CHAPTER 5

1381 Words
Lumipas ang ilang araw na hindi ako nanood ng liga.Lagi nalang akong nagdadahilan sa kanila.Sinasabi ko nalang na marami akong assignment na gagawin kaya di ako makakasama.Hindi na rin naman ako kinukulit siguro nahahalata din nila na umiiwas ako sa De Vera na iyon. Kahit si Marlon hindi rin ako kinukulit na manood ng laro nila.Ang ginagawa niya pagkakatapos ng laro nila kapag maaga pa pinupuntahan nalang niya ako sa bahay.Balita ko wala pa rin silang talo dahil magaling kuno si De Vera. Pero ngayon parang wala akong takas sa kanila.Friday ngayon at walang pasok kinabukasan. Pagkatapos ko kumain ng dinner ay naligo ako para presko sa katawan.Pagkatapos ko magpatuyo ng buhok humiga muna ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Teka bakit ba ako apektado e hindi naman kami nung De Vera ba yon.! Tama wala dapat akong pakialam sa kanya! pangungumbinsi ko sa sarili ko. Kaya napag desisyonan ko sumunod sa court ngayon.Nag chat ako sa gc naming magkakaibigan. "San kayo mga bruha?" sent.. "Dito na kami sa court malapit na mag umpisa laro nina kuya Marlon punta ka Shai?" reply ni Jaylyn. "Sige susunod ako diyan.Magbibihis lang ako." sent.. "See you!" reply ni Anna.. Dali dali akong nagpalit ng damit.Isang blouse na hindi masyadong fit sakin at tokong na umabot sa taas ng tuhod ko. Dali dali akong pumunta sa court dahil medyo malapit lang naman ang bahay namin sa court mabilis lang akong nakarating. Natanaw ko agad kung san naka pwesto ang mga kaibigan ko.Nakita kong kumaway sakin si Yhonice kaya dumeretso na ako sa bakanteng upuan sa tabi nila. "Anong meron at nanood ka ata ngayon?" tanong sakin ni Mikee "Hindi na ako busy e natapos ko agad assignments ko tapos wala naman pasok bukas kaya nanood nalang ako ngayon." mahabang paliwanag ko. "Taray.Akala ko may iniiwasan." wika ni Jaylyn sabay peace sign. Narinig ko ng pumito anf referee kaya nagpunta na ang mga maglalaro sa gitna ng court.Nakita ko si Marlon na papunta sa gitna kaya tinawag ko ito. "Best!!" agaw ko ng atensyon niya.. Gulat itong lumingon sakin at lumapit pa talaga habang hanggang tenga ang ngiti. "Mabuti nanood ka? Hindi kana busy?" tanong nito. "Gusto kitang panoorin best kaya galingan mo ha." sabay kindat ko sakanya. Ginulo lang nito ang buhok ko at tumakbo na sa gitna ng court.Natatawa ko nalang itong sinundan ng tingin.Biglang nahagip ng tingin ko si De Vera na nakatingin sa gawi ko kaya tinaasan ko lang ito ng kilay.Nakita ko naman itong napailing.. Nagsimula na ang laro kaya kanya kanya na kaming cheer ng mga kaibigan ko. "Go best galingan mo!!" sigaw ko natatawa nalang na naiilang akong tiningnan ni Marlon.. "De Vera ang galing mo talaga!!" sigaw naman ni Mikee. Napatingin ako dito at sinamaan ng tingin tumingin lang din to sakin sabay halakhak. Ang ingay naming magkakaibigan hanggang sa matapos ang laban nila.Walang palya panalo pa rin. Sobrang galing ng grupo nila lahat sila marunong humawak ng bola kaya siguro wala silang talo. Nakita kong papalapit samin ang buong grupo nila..Kase naman nasa tabi kami ng mga gamit nila at sa lagayan ng mineral walter nila.Nakita ko si De Vera sa likuran ni Marlon.Hindi ko nalang siya pinansin. "Ang galing mo talaga best! Bestfriend talaga kita!" nakangiti kong salubong sakanya. Inabutan ko na agad siya ng towel at ng tubig.Pagkatapos niyang uminom ng tubig tinaboy ko na siya para mag palit ng damit sa cr. Habang hinihintay ko si Marlon nakita kong lumapit si Anna kay Ronnel.Napataas ang kilay ko. Nagpapicture? Artista lang? bulong ko. "Kung nakamamatay lang ang tingin mo bumulagta na yan." Nagulat ako nasa tabi ko na pala si Marlon ni hindi ko namalayan na bumalik na pala. "h-hindi a.Nasisilaw lang ako sa ilaw kaya ganto mata ko.Kung ano ano napapansin mo." sabay batok ko sakanya.Nagulat ako dahil nagtinginan silang lahat saamin kaya medyo nahiya ako. Pasimple kong kinurot si Marlon sa tagiliran at ang walang hiya sumigaw pa. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.Kami tuloy ang center of attraction. "Ang sweet nyo namang dalawa.Nagseselos na ko sobra." biro ni Junel "Di kami talo!" "Di kami talo!" Sabay naming wika ni Marlon at sabay pa kami humalakhak ng malakas. "Shai sama tayo sa kanila." tawag pansin sakin ni Yhonice. "San punta nila?" tanong ko. "Birthday ni Junel may kaunting handa daw." sabat ni Mikee "Huwag kang tumanggi ngayon lang to." sabat naman ni Jaylyn. Nakita kong naghihintay ng sagot ko ang mga kaibigan ko.Habang nag iisip ako biglang may nagsalita. "Sumama kana Shaira maging masaya man lang ang birthday ko." biro ni Junel kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Sige na best saglit lang tayo doon hindi tayo magtatagal hatid nalang kita sainyo." wala na akong nagawa kaya sumama na ako. Pagdating namin sa bahay nina Junel sinalubong kami ng Nanay niya. "Pasok kayo ihahanda ko lang ang pagkain." pag anyaya nito samin. Dumeretso kaming lahat sa sala habang naghihintay.. "Mikee tulungan mo magiging byenan mo." dinig kong bulong ni Yhonice kay Mikee. At ang bruha tumayo nga at sinundan ang nanay ni Junel sa kusina at paglabas nito may bitbit na itong lagayna ng kanin at ulam sa magkabilang kamay. Nagkatinginan kaming magkaka ibigan sabay nagtawanan.Nagkakasundo nanaman sa kalokohan. Bukod ang lamesa samin ng mga boys kaya bwelo kami sa mga kalokohan namin. Kanya kanya na kaming kuha ng pagkain namin.Konte lang ang kinuha ko dahil busog pa naman ako. Hinanap ng mata ko si Marlon at talagang uunahin pa alak kesa sa pagkain.Kaya kumuha ako ng panibagong plato at pinagkagay ng pagkain ang bestfriend kong uhaw sa alak at saka lumapit. "Kumain ka muna bago alak best uhaw na uhaw ba?" bulong ko dito. Natawa nalang siya sa sinabi ko sabay kuha ng pagkain na hawak ko. "Sabi ko nga best kakain muna." sabay kindat niya kaya napangiti nalang ako. Pag angat ng tingin ko nakita ko sa Ronnel na nakatingin samin na para bang aliw na aliw sa nakikita.Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik na ko sa pwesto ko kanina at tinapos ang pagkain ko. Nakikita kong nagkakasayahan na ang mga boys sa kabilang table at kami naman ay pinagttripan pa rin si Mikee dahil may gusto pala to kay Junel.. Nakaramdam ako ng pagka ihi kaya nagpaalam muna ako para mag cr.Pagpasok ko sa kusina nakita ko ang nanay ni Junel.Kaya dito na ako nagtanong kung saan ang cr nila.Agad naman itong tinuro sakin.. Paglabas ko ng cr nagulat ako dahil nasa labas ng pinto si Ronnel.Bigla ko nanamang naramdaman ang kakaibang t***k ng puso ko.Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. "g-gagamit ka ba ng Cr?" nauutal kong tanong. Ngumiti lang siya sakin at pagkatapos ay tumalikod na sabay kamot sa batok.Naguluhan naman ako sa inakto niya pero ipinawalang bahala ko na lamang. Nakita kong nag gagayak na para umuwi ang mga kaibigan ko pagbalik ko.At si Mikee hindi nakatiis nagpaalam pa talaga mag isa sa nanay ni Junel.Halata namang natutuwa din kay Mikee ang nanay ni Junel.Si Junel naman nakasimangot lang sa tabi. "Best hatid na kita sainyo." pag aaya sakin ni Marlon. "Hindi ka lasing?" tanong ko sakanya. "Hindi best ako pa!" pagyayabang nito. "Ikaw ang bahala." Nagpaalam na kami sa nanay ni Junel at nagpasalamat at saka kanya kanyang uwi na kami. Pagkahatid ni Marlon sakin sa bahay umuwi din agad siya dahil medyo nahihilo daw siya dahil sa tama ng alak.Tinawanan ko nalang ito. Pumasok na ako sa kwarto para magpahinga.Biglang tumunog ang cp ko hudyat may nag message. Nakita kong may message sa gc naming magkakaibigan. "Si Mikee nag lelevel up hahaha " Yhonice "Oo nga feeling manugang agad ." Jaylyn "Hahaha ako pa ba." reply ni Mikee "Wala kayo sa isa diyan sinundan sa labas ng cr." Anna "Sino?" Clara "Kita ko din yon." Mikee "Me too.San kaba kase nakatingin Clara at hindi mo nakita?" Jaylyn. "Parang alam ko na aa..hindi nagrereact pa seen seen lang siya." Clara "Tigilan nyo ako mag ccr lang din yung tao nagkataon lang na nakasabay ko.Malisyosa kayo." pagtataray ko kunwari. "Yieehh..level up na." kantiyaw ni Jaylyn "Matulog na kayo kulang lang kayo sa tulog.Magpapahinga na ako bye!" hindi ko na hinintay ang reply nila tinago ko na ang cellphone ko at gumayak na para matulog. Ayokong umasa baka masaktan lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD