Maaga akong gumising para maglaba dahil sabado ngayon.Kokonte lang naman ang labahin kaya dinamay ko na ang labahin nina Mama sa bahay.Syempre kelangan magpakasipag para payagan mamaya manuod ng opening ng liga.
Excited ako na kinakabahan.Makikita ko doon si Ronnel. tss! kahit suplado ang pogi pa rin!
Hindi ko maiwasan na ako'y makaramdam ng mabilis ng pagtibok ng puso twing naiisip ko siya.
Oo nga pala lagot ako sa mga bruhita tinakasan ko kagabi.Hindi rin ako nagbukas ng cellphon kagabi dahil katakot takot na pang iinis nanaman ang gagawin nila saakin..
Sobrang nakakahiya ka kase kagabi masyado kang halata! pagkakausap ko sa sarili ko.
Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko dahil sa naalala kong nangyari kagabi.
"Oh anak ang aga mo naglaba at nagsasampay kana aga.Teka bakit namumula ang mukha mo?" tanong ni papa
"Ay pulang palaka!" si papa naman lagi nalang nang gugulat.Kamuntik ko pang mabitawan ang damit na nakahanger na hawak ko.
Natawa si Papa sa itsura ko.
"u-uhm ..Okey lang ako pa.Nasamid lang hehe." sabay talikod ko kay Papa para kumuha ng damit na isasampay ko.
Muntik na ko don a!
Pagkatapos ko sa pagsasampay ko pumasok na ako sa loob para magpahinga.
"Anak kumain kana may pagkain sa lamesa." yaya ni mama
"Sige ma mamaya nalang po.Pahinga lang po ako."
"Oo nga pala ma,Punta po ako mamaya sa court nood ako ng opening ha."
"Sige anak basta mag iingat ka doon.Huwag masyadong magpapagabi ha."
"Opo ma salamat po."
Pagkatapos kong kumain nanood muna ako ng tv para may mapaglibangan.
Iniisip ko kung magbubukas ang ng cellphone ko.Sigurado panay tukso nanaman sa mga yon ang abot ko.
Huwag na nga magkikita kita naman kami mamayang gabi.Doon nalang nila ako tuksuhin tss!
Napagpasyahan kong matulog muna ulit dahil wala namang gagawin.
Pagdating ng gabi hindi ko alam kung tutuloy pa ako.Parang bigla akong nahiya magpakita sa mga bruhita..Nakabihis na ako aalis nalang ako pero parang may pumipigil saakin..
Huwag na kaya ako pumunta.Opening pa lang naman.
Napagpasyahan kong bumalik muna sa kwarto.Humiga ako sa kama ko habang nag iisip.Hindi ko alam kung gaano na ko katagal na nakatitig sa kisame ng may marinig akong katok sa pinto ng kwarto ko.
"Ate nandito si Kuya Marlon!" dinig kong tawag ng bunso kong kapatid na si Jenny
Mabilis akong bumangon at tumakbo palabas ng kwarto.Nakita ko si Marlon na nakatayo sa may sala.Malawak ang ngiti..
Si Marlon ay aking bestfriend para na kaming tunay na magkapatid kung maturingan.Siguro dahil wala akong kapatid na lalaki kaya ganun ako kalapit sakanya.
Umalis siya dito sa probinsya namin para magtrabaho sa Maynila at mag aral na din.Kaya nagulat ako na nandito siya.Sobrang namimiss ko na siya.
Patakbo akong lumapit kay Marlon sabay yakap ng mahigpit sakanya.
"n-nandito ka?"
"anong ginagawa mo dito?"
"di ako makahinga Shaira.Papatayin mo ata ako sa higpit ng yakap mo." birong sabi ni Marlon
"Kase naman hindi ka nagpasabi na uuwi ka..Namiss kita sobra." sabi ko habang hindi bumibitaw ng yakap sakanya.
"Anong hindi nagpasabi.Kagabi pa kita tinatawagan di ka naman makontak.Kaya pinuntahan nalang kita dito." mahabang paliwanag niya.
"S-sorry best nakapatay cp ko e hehe."
"At bakit nakapatay ngayon ka lang ata nagpatay ng cp?"
"a-e nalow bat lang hehe."
Tiningnan ako ni Marlon na parang sinusuri kung nagsasabi akonng totoo.
"Tara na nga." sabay hila sa kamay ko.
"Tita Mel,Tito Ric alis na po kami." pagpapaalam niya kina Mama.
"t-teka san ba tayo pupunta best?" tanong ko sakanya
"Sa court syempre don kana daw hihintayin ng mga kaibigan mo.Nakausap ko sila kanina habang hinihintay ka.Ayon sabi nila ako nalang daw magsama sayo sa court." mahabang paliwanag ni Marlon.
"Mga bruha talaga sila hindi man lang ako hinintay."
"Hayaan mo na kaya nga sinundo kita sainyo e."
"Teka nga pala.Hanggang kelan ka dito may pasok ka diba?" tanong ko sakanya
"Hanggang fiesta lang ako dito best e.Bakasyon kase kami."
"Sana all bakasyon.Sarap buhay ka nanaman.Sasali kaba sa liga?" tanong ko sakanya.
"Oo naman best kaya nga ako umuwi e.Kaya panoorin mo lagi laro ko ha" sabay kindat nya sakin
"Siguraduhin mong gagalingan mo ha para di masayang panood ko."
"Oo naman ako pa best." pagyayabang niya.
"Naku bilisan natin baka nag uumpisa na ang opening."
Pagdating namin sa court ay dinala ako ni Marlon sa grupo nila.Napataas ang kilay ko ng mapansin ko na nandon na ang mga bruha kong kaibigan na kapwa may mga pilyang ngiti saakin.
"akala namin hindi kana pupunta tinatawagan ka namin di ka makontal kay umuna na kami." Yhonice
"O-okey lang sinundo naman ako ni Marlon."
Nagtinginan ang mga bruha sabay ngiti sa isa't isa.
"halika na umupo best kana dito magbibihis lang ako ng jersey." pagpapa alam ni Marlon sakin.
Umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ng mga bruha kong kaibigan.
"Nakatulog kaba ng maayos kagabi?" tanong sakin ni Clara na may pilyang ngiti.
"O-oo naman bakit naman hindi." nauutal kong sagot.
"bat hindi ka makontak?" tanong ni Anna
"Low bat kase cp ko.Kanina ko lang chinarge."
"Look who's here."
Napalingon kami sa tinuturo ni Mikee.Bigla tumigil ang mundo ko ng makitang si Ronnel parang nag slow motion ang galaw niya.Lakad palang ang pogi na.Sinuklay ng kamay nito ang buhok niyang malabot papunta sa likod.Nararamdaman ko nanaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko.Bigla nanamang nanlamig ang buo kong katawan.
"ehem.."
Natauhan ako ng may marinig akong tumikhin.Nakita ko si Yhonice na may mapanuksong tingin.
"Sabi sayo e ang pogi." bulong niya sakin.
Ngumiti lang ako sakanya para hindi na humaba ang tuksuhan este usapan pala.
"Best sayo muna tong bag ko ha." sabay bigay ni Marlon ng bag niya.
Tinanggap ko ito at nilagay sa lap ko.Nakita kong pumunta si Marlon sa grupo nina Ronnel..
"Sh*t magka group sila ni Marlon.Hindi ko napansin na parehas ang kulay ng jersey nila." kausap ko sa sarili ko..
Nakita kong sumulyap sa pwesto namin si Ronnel kaya napaiwas agad ako ng tingin.Bigla nanaman ako nakaramdaman ng kaba..
Pag balik ng tingin ko sakanila nakita kong nag fist bump sila ni Marlon.
so magkakilala sila? kausap ko nanaman sa sarili ko..
"earth to Shaira." dinig kong wika ni Anna kaya napatingin ako sakanila..
"A-ano nanaman." nauutal kong tanong.
"wala sabi ko manuod na tayo." nakangising wika ni Jaylyn.
Maya maya ay nag umpisa na ang opening nagsalita lang yung may hawak ng liga sa barangay namin tapos nagpakilala ang bawat grupo ng maglalaban laban kasama ang muse nila.
Tahimik lang akong nanunood nang madaanan ko ng tingin si Ronnel nakatingin sa gawi nina Wena.
ouch! sakit nun aa..
Nagkasalubong ang aming tingin kaya umiwas ulit ako ng tingin.Hindi ko kayang makipag titigan sakanya.Nanlalambot ako..
Maya maya pa ay tapos na ang program.Nakita kong palapit sakin si Marlon na medyo pawis kaya binuksan ko ang bag niya at hinanap ang kanyang towel.Kumuha na rin ako ng mineral water na nasa tabi namin at binigay sakanya..
"best hintayin mo na ko maglalaro muna kami saglit."
"Teka tanong ko muna sa mga to."
"Oo kuya Marlon hintayin ka namin." biglang sabi ni Anna na nakikinig pala ng usapan namin..
Kuya ang tawag nila kay Marlon kase ahead sya samin ng ilang taon
"sige na punta kana don best antayin ka namin dito.Subukan mong mabalian dodoblehin ko yan." pagbabanta ko sakanya..
Tumawa siya at hinagis ang towel niya sa mukha ko sabay takbo.
"tarant*do talaga iyon." bulong ko..
Sinundan ko nalang ng tingin si Marlon hindi sinasadyang napatingin ako sa gawi ni Ronnel na nakatingin dinsa gawi ko.Bigla ako nagbaba ng tingin.
Eto nanaman ang t***k ng puso ko.Rinig na rinig ko ang pagtambol sa dibdib ko.
Pagbalik ng tingin ko sakanila ay nag uumpisa na silang maglaro..Tahimik lang akong nanunood habang ang mga bruha kong kaibigan ang iingay kung ano-ano sinisugaw..Natatawa na lamang ako sakanila..
Maya maya ay tapos na laro nila kaya lumapit na sakin si Marlon.Binato ko din sa mukha niya yung towel nya para makaganti ako.At ngiting tagumpay nakaganti nga.
"Ikaw talaga best talaga gumati e.Nabalian na nga e."
"Aba't...Nasaan at madoble?" nakataas ang kilay kong tanong sakanya..
"Joke lang best." sabay akbay niya sakin kahit pawis.
Tinanggal ko ang kamay niya at kinuha ko ang damit sa bag niya at inabot sakanya.
"Magbihis ka nga muna matutuyuan ka ng pawis." kunwari galit king sabi..
Kinuha naman niya ito at nagpunta sa cr para mag bihis.Maya maya pa ay bumalik na din..
"Tara na guys.Uwi na tayo gabi na." yaya nito sa mga kaibigan ko sabay akbay sakin..
Nagsitayuan na ang mga kaibigan ko at kanya kanya na kaming alis..
Hinatid pa ako ni Marlon hanggang sa bahay namin.Ang swerte ko talaga sakanya.Daig niya pa ang kuya ko.Nagpaalam na din agad siya.Pagka alis ni Marlon ay nagpahinga na din ako dahil gabi na..