CHAPTER 1
Nagising ako sa alarm ng aking cellphone.Alas singko na ng umaga kailangan ko ng gumayak sa pagpasok.Bumangon na ako at ginawa ang daily routine ko at pagkatapos ay nagtimpla na ako ng kape habang ako'y nagluluto nang aking almusal na pritong itlog at sinangag.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa banyo para maligo.
"Ma,Pa alis na ako."
"Sige mag iingat ka.Nakuha mo ba baon mo sa ibabaw ng mesa?" tanong ni mama sakin
"Opo Ma,salamat po."
Umalis na ako para dumaan pa sa bahay ng aking mga kaibigan.Anim kaming magkakaibigan na laging magkakasabay pumason sa eskwela.Kahit hindi kami nasa parehong taon sa high school.Natutuwa ang ang mga magulang namin dahil sobra kaming close sa isa't isa.
Pagdating ko sa maliit na kubo na hintayan namin naandon na silang lahat.Ako nalang ang hinihintay.Nag umpisa na kaming maglakad papunta sa aming scholl dahil malapit lang ito ay nilalakad nalang namin tipid pa sa pamasahe
"Maigi dumating kana.May chika kami sayo." nakangiting bungad sakin ni Jaylyn.
"Ano nanaman iyan?" kunway mataray kong tanong.
"Aba ang aga ang sungit ha.Sabihin nyo na para ngumiti na iyan." biro ni Clara
Nagtinginan kami na parang nag uusap ang mga mata sabay nagtawanan.Ganito talaga kami magkakaibigan happy happy lang.
"Ano ba iyon?Lagi nalang akong huli sa balita." tanong ko ulit.
"Ehem..kase naman may liga na sa barangay natin kase malapit na fiesta.Alam mo na pag may liga may pogi." nakangiting wika ni Anna
"Ayan tayo sa pogi na yan ..Mang ha-hunting nanaman kayo ng pogi no." biro ko
"Anong kayo.Tayo kamo." malawak ang ngiting wika mi Mikee
At nagtawanan ulit kami sabay nag apir sa isa't isa.Alam kong wala pa kami sa tamang edad.Simpleng paghanga lang naman ang saamin at hindi namin pinababayaan ang pag aaral namin.Syempre kelangan makapag tapos ng pag aaral.
"Eto seryoso to.Dumating yung tito ko pinsan ni Papa siguro ka edad mo Shaira.Syempre pogi iyon pag nakita niyo ewan ko nalang." natatawang wika ni Yhonice.
"Maglalaro ba ng Liga?" excited na tanong ni Anna
"Ang alam ko oo daw.Kaya manuod kayo magaling maglaro iyon." walang halong pagyayabang na wika ni Yhonice.
"Teka kelan ba ang umpisa ng Liga?" excited kong tanong.
"Eto wala talagang alam.Sa isang gabi na po bukas ng gabi Opening na." Mikee
"Kaya pupunta tayo sa opening alam nyo na." nakangiting wika ni Clara
Nagkasundo na kami na pupunta sa araw ng opening ng liga sa barangay namin.Dahil sa kung ano anong chika nila di namin namalayan na nasa gate na pala kami ng school na pinapasukan namin.Kanya kanya na kaming punta sa bawat classroom namin.
Ako kase nasa third year high school na.Si Yhonice at si Mikee naman ay second year high school.At si Anna,Clara at Jaylyn naman ay first year pa lamang.
Wala kaming masyadong subject ng araw na iyon kase busy ang mga guro kaya halos Kung ano ano ang ginagawa ng mga classmate ko.Ako naman nakaupo lang sa upuan ko habang nagbabasa basa ng libro.Matino kunwari.char!
Lumipas ang maghapon namin medyo hindi nakakapagod dahil wala naman ginawa masyado.Nagkita kita na ulit kaming magkakaibigan.
Nakita ko silang naghihintay sakin sa may gate.
"Lagi nalang ikaw ang huli.Ang bagal mo talaga." kunwaring pagsusungit ni Clara
"Cleaners kami ni Wena e kaya medyo late ako." pagpapaliwanag ko.
"Iyong kapit bahay ni Anna na maganda kuno.Mukha ng labanos sa puti." pagtataray ni Yhonice na sinabayan pa ng pag ikot ng mata.
"Hayaan mo na.Di ka naman inaano nong tao.Tara na mag umpisa na maglakad ng makauwi na tayo."
Nauna na akong maglakad at nagsipag sunuran na sila saakin.
"My ghad..Si Allan ang pogi." kinikilig na wika ni Jaylyn.
"Tumigil ka nga ang harot mo." kunway saway ko.
"Tingnan natin kung ano reaction mo kapag nakakita kana ng pogi sa paningin mo." natatawang sagot ni Jaylyn.
"Videohan nyo guys kung ano reaction ni Shaira." pang aasar saakin ni Clara.
Palibahasa lahat sila may crush kuno.Kaya pinagkakaisahan ako.
"Di mangyayari iyon." nakasimangot kong wika.
"Malalaman natin iyan.Baka kapag nakita mo ang tito ko malala maging reaction mo." pagbibiro ni Yhonice
"No way." nakangisi kong sagot.
Habang naglalakad kami pauwi kung ano ano ang pinag uusapan namin.Hanggang sa mga crush kuno nila.Kilig na kilig ang mga dalaga.
ako kaya kelan kikiligin ng ganyan.
bawal kang kiligin ng ganyan magtapos ka muna ng pag aaral!
Masasaktan ka lang!
Nagtalo talo na ang utak.
Pagdating ko sa bahay nagbihis na ako at gumawa ng aking mga takdang aralin nag advance study na rin ako para sa Monday. Ang sipag lang!
Pagkatapos ko sa mga gawain ko ay tumulong ako sa aking ina sa pagluluto ng aming hapuna.At pagkatapos ay kumain na.Mabilis akong natapos sa pagkain.
Habang nagpapahinga nanuod muna ako ng t.v.
Biglang umilaw ang cellphone ko hudyat na may teks.
Pagbukas ko ng cellphone ko ay may message sa gc namin si Yhonice.
"Punta kayo dito sa tambayan pakilala ko kayo kay tito."
"otw." Clara
"me too." Anna
"See you." Jaylyn
"Wait nyo ko ha." Mikee
"k." reply ko sa gc.
Napailing nalang ako sa mga kaibigan ko.Mabilis pa sa hangin.
Naligo muna ako bago ako umalis para medyo presko dahil maalinsangan ang panahon ngayon.
"Ma,alis muna ako punta ako sa mga kaibigan ko ha." paalam ko kay Mama
"Sige anak Friday naman ngayon kaya pwede ka mag puyat."
Sa totoo lang hindi mahigpit ang parents ko kase malaki ang tiwala nila saakin na hindi ko naman sisirain.Sabi nga nila okay lang daw na mag boyfriend basta alam ang limitasyon at hindi pababayaan ang pag aaral.
Dumating na ako sa kubo na aming tambayan magkakaibigan.Nakita ko na ang lalawak ng ngiti ng mga babaita.Akala mo nanalo sa lotto.
"Mukhang ang saya nyo a." puna ko.
"Syempre naman excited na makilala ang tito ni Yhonice no." kinikilig na wika ni Anna.
"Ayan nanaman kayo." pabiro kong wika.
"Andito na pala sila tito."
Bigla akong napatingin sa paparating.Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na parang nilalamig.Nararamdaman ko din panginginig ng aking kamay.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin sakanya nagulat nalang ako ng may sumundot ng tagiliran ko.
"Yung laway mo tulo na." pabirong sabi ni Clara
Mabilis ko namang pinunasan.Nagtawanan naman ang mga bruha king kaibigan.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya.
Para mabawasan ang tensyon nag salita na si Yhonice.
"Guys si tito Ronnel nga pala pinsan ni Papa."
Narinig kong nagpakilala na ang mga bruha at nakipag shake hand pa kay Ronnel.Dahil sa pagka pahiya di na ako nakisabay sakanila.Umupo nalang ako sa dulong bahagi ng upuan sa kubo.
Binuksan ko ang cellphone ko at nag scroll ako sa aking social media account.Medyo nalilibang na ako sa pag f*******: ng tawagin ako ni Yhonice.
"Shaira halika pakilala kita kay tito."
Bigla ko nanaman naramdaman ang malakas na t***k ng puso ko.Nakita ko sa sulok ng aking paningin na nagbubulungan ang mga bruha.
Pilit kong tinatagan ang loob ko tumayo ako at lumapit sa tabi ni Yhonice at ngumiti ng pilit.
"Hi Shaira nga pala." tinaas ko lang ang kamay ko at pilit na ngumiti..
Ngumiti lang din saglit saakin si Ronnel at pagkatapos ay sumeryoso na ulit.
hmp! suplado! bulong ko sa isip ko.
Maya maya ay may sumulpot sa harap ko.
"Hi Junel nga pala." sabay abot sakin ng kamay para makipag shake hand.
Tinanggap ko naman ito.
"Shaira." tipid akong ngumiti kay Junel na halos nakatitig na saakin habang ang lawak ng pagkakangiti.Medyo naaasiwa ako sa tingin nya kaya gusto ko nalang umupo ulit sa inupuan ko.
Pero bago pa ako tumalikod hinawakan ni Junel ang braso ko kaya gulat akong napatingin sakanya.
"Nood ka ng liga ha,Para naman ganahan ako maglaro."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.Nakita kong napasulyap sakin si Ronnel pero seryoso pa din ang mukha niya.
"S-sige." tipid kong sagot.
Pagkatapos ay umalis na sila.Ako naman ay umupo na sa dating pwesto ko.Maya maya ay naarinig ako ng tikhim.Napaangat ang tingin ko.Ang mga bruhita mga nakangiti ng wagas sakin.
tss! aasarin ako ng mga to.Makauwi na nga!
"u-uhm guys pinapauwi na ako ni Mama.Kitakits nalang bukas." paalam ko at mabilis na akong tumakbo paalis.
Pagdating ko sa bahay habol ko ang pahinga ko.
"Mabuti nalang nakatakas ako.tss! kausap ko sa sarili ko..
"Nakatakas kanino?"
"Palakang nakatakas!" nagulat ako sa biglang pagsuplot ni Papa sa harapan ko.
"Si papa naman e bat ka ba nanggugulat."
Napatawa nalang si papa sa reaction ko.
"Sige na pumasok kana sa loob ng makapagpahinga kana." pagtataboy ni papa sakin.
"Sige pa .Goodnight."
Pumasok na ako sa aking silid.Humiga ako sa kama na akala moy pagod na pagod.Bigla kong naisip si Ronnel.
Sh*t ! Ang pogi!!
At nakatulog ako ng may ngiti sa mga labi..