Mabilis lumipas ang araw last day na ng game nila para sa championship.Dalawang grupo nalang silang mag lalaban kaya naman di ko pinalampas ang pagkakataon.Maaga pa lang ay nakagayak na ako hinihintay ko nalang si Marlon na sunduin ako sa bahay.Ang mga bruha ko namang kaibigan ay mauuna na daw sa court para may upuan kami malapit sa pwesto nina Marlon.Pabor naman sakin iyon mainipin kase ako gusto ko pagdating ko doon mag uumpisa nalang.
Nine pm pa naman ang umpisa ng laro nila kaya medyo maaga pa naman.Kaya naisipan kong mag basa muna ng yugto sa cellphone ko habang hinihintay si Marlon.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagiging busy ko sa pagbabasa ng yugto.Kung hindi ko pa narinig ang katok ni Papa sa pinto ng kwarto ko.
"Anak nandito na si Marlon lumabas kana diyan."
"Opo pa nandiyan na."
Pandalas ako ako ako sa pagsusuklay ng buhok ko dahil nagulo sa pagkakahiga ko.Naglagay na din ako ng polbos at lip gloss saka lumabas na.
"Ma,Pa alis na po kami." paalam ko sabay hila kay Marlon na prente pang nakaupo sa sala namin.
"Dahan dahan naman baka naman mabalian na ko best.Hindi na ako makapaglaro niyan." reklamo nito.
"Kase naman ang bagal mo malapit na mag umpisa ang laro no."
"At ako pa talaga ang mabagal ngayon?" tanong niya sakin.
"a-e .. basta bilisan mo na."
Mabilis kaming naglakad papunta sa court.Pagdating namin nag gagayak na ang mga player kaya naman hinanap ko na sa bag ni Marlon ang jersey niya at pinag bihis na siya.Daig ko pa ang nanay na nag aasikaso sa anak habang ang bestfriend ko naman tatawa tawa lang.
"Bilisan mo!" pagsusungit ko sakanya..
Nang makapag bihis na siya ay agad ko ng tinaboy para pumunta sa coach nila.Ako naman ay tumabi na sa katabi ni Jaylyn.
Medyo kinakabahan din ako ngayon alam kong mahigpit ang laban ngayon dahil championship na.Kinakabahan ako para kay Marlon baka ma injury nanaman kagaya nung nangyari last year.
Nag uumpisa na ang laro nila.First quarter pa lamang ay nagkakasakitan na sila.Masyadong mapanakit ang kalaban nila.Nakita kong sinasadyang sikuhin sa sikmura si Marlon ng kalaban kaya nakita ko na medyo napangiwi ito.
Humingi naman ito ng time out.Lumapit itong nakangiwi sakin kaya nabahala din ako.
"Naku babatukan ko talaga yung naniko sayo! Ayos ka lang ba? Huwag kana kaya maglaro." nag aalala kong wika..
Natatawa lang ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kaya mo ba?!" masungit kong tanong.
"Oo kayang kaya ako pa." mayabang nitong sagot..
"Huwag kang mag alala diyan matibay yan si Marlon." nakangiting wika ni De Vera
"Kung ikaw kaya sikmuraan ko diyan!" pagtataray ko sakanya.
"Di ako lalaban." nakangiti niyang wika sabay taas ng kamay tanda ng pagsuko..
Anong meron sa lalaking ito at ngiti ng ngiti? nagtataka kong bulong.
"Inspired lang nandiyan ka kase." bulong din niya pero malinaw kong narinig.
"Anong sabi mo De Vera?!" masungit kong tanong.
"Wala akong sinasabi.Tara na pre." sabay tapik niya sa balikat ni Marlon.
"Sigurado kang kaya mo ?" paninigurado ko kay Marlon.
"Oo best ako pa." sabay talikod nito at bumalik na sa court.
Napailing na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin.
"May lumelevel up talaga." pagpaparinig ni Jaylyn
"Sana all." sabat naman ni Anna
Nakita ko silang nagtinginan sabay nag apir sa isat isa.Hindi ko nalang pinansin at ibinalik ang mata sa mga naglalaro sa court.
Maya maya pa ay nasiko si Ronnel ng kalaban sa may bandang kilay kaya pumutok ito.Bigla akong napatayo sa pag aalala.Kitang kita ko ang pag agos ng dugo sa mukha niya.Kita ko din ang gulat ng mga kaibigan ko base sa reaction nila.
Agad itong nagpapalit sa ibang kasama nila at lumakad papunta sakin.Ako naman nakatayo lang habang nakatingin sakanya na may halong pag aalala.
Umupo siya sa inupuan ko kanina at tumingala sakin ng nakangiti dahil nakatayo pa rin ako.
"o-okey ka lang ba?" nauutal kong tanong.
"Okey lang malayo sa bituka to." nakangiti niyang sagot.
"Nakakangiti kapa sa lagay mong iyan!" pagalit kong wika.Tumalikod na ako at pumunta sa isang opisyal ng barangay namin para manghingi ng bulak,alcohol at betadine tsaka gasa na din.
Pagbalik ko nakikipag tawanan pa siya sa mga kaibigan ko.Bigla silang natahimik nung dumating ako..
Walang imik kong nilinisan ng bulak na may alcohol ang sugat niya saka ko nilagyan ng betadine at gasa habang siya nakangiti pa rin na parang nanalo pa sa lotto.
"Ano bang nginingiti ngiti mo diyan mukha kang timang!" galit kong wika sakanya.
"Wala naman.Hmm..Nag aalala ka din papa sakin?" nakangisi niyang tanong.
Nakita ko ang ngisi ng mga kaibigan ko.Parang bigla akong napahiya.
Masyado ba akong obvious? my ghad kakahiya! bulong ko sa sarili ko.
Tumayo na si Ronnel at ako naman ang pina upo.
"Salamat sa pag aalala at dito nadin." nakangiti niyang tinuro ang sugat niyang may gasa na ngayon.At tumalikod na para bumalik sa court.
"May gana pa talagang maglaro ulit na parang walang nangyari tss!" bulong ko.
"Hayaan mo na si tito inspired lang yon." at ngumiti ng makahulugan sakin si Yhonice.
Napailing na lamang ako.
Natapos na ang laro ng wala na ulit na nasaktan kanina.At syempre panalo pa rin kami este sila pala.Over all champion!!
Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao.Masaya ako para sakanila.Deserve nila yon dahil magagaling talaga silang lahat..Naku panigurado libre na ang lahat sakanila sa sayawan bukas ng gabi..
"Congrats best.Ang galing mo talaga.Pasikmura nga ng isa." masayang kong wika sabay hampas sa sikmura niya.
"Sh*t ! Sakit nun best aa.Ganun na ba mag congratulate ngayon?" natatawang wika niya habang hawak ang sikmura.
"Masaya lang ako para sainyo best." masayang kong wika.
"Shaira ako din e congrats mo naman ako." biro ni Junel nakita ko naman na sinamaan to ng tingin ni Mikee.
"Ah ganun,halika dali." pag aaya ko sakanya.
Paglapit na paglapit niya sakin hinampas ko din siya ng braso sa sikmura.Sabay ngiting tagumpay
"Aray! mapanakit ka talaga Shaira!" nakasimangot nitong wika
"Dito ka sakin Junel lalambingin kita." nakangiting sabat ni Mikee
Sinamaan lang ito ng tingin ni Junel.
Nagtawanan nalang ang lahat.
Nakita kong pinagmamasdan ako ni Ronnel kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Problema mo De Vera!" pagsusungit ko dito.Kinindatan niya lang ako sabay talikod para makipag kamay sa mga kasama.
Sira ulo!
Hinatid ulit ako ni Marlon sa bahay pagkatapos ng game.Medyo ginabi na rin kaya natulog na agad ako pagkatapos kong maglinis ng katawan..