CHAPTER 20

1244 Words
Nagulantang ako sa pagkaka higa ko ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko mula sa labas ng bahay namin.Balak ko sanang matulog ngayon kase baka mapuyat ako sa panonood ng basketball mamayang gabi. "Shaira! Lumabas ka diyan!Magtutuos tayo!" Tamad na tamad akong bumangon para harapin ang baliw kong kaibigan. "Ano nanaman iyang pakulo mong bruha ka!" mataray kong bungad sa kanya. Sino pa nga ba.Walang iba kundi si Yhonice. "Shaira! Hahaha namiss kita ng konte.!" sabay sugod niya ng yakap sa akin. Napailing na lang ako at niyakap din siya ng mahigpit. "Akala ko ba mamayang gabi pa dating mo?" tanong ko. "Inagahan ko na shai para may konteng pahinga naman ako bago manuod ng liga.Alam mo na para naman hindi ako haggard no." "So dito mo na balak magpahinga niyan?Iniwan mo lang ata gamit mo sa inyo tapos dito ka na dumeretso eh." natatawa ko siyang hinila papasok sa loob ng bahay namin. "Syempre naman ang tagal kaya nating hindi nagkita.Kase naman halos ayaw mo na umuwi dito sa atin.Kung hindi ka pa namin dalawin sa apartment mo hindi ka pa namin makikita." mahabang lintanya niya. Napailing na lang ako.Simula kase noong maghiwalay kami ni Ronnel at noong mawala si Marlon iniwasan kong umuwi muna sa bahay.Pakiramdam ko kase nakikita ko sila sa bawat sulok ng bahay namin. Kaya naisip kong maghanap ng panibagong apartment para naman makalimutan ko ang sakit kahit paano. Awa ng Diyos unti unti naman akong naka ahon. "Shaira!!!" nagulat ako ng sumigaw si Yhonice sa harapan ko. "B-bakit ka ba sumisigaw?" nauutal kong tanong. "Kase naman kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman nakikinig.Kanina ka pang nakatulala sa kawalan." talak niya. "Pasensya na namimiss ko lang si Marlon." malungkot kong pag amin. "Hmm.Si Kuya Marlon nga lang ba?" nanunukso niyang tanong. "Oo naman may iba pa ba akong dapat mamiss?" "Meron si ano..." binitin niya ang kanyang sasabihin pero alam na alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.. "Matagal ko nang kinalimutan iyon ano ka ba." natatawa kong sagot sa kanya. Sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung paano ko siya pakikiharapan kapag nagkita kami.Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang tingnan ng wala na akong nararamdamang sakit sa dibdib ko.Kung kaya ko na ba siyang pakiharapan ng maayos. Simula kase noong maghiwalay kami sa Maynila hindi na ulit kami nag kakausap ulit hindi rin ako nakikibalita ng kahit anong tungkol sa kanya. Baka nga nag pakasal na iyon doon sa Elaine niya. "Ewan ko sayo Shaira nakatulog na lang nasasayang lang ang laway ko sayo." mataray na wika ni Yhonice. "B-bakit ba.?" "Ewan ko sayo daig mo pa ang nananaginip ng gising diyan." singhal niya bago pumasok sa kwarto ko at nahiga. "Aba feel at home.Inunahan mo pa talaga ako diyan.Ako kaya ang matutulog diyan." pagsusungit ko. "Halika na Shai tabi tayo.Matulog muna tayo para naman maganda tayo mamaya." nakangiting wika niya. "Ayaw pa kase maghanap ng jowa." biro ko. "Aba nagsalita ang walang jowa." Nagkatinginan kami at sabay na nagtawanan. "Tulog na tayo." pag aaya ko sa kanya. "Nak !! gising na kayo gabi na!!" napabalikwas ako ng marinig ko si Mama.Nagulat ako ng makita kong pasado alas otso na ng gabi.Mabilis kong ginising ang kaibigan kong sarap na sarap sa tulog habang yakap ang unan ko. "Yhonice gising na at alas otso na." Bigla naman itong napabalikwas sa higaan. "Naku Shai late na ata tayo.Baka nag uumpisa na ang liga." nakasimangot nitong reklamo. "Bilisan mo sabay na tayo maligo doon ka sa kabilang kwarto para makakain na tayo." pagtataboy ko sa kanya. Mabilis kaming kumilos para maligo at pagkatapos ay nagbihis na.Nagsuot lang ako ng simpleng blouse at high waist na short.At lumabas na para kumain. Nakita kong nasa hapag na si Yhonice kaya mabilis kaming kumain ng dinner para makaalis na.Hinugasan ko lang ang pinagkainan namin at umalis na kami pagkatapos naming magpaalam sa parents ko. Pagdating namin halos nangangalahati na ang laro. "Naku sabi ko na e late na tayo." reklamo ni Yhonice.Kaming dalawa pa lang ngayon dahil sa sayawan na yata ulit uuwi sina Jaylyn. "Hayaan mo na may second game naman siguro." Pinagmamasdan ko ang mga player sa gitna ng court. "Sana nandito ka best sana ikaw ang pinag che-cheer ko ngayon." bulong ko sa hangin. Naalala ko kapag time out nila ako pa nagpupunas ng pawis niya sa likod.Ako rin nagbibigay ng tubig sa kanya may kasama pang batok. "Miss na miss na kita best.Miss na kitang batukan." natawa na lang ako ng maalala ko noong binatukan ko siya sa gitna ng dance floor. "Shai..Kanina pa kita tinatawag lumilipad nanaman ang isip mo." bulong sa akin ni Yhonice. "Hah? bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya ng hindi siya nililingon. "Kanina ka pang tinatanong ni Junel kung kumusta ka na daw." gulat akong napalingin sa gilid namin.Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako.Nakita ko si Junel na nakangiti sakin habang seryoso naman akong pinagmamasdan ni Ronnel habang nakapamulsa. Bigla kong naramdaman ang malakas na t***k ng puso ko kaya bigla akong napaiwas ng tingin. "O-okey lang ako i-ikaw ba?" utal kong sagot kay Junel nang hindi makatingin sa kanya. "Okey lang din heto single pa rin." biro niya pa. "Kase naman napaka torpe mo hindi mo man lang mapormahan si Mikee.'' pang aasar dito ni Yhonice. Napakamot naman ito sa batok.Kaya tinawanan lang siya ni Yhonice habang natawa na rin ako. Hindi pa din ako lumilingon sa direksyon nila kase natatakot akong masalubong ang tingin ni Ronnel. "Ikaw tito single ka pa rin?" dinig kong tanong ni Yhonice.Kunwari nanonood ako habang matamang nakikinig sa usapan nila. Bakit ka ba interesado! suway ko sa sarili ko. "Papasagutin ko pa." tipid niyang sagot. "May nililigawan ka na ulit tito?" tanong ulit ni Yhonice. "Liligawan pa lang." Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko.Akala ko nakalimutan ko na siya.Akala ko okey na ako.Akala ko kaya ko na siyang tingnan na parang walang namagitan saamin. Akala ko lang pala. Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko kaya napakurap ako ng mata. Bago pa bumagsak ang mga luha ko ay nagpaalam na ako kay Yhonice para mag cr. "Dito ka lang muna cr lang ako."saka ako mabilis na tumalikod papunta sa cr. Pagkapasok ko ng cr isa isang nagbagsakan ang mga luha ko.Tahimik akong napahikbi sa loob ng cr. Hindi ko pa pala kaya! Sobrang sakit pa rin pala. Almost 6 years na mula ng maghiwalay kami pero yung sakit na nararamdaman ko wala pa ring pinagbago. Parang nanariwa lahat ng sugat sa puso ko pagkakita ko pa lamang sa mukha niya. Mabilis kong tinuyo ang mga luha ko at naghilamos para hindi mahalata ni Yhonice na umiyak ako. Nagulat ako ng buksan ko ang pinto nakita kong nakasandal s Ronnel sa pader ng cr habang nakapamulsa na tila may hinihintay. Napaangat naman siya ng tingin sa akin.Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "B-babe." nauutal niyang tawag saakin. Natigilan naman ako sa narinig ko.Tiningnan ko siya ng masama. "Matagal na tayong tapos kaya huwag mo akong ma tawag tawag na babe." galit kong wika sa kanya. "Pakinggan mo naman ang paliwanag ko." hirap na hirap niyang wika. " Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" mabilis ko siyang iniwan at pinuntahan ko si Yhonice habang tahimik akong umiiyak. Nagulat pa si Yhonice ng makita ako pero nagpatianod na lamang siya sa paghila ko. Kelangan ko bang pakinggan ang paliwanag niya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD