Araw ng linggo kaya wala masyadong gagawin.Gumayak na ako para magsimba syempre kasama ko nanaman ang mga bruha kong kaibigan.Gawain na namin to ng mga kaibigan ko.Tuwing linggo magkakasama pa rin kami sa pagsisimba.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko ang magaling kong bestfriend na naghihintay sakin sa sala.
"San punta mo best?" bungad ko dito.
"Sasama sayo sa pagsimba san pa." supladong sagot nito.
"Siya tara na.Ano pang hinihintay mo pasko." pagtataray ko dito.
Narinig ko ang mahinang tawa niya sabay akbay sakin.
"Tito.Tita alis na po kami." dinig kong paalam nito sa parents ko.Tumango nalang din ako kay Papa tanda ng pamamaalam ko.
"Angkas ka nalang sakin may motor akong dala best hiniram ko sa kapatid ko."
"Ee pano sila?" tanong ko.
"Nadon nasa tricycle nakasakay na wala ng space don kaya sakin kana sumabay."
"Aba't ang mga bruhang iyon iniwan ako."
"Sumakay kana at baka malate tayo best dami mo pang arte." pagbibiro nito
"Nakikita mo ba ito?" pinakita ko ang aking kamao.
"Joke lang best.Di kana mabiro." napakamot nalang ito sa batok.
Sa totoo lang namimiss ko si Marlon ilang buwan na rin kaming di nagkita..Syempre wala akong kapatid na lalaki kaya malapit talaga ako sakanya.Kaso nga lang kelangan naming maghiwalay syempre para mag aral siya.
Bilib nga ako kay Marlon kase nagtitiyaga syang magtrabaho para makapag aral niya ang sarili niya.Ayaw niyang umasa sa magulang niya.
"Baba na best ano pa hinihintay mo pasko."
Nagulat nalang ako na nasa harap na kami ng simbahan.
Pumasok na kami sa loob agad ko namang nakita ang mga kaibigan ko.
Aba magaling may upuan na kami aa.
Nakangiti akong pumunta sa kanila habang hila sa kamay si Marlon.
Maya maya pa ay nag umpisa na ang misa kaya tahimik na kami..
Makalipas ang isang oras ay natapos na rin ang misa kaya nagka yayaan na kaming lumabas ng simbahan.
Habang busy ako sa pakikipag kwentuhan di ko namalayan nawala sa tabi ko si Marlon.
"Napansin nyo ba si Marlon?" tanong ko sa kanila.
"Ayon o kasama crush mo." nakangusong wika ni Anna
Namula naman ako sa narinig.
"Best halikayo dito." dinig kong tawag ni Marlon.
"Oy tara daw doon." wala na akong nagawa ng hinila nila ako papunta sa direksyon nina Ronnel.
Nararamdaman ko nanaman ang malakas na t***k ng puso ko.Hindi na lang ako nagpahalata sa kanila.
"Hi Shaira kumusta." nakangiting wika ni Junel.Hindi ko napansin na kasama pala ni Ronnel ngayon.
Palibahasa kay Ronnel ka lang nakatingin!
sigaw ng utak ko.
Nakita kong ngumiti ng tipid sakin si Ronnel.Iniwas ko na lamang ang tingin ko sakanya..
"San punta nyo nyan tito?" rinig kong tanong ni Yhonice kay Ronnel
"Baka uwi na siguro.May laro kami mamayang gabi e first game kami."
"Tara na best may laro pala kayo mamaya sa bahay kana kumain." pag aaya ko kay Marlon.
"Kami di mo aayain?" tanong ni Clara
"Oo nga nandyan lang si kuya Marlon nakakalimutan mo na kami." kunwaring nagtatampong wika ni Mikee
"Alam nyo na namiss ako masyado ni Shaira kaya gusto ako masolo."
Sinamaan ko ng tingin si Marlon.Napatawa nalang ito.
"Tara na guys sa bahay tayo mag hugas kayo ng pinggan ha." biro ko sa kanila.
Kanya kanya na silang pwesto sa tricycle na sinakyan nila.Habang ako hinihintay si Marlon dahil nagpapaalam pa kay Ronnel at Junel.
"Kitakits nalang mamaya sa game mga pre." paalam ni Marlon.
"Shaira kami ba hindi kasama sainyo." biro ni Junel saakin.
"Di na kayo kasya sa bahay." pamimilosopo ko dito.
"Grabe ka naman samin Shaira ang sakin naman niyan sa bangs." biro ni Junel
Napataas ang kilay ko sa kanya.Feeling close huh!
"Pagpasensyahan mo na." dinig kong wika ni Ronnel
Ngumiti lang ako ng tipid at sumakay na ko sa motor ni Marlon.
"Diyan na kayo.Mauna na kami." paalam ko sakanila ng hindi lumilingon.
"Nood ka mamaya ng game shaira.Para naman ganahan ako maglaro." sigaw pa ni Junel.
Napatawa naman si Marlon sa narinig.
"Type ka yata ni Junel aa." tukso niya sakin.
"Di ko siya type." mabilis kong sagot.
"Kase si Ronnel type mo?"
Natigilan ako sa narinig.Ramdam kong namula ang mukha ko.
"h-hindi ko siya type.Mag drive ka na nga lang." pagsusungit ko kay Marlon.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Huwag ako best kilalang kilala na kita."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.Baka mautal nanaman ako.
Teka nga bakit ba lagi nalang akong nauutal kapag pinag uusapan ang Ronnel De Vera na yon.
Ayokong lumalim ang simpleng paghanga ko sakanya gustuhin ko man umiwas sakanya anong magagawa ko e ka group sa liga ng hudyo kong bestfriend.
Napapansin ko na panay din ang sulyap niya kay Wena kanina sa simbahan.
kalimutan mo na yon masasaktan ka lang! pangungumbinsi ko sa sarili ko..