CHAPTER 18

1209 Words
Dahil sa sobrang pag iisip ko napaaga ang luwas ko ng Maynila.Gusto kong makahanap ng sagot sa tanong ko.Ewan ko ba kung bakit hindi ako mapakali. Hawak hawak ko ang papel na may nakasulat na address ng tinutuluyan ni Ronnel. Mabuti nalang talaga at pinayagan ako sa parents ko.Naiintindihan naman daw nila ako.Alam nilang hindi nakakauwi si Ronnel sa probinsya namin dahil sa sobrang busy sa negosyo nila. "Ate san po ba itong address na ito.? tanong ko sa Ale na nagtitinda ng mga kakanin sabay pakita sa kanya ng papel na hawak ko. "Diyan lang yan ineng sa unahan.Lakad ka lang ng konte kapag may nakita kang gate na green pumasok ka nalang.Nag iisa lang naman ang tao diyan.Yung binatang gwapo." dugtong niya pa. "Salamat po." magalang kong pagpapasalamat bago nag umpisang maglakad sa tinuro ng Ale. Habang papalapit ako sa apartment na may green na gate bigla na lang ako nakaramdam ng malakas na kabog ng dibdib ko.Hindi ko masabi kong dahil sa excited lang ako o may mangyayaring hindi maganda. Nakita kong naka awang ang gate kaya pumasok na ako. "Babe?" malakas kong tawag sa kanya pero walang sumasagot kaya tuloy tuloy na akong pumasok sa sala. Bigla kong nabitiwan ang hawak kong sundae dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung paano mag rereact ang katawan ko.Nakaramdam ako ng panggigilid ng luha ko. Si Ronnel may kahalikang babae! Matangkad ito at medyo.sopistika ang dating. Nagulat naman sila ng marinig ang pag bagsak ng sundae ko sa sahig kaya napabitaw sila sa isa't isa. Gulat na napatingin saakin si Ronnel habang yung babaeng katabi niya hindi ngumingiti na para bang normal lang ang ginawa nila.Tinaasan ako nito ng kilay na para bang sinasabi na istorbo ako sa kanila. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.Napailing na lang akong tumingin kay Ronnel sabay takbo paalis ng apartment niya. "Babe!!" rinig kong tawag niya saakin pero dere deretso lang ako sa pagtakbo habang umiiyak. Nadaanan ko pa yung Ale na pinagtanungan ko kanina na nakatingin sa akin na may pagtataka sa mukha. Mabilis akong sumakay sa taxi na tumigil sa harapan ko.Pagkasara ko naman ng pinto nakita ko si Ronnel na kumakatok sa bintana ng taxi. "Kuya tara na po.Sa terminal po." Umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng taxi nakita kong panay ang sulyap sakin ng driver pero wala akong pakialam basta gusto kong ilabas lahat ng sakit ngayon. Kaya pala nawawalan na siya ng time saakin kase may iba na siya.Ang tanga tanga ko kase naniwala ako sa paliwanag niya. Kung pwede lang na sumigaw para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit ng wala si Ronnel sa buhay ko. Sumobra ba ang binigay kong pagmamahal kaya ganito ka sakit. Hindi ko namalayan na ibinigay ko na pala lahat sakanya ang buong pagmamahal ko.Nakalimutan ko palang magtira para sa sarili ko. Lahat pala ng pangarap niya sa iba na niya tutuparin. Pakiramdam ko namatay ang kalahati ng katawan ko.Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit niya nagawa sakin to? Nagkulang ba ako? Saang parte ako nagkulang? "Maam nandito na po tayo." tawag pansin sakin ng driver. "Kuya pwede ba ihatid mo ako sa address na ito." saka binigay sa kanya ang address ni Marlon dito sa Maynila. Siya lang ang taong pinaka malapit kong matatakbuhan ngayon. Pumayag naman ang driver at agad akong hinatid sa address ni Marlon.Siguro naaawa na din sakin iyong driver kase napapansin ko panay ang sulyap niya saakin sa rear mirror ng taxi. Pagkababa ko nagbayad ako sa driver pero hindi niya ito kinuha. "Okey lang po maam.Itabi mo nalang po iyan.Magpakatatag ka lang po.Pagsubok lang po iyan." pagpapalakas niya ng loob ko tinapik niya lang ako sa aking balikat at umalis na. Mabilis kong hinanap ang cellphone ko para tawagan si Marlon.Mabilis namab itong sinagot ni Marlon. "b-best." nanginginig ang boses kong bungad sa kanya. "Anong nangyari sayo?Umiiyak ka ba?" sunod sunod niyang tanong. "Sunduin mo ako ako best.Nandito ako malapit sa apartment mo." umiiyak ko pa ring wika. "Sige hintayin mo ako diyan!" dinig kong pinatay na niya ang tawag. Hinang hina ang napaupo sa lupa.Dahil hanggang ngayon hindi ko maawat ang luha ko. Maya maya ay naramdaman kong may yumakap sakin.Lalo akong napahagulhol ng maramdaman ang yakap ng bestfriend ko. "Doon na tayo sa apartment ko best." Inakay niya ako hanggang sa apartment niya.Pagdating namin sa loob agad niya akong pinainom ng tubig. Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib niya.Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi ko. Hindi niya muna akong tinanong hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko mugtong mugto na ang mata ko.Nararamdaman ko na din ang hapdi dito sanhi ng pag iyak ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko kaya hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa bisig niya. Naalimpungatan ako ng may marinig akong nag sisigawan.Pag tingin ko sa bintana ay madilim na ang paligid.Hindi ko akalain na mapapahaba ang tulog ko dahil na rin siguro sa pagod kaiiyak. Sabi nga ni Mama kaya daw nakakatulog ang tao kapag umiiyak kase itong daw yung way ni Lord para pagpahingahin tayo. Muli akong nakarinig ng nagsisigawan kaya mabilis akong lumabas ng kwarto.Hindi ko na inabalang ayusin ang sarili ko.Sinuklay ko lang ng kamay ko ang buhok ko na nagulo sa aking pagtulog. Nagulat ako ng maabutan kong nakasalampak sa sahig si Ronnel.Kitang kita ko kung paano siya sinapak ni Marlon. Gustuhin ko man maawa sakanya pero nanaig pa rin ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Mabilis siyang tumayo ng makita niya ako. "Babe." malungkot niyang tawag sa akin habang papalapit sa akin "Umalis ka na!" pagtataboy ko sa kanya kaya napatigil siya sa pag hakbang. "Umalis ka na sabi! Hindi mo ba ako narinig?!! galit kong sigaw sa kanya. "Babe mahal na mahal kita pakinggan mo naman ako." pagmamaka awa niya. Mabilis ko siyang simpal ng malakas.Kung tutuusin kulang pa ang isang sampal kumpara sa sakit na pinaramdam niya sa akin. "Ang kapal din naman ng mukha mo! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Sapat na ang nakita ko.Kaya umalis ka na!! galit na galit ko siyang pinag susuntok sa dibdib niya.Hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko habang hindi siya makatingin saakin. Kung hindi pa ako inawat ni Marlon hindi pa ako titigil.Umiyak lang ako ng umiyak wala na akong pake alam kung maghalo na ang luha sipon at pawis ko.Sobrang bigat talaga ng nararamdaman ko.Gusto kong ilabas ang galit ko. Dinala muli ako ni Marlon sa kwarto.Doon niya ako muling niyakap ng mahigpit. "Nandito lang ako best.Hindi kita iiwan." pag aalo niya saakin. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.Sana sa pamamagitan man lang nito mabawasan ang lahat ng sakit. Kinabukasan hinatid ako ni Marlon sa terminal dahil napagpasyahan kong bumalik na ng probinsya.Kung wala lang sanang nangyari siguro nagtagal pa ako dito ng dalawang linggo. "Mag iingat ka best ha tawag ka kapag nasa inyo ka na.Basta laging nandito si best ha.Hindi kita iiwan." "Salamat best." yumakap lang ako ng mahigpit at sumakay na sa bus pauwi ng probinsya. Nagmamasid lang ako sa bintana ng umandar ang bus.Napaiyak nanaman ako ng maalala ang nangyari kahapon.Mapait akong napangiti habang nakatingin sa nagtataasang gusali. Mapanakit ka Maynila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD