," nag-puppy eyes pa ito sa akin.
Ngumiti naman ako then I pat her head.
"Oo na," walang choice na sagot ko.
Nasunod naman ang nais niya. Bumili na muna kami ng pagkaing doon namin kakainin at nag-stay kami roon.
Naupo, nagkwentuhan habang dinadama namin ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bukid.
"So ano nga? Bakit mo nga ako nililigawan ulit?" Tumatawa niyang tanong.
"Bakit ba nililigawan ng isang lalaki ang isang babae?" Sa halip ay bato ko rin ng tanong sa kaniya.
"Alam mo, napaka-kj mo." Asik nito sabay pinalo ang braso ko.
"Ang dami mo kasing tanong, e nasa tanong na din naman 'yung sagot," nakangiti kong bulalas.
"Eh si Mian? Ano mo si Mian?" Tanong niya.
Tang ina nakakalimutan ko na 'yung tao e. Binanggit pa, unti-unti tuloy napawi ang ngiti ko.
"Si Mian..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may makita akong pamilyar na lalaki.
Kumunot ang noo ko at mas tinitigan ang lalaki. Alam kong kilala ko siya, nakita ko na ang lalaking ito.
"Uy!" Tawag sa akin ni Erica.
"Shhh, sandali..." saway ko rito.
"Sino ba 'yun?" Tanong ni Erica at sinulyapan rin ang tinitingnan ko.
Kumuyom ang aking kamao. Sunod-sunod ang naging paghinga. Nag-aalab na ang galit sa loob ko. Putang ina, boyfriend ni Mian 'tong lalaki na'to. Ang lakas ng loob, deputa!
He's cheating on her. He's with another cheap girl. Tang ina.
"Kilala mo ba 'yan?" Tanong ni Erica.
Hindi ko na inintindi iyon at tumayo na akong agad sa bench na kinauupuan ko, mabilis kong tinawid ang kalsada kung saan naroon ang gagong lalaki na 'yon at ang kasama niyang babae.
Bumalatay ang gulat sa mukha ng babae nang makitang papalapit ako na may galit sa mukha. Walang kamalay-malay ang boyfriend ni Mian na hiniklas ko at mabilis na sinuntok sa mukha.
Nagtayuan ang ilang naroon dahil sa gulat. Napasigaw na rin ang kasama ng gunggong na ito.
"Matt!" Narinig ko ang sigaw ni Erica ngunit hindi ko inintindi.
"Putang ina sino ka ba?!" Galit na singhal sa akin ng boyfriend ni Mian.
Tumayo ito sa kinasasadlakan niya at akmang susuntok rin sa akin ngunit mabilis ko siyang tinadyakan kaya naman natumba ulit siya. Kaya naman sinamantala ko na muli kong sinapak ang mukha niya.
"Tang ina mo! May girlfriend ka tapos ang lakas ng loob mong mag-loko!" Singhal ko sa pagmumukha niya.
"What? May girlfriend ka?" Singhal naman sa kaniya niyong babaeng kasama niya.
"W-Wait, Chai I can explain!" Sigaw naman ng boyfriend ni Mian.
Muli ko siyang sinuntok, "Tang ina mong gago ka! Anong explain! Ulol!"
"Matt! Tama na 'yan!" Mabilis akong hinila ni Erica palayo.
"Sino ba 'yon?" Tanong ni Erica habang nasa labas kami ng gate ng bahay nila.
"Pumasok kana sa loob," sa halip ay bulalas ko nang hindi siya sinusulyapan.
"Sino nga muna 'yon? Tang ina naman," asik ni Erica.
"Wala. Pumasok kana lang," muling pamimilit ko rito.
"Bakit ba hindi mo masabi sa akin?" Pasinghal nang pagtatanong ni Erica.
"Boyfriend ni Mian," usal ko.
Agad na natigilan si Erica. Unti-unting ibinaling ko sa gawi niya ang aking tingin. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.
"Boyfriend...ni Mian? Tang ina...kaya naman pala gano'n ang galit mo e," singhal sa akin ni Erica sabay tulo ng luha niya.
"Ano'ng gusto mong gawin ko? Matuwa ako na 'yung kaibigan ko niloloko ng boyfriend niya?" Bulalas ko naman na bakas pa rin ang inis.
"Kaibigan, Matt? Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo kay Mian, babae rin ako Matt. Wag mo akong gawing bobo, maaaring tanga ako pero hindi ako bobo!" Singhal uli niya sa akin.
"Putang ina..." pabulong kong buga, "Kaibigan ko nga si Mian! Nililigawan na nga kita para patunayan sa'yo, pucha."
"Patunayan sa akin? Tang ina Matt, kung liligawan mo ko ulit para lang mapatunayan sa akin na wala kang gusto kay Mian, wag na lang." Mabilis niyang tinapos ang usapan at mabilis na pumasok sa loob ng gate.
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha.
"Tang ina Matt. Gago ka rin e," sambit ko sa aking sarili.
Pagka-uwi sa bahay agad ko namang tinawagan si Mian. Iyon ang una kong ginawa.
"Hmm?" Tang ina umiiyak siya sa kabilang linya.
"Mian? Okay ka lang ba?" Tanong ko rito may pag-aalala.
"Matt-" naputol ang kaniyang pagtawag sa akin dahil humahagulhol na siya sa kabilang linya.
"Mian.."
"Matt, h-he broke up with me."
"He's cheating on you...I caught him."