"Iiyak mo lang lahat Shai para mabawasan lahat ng bigat na nararamdaman mo." pag aalo saakin ni Yhonice. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap kay Yhonice. "Parang hindi ko pa siya kayang pakiharapan.Pakiramdam ko bumabalik lahat ng sakit na nararamdaman ko noon." iyak ko pa ring sumbong sa kanya. "Alam mo Shai siguro kailangan niyong mag usap ng maayos kase hanggat hindi mo napapakinggan yung side niya hindi mawawala iyang bigat sa dibdib mo.Maging matapang ka Shai kailangan mong harapin si tito sa ayaw at sa gusto mo.Pakinggan mo lahat ng paliwanag niya.Saka ka mag desisyon kung kakalimutan mo na siya ng tuluyan o papatawarin mo siya para maging okey kayo ulit." mahabang pangaral sakin ni Yhonice. "Hindi mo matatakasan ang nakaraan mo Shai lalo pa at makikita mo siya dito saatin

