CHAPTER 19

1158 Words
MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON. "Best kumusta ka na.Alam mo bang na promote ako sa work ko." "Ginalingan ko masyado di ba best." "Okey na rin ako best hindi na ako umiiyak palagi." "Masaya na uli ako buhay ko best wala ng nangugulo." "Pero mas masaya sana kung nandito ka." "Bakit mo naman kase ako iniwan best.Sabi mo palagi ka lang nasa tabi ko kapag kailangan kita." naiiyak kong kausap sa puntod ni Marlon. Hindi ko alam noong araw na pinuntahan ko siya noon sa Maynila habang umiiyak ako iyon na pala ang huling araw na makakasama ko siya. Hindi ko man lang siya natanong kung kumusta na siya.Kung okey lang ba siya. Hindi ko alam na nakikipaglaban na pala siya sakit niyang cancer sa bituka. Kaya pala napapansin ko noon na bumabagsak ang katawan niya.Kaya pala laging siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung bakit siya namamayat kase ayaw niyang mag alala ako kapag nalaman ko ang sakit niya. Sobrang naawa ako sa kanya kase mag isa lang iyang nilalabanan ang sakit niya noon.Kaya pala mas pinili niyang mag aral sa Maynila para hindi malaman ng pamilya niya. Nagulat na lang ako ilang araw akong makauwi galing Maynila noon ng biglang tumawag sakin si Tita Elisa at sinabing wala na si Marlon. Halos magunaw ang mundo ko noon sa nalaman.Pakiramdam ko tripleng sakit ang nararamdaman ko noon dahil bukod sa niloko na ako ng ex ko noon.Nawalan pa ako ng isang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Halos gabi gabi akong umiiyak noon hindi rin ako makakain ng maayos noon.Kaya na ospital ako ng ilang araw noon dahil hindi kinaya ng katawan ko. Awang awa naman sakin sina Mama at Papa noon. Palagi nilang sinasabi saakin na hindi daw magiging masaya si Marlon kapag nakita akong miserable. Kaya unti unti kong binago ang sarili ko.Unti unti kong kinaya lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naging subsob ako sa pag aaral ko noon para lang hindi maisip ang mga problema ko. Kahit ang mga kaibigan ko noon awang awa na saakin.Kaya tinulungan nila akong makabangong muli. Pagka graduate ko sa college nakahanap agad ako ng trabaho.Nag umpisa muna ako bilang staff sa isang company.Pilit kong pinagbuti ang trabaho ko ginawa kong inspirasyon si Marlon noon.Kaya eto na ako ngayon.Masaya na ulit sa buhay wala na ang sakit na nararamdaman ko. Nakakatulong na rin ang sa gastusin sa bahay.Halos lahat ng sweldo ko binibigay ko kay mama nagtitira lang ako ng allowance ko. "Siya nga pala best may ipapakilala ako sayo." "Si Mark nga pala bagong kaibigan ko.Siya na nagbabantay at nag aalaga sakin ngayon." "Pare ako ng bahala sa bestfriend mo.Hayaan mo aalagaan at mamahalin ko rin siya tulad ng ginawa mo." nakangiti niyang kausap sa puntod ni Marlon. Ako lang sana ang dadalaw sa puntod ni Marlon ngayon pero nagpumilit lang siyang sumama sakin. Isa si Mark sa nakilala ko nang mag apply ako sa company na pinapasukan ko ngayon.Nakikita ko sa kanya ang ugali ni Marlon kaya mabilis na napalapit ang loob ko sa kanya. Tinangka niya rin manligaw saakin noon pero hindi ko siya pinayagan.Hindi lang dahil sa hindi pa ako handang buksang muli ang puso ko kundi hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Nirespeto naman niya ang desisyon ko kaya eto kami ngayon kuntento na sa pagiging mag kaibigan lang. "Best uwi na ako ha.Dadalaw ulit ako sayo kapag off ko." naramdaman ko ang malakas na hangin na humampas sa balat ko. Napangiti ako. Alam kong ikaw yan best! Niyaya ko nang umuwi si Mark.Hinatid niya lang ako sa aking tinutuluyan at umalis na rin. Napagpasyahan kong umupa nalang ng apartment na malapit sa pinapasukan ko para makatipid ako sa gastusin ko.Pumayag naman ang parents ko.Kung saan daw ako masaya ay susuportahan daw nila ako.Minsan dinadalaw din ako ng mga kaibigan ko na may kanya kanya na ding trabaho.Minsan nga kapag napapasarap dito pa sila natutulog. Masaya naman ako dahil kahit magkaka layo na kami nabibigyan pa rin namin ng oras ang isa't isa. "Dahil na achived natin ang target ng ating company bibigyan ko kayo ng dalawang linggong bakasyon." nagpalakpakan kami ng marinig namin ang sinabi ng boss namin. "Pero..dala-dalawa lang na tao bawat two weeks.Hindi kayo pwedeng mag sabay sabay lahat dahil mawawalan ako ng tao." natatawang dugtong pa ng aming boss. "Boss kami mauuna ni Shaira magpi fiesta naman sa kanila kaya pag bigyan mo na kami." wika ni Mark. "Walang problema saakin.Simula na bukas ang bakasyon ninyo." mabilis na pagpayag ng boss namin. "Naku mamimiss ka namin maam Shai dalawang linggo rin kaming mawawalan ng mabait na Manager." biro ni Liza na isang masipag at mabait kong tao. Nag sang ayunan naman ang lahat. "Pag bigyan nyo na ang Maam Shai nyo para makapag pahinga naman sa stress sainyo." biro pa ng boss namin. Nagtawanan naman kaming lahat. "Back to work na guys." wika ng boss ko at pumasok na sa opisina niya. Mabilis ko namang tinapos lahat ng pwede kong tapusin para wala ng problema sa bago ako umuwi.Yung iba na hindi naman masyadong kailangan hinabilin ko na lamang sa secretary kong si Ara. Excited na akong umuwi saamin lalo pa at malapit na ang fiesta samin. Excited akong nag message sa gc naming magkakaibigan. Guys bakasyon ako starting tommorow.Two weeks din tamang tama dahil malapit na fiesta saatin. wow sana all nalang.Baka sa araw na lang ako mismo ng fiest umuwi.Syempre aattend ako ng sayawan. reply ni Clara. Magpapa alam ako one week para maka bonding kita ng matagal Shai. reply naman ni Yhonice. Nood tayo ng liga huh. reply din ni Anna. Muling ibalik ang tamis ng pag ibig. panunukso naman ni Mikee. Ano ba kayo naka move on na yan si Shaira no.Hello six years na kaya. sabat naman ni Jaylyn. Basta kitakits na lang tayo sa atin ha. pag iiba ko ng topic bago nanaman humaba pa ang usapan. Pagkatapos ko sa lahat ng aking ginagawa gumayak na ako para umuwi sa apartment na tinutuluyan ko.Kailangan kong mag impake ng mga damit na dadalhin ko pauwi sa amin. Dahil excited na akong umuwi bumyahe na agad ako kinabukasan hindi ko na hinintay si Mark.Teneks ko nalang ito na sumunod na lang sa amin. Sanay na din sina Mama na palagi kong dinadala sa bahay si Mark noong una ng akala nila kasintahan ko si Mark dahil sobrang close namin. Pinaliwanag ko naman sa kanila na magka ibigan lang kami. Kaya ayon feel at home na rin siya sa bahay namin. Ilang oras lang ang hinintay ko ng makarating ako sa harap ng bahay namin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bahay namin mula sa labas. Hindi ko pa rin maiwasang maalala ang lahat ng masasayang memories namin ni Ronnel sa bahay. Teka bakit ko ba inaalala yon! Move on na diba! suway ko sarili ko. Kung talagang kami ang para sa isa't isa tadhana na ang gagawa ng paraan para pag tagpuin ulit kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD