CHAPTER 17

1156 Words
Ngayong araw na ang alis ni Ronnel kaya halos hindi na ako nakatulog kagabi sa kaiisip.Dahil masyado akong nasanay na lagi ko siyang nakikita mas nahihirapan tuloy akong tanggapin na hindi ko na siya makikita araw araw. Kahit naman palagi ko siyang sinusungitan sa mga kalokohan niya gustong gusto ko pa rin siyang nakikita palagi.Gusto ko pa rin na palagi niya akong kinukulit. Kanina ko pa pinipigilan na huwag bumagsak ang luha ko habang naghihintay kami ng bus na sasakyan niya papuntang Maynila. Hindi ako masyadong naimik dahil pakiramdam ko kapag nagsalita ako tuluyàn na akong maiiyak. Kapag kinakausap niya ako tatango lang ako o kaya iiling. Nakikita ko din ang lungkot sa mga mata niya pero hindi niya pinapahalata sakin iyon. "Babe mag iingat ka palagi ha.Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Tumango lang ako sa kanya.Iniiwasan ko ding tumingin sa mukha niya dahil pakiramdam ko ano mang oras babagsak ang luha ko. Nakita ko si Papa na pinagmamasdan kami sa malayo.Tipid ko lang siyang nginitian. Sumama si Papa sakin maghatid kay Ronnel para may kasama daw ako pabalik sa bahay namin. Swerte ko kase mayroon akong ama na suportado ako sa love life ko. Nakita kong sumenyas na si papa na paparating na ang bus. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Tumayo na si Ronnel hinila na din niya ako palapit sa bus.Binigay na niya ang mga gamit niya sa konduktor maliban sa back pack na dala niya. Tumingin siya saakin para magpaalam kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na yakap niya.Ang yakap na mamimiss ko sa kanya. "Alis na ko babe.Mahal na mahal kita ha.Kakayanin natin to." naramdaman ko ang paghagulhol niya kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.Naramdaman ko na lumuwag ang yakap niya saakin pero hindi ko pa rin siya binibitiwan. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya habang umiiyak sa dibdib niya. Naramdaman kong tinapik ni papa ang balikat ko kaya bumitaw na ako ng yakap sa kanya habang patuloy pa din sa pag iyak. Hinalikan niya lang ako sa ulo at tumalikod na siya. Sobrang sakit pala makitang paalis ang taong mahal mo.Ewan ko ba sa Maynila lang siya pupunta pero parang ang hirap sakin na tanggapin iyon. Pinagmamasdan ko ang bus na sinakyan niya habang unti unting nawawala sa paningin ko. "Tara na anak." malungkot na yaya ni Papa sakin. Tahimik akong sumunod kay papa habang patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko. "Darating din ang araw na magkakasama kayo ng matagal anak.Ganyan talaga sa buhay pag ibig minsan kelangan natin mag sakripisyo. Nakarating kami sa bahay ng halos hindi ko namalayan.Pumasok na agad ako sa kwarto at doon umiyak ng umiyak. Natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko.Nakita kong may mensahe doon si Ronnel. Babe Huwag ka ng umiyak babe.Palagi naman kitang tatawagan kapag libreng oras ko. Lalo akong napaiyak ng mabasa ko ang message niya. Ilang araw na halos nasa loob lang ako ng kwarto ko.Hinahayaan na lang din ako nina mama.Alam kong naawa na sila saakin pero gusto ko munang ilabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Palagi rin akong tinatawagan ng mga kaibigan ko na hangang ngayon ay nasa bakasyon pa rin. Halos lahat sila palit palitan ng pag tawag sakin araw araw walang palya. Medyo magaan na din naman ang pakiramdam ko pero hindi pa rin ako masyadong umiimik sa bahay. Binigay naman sakin ni Ronnel ang address niya sa Maynila para kung sakali daw na maisip ko na puntahan siya ay alam ko. Araw araw niya din akong tinatawagan lalo kapag hindi siya busy. Dahil nasa ibang bansa ang tito niya kailangan siya muna ang mag manage ng shop na iniwan nito kaya kailangan niyang manatili doon. Actually dati siya ang may hawak noon.Umuwi lang siya saamin sa probinsya namin dahil dumating ang tito niya at sinabi nitong mag stay na daw dito sa Maynila kasama ang pamilya nito. Pero ngayon aalis nanaman at hindi daw alam kung babalik pa dito sa Pilipinas. Kaya malaki ang chance si Ronnel na ang tuluyang mag manage ng bussiness nila. Ilang buwan na rin ang lumipas.Bumalik na din ang sigla ko dahil unti unti na akong nakaka adjust sa sitwasyon namin ni Ronnel.Mababait din ang mga classmate ko pati mga prof namin kaya wala akong naging problema. Dahil malapit na ang sembreak namin naisip ko na sorpresahin si Ronnel.Luluwas ako ng Maynila next week lalo pa at second anniversary na namin. Kailangan ko din naman ng pahinga dahil nakakapagod din sa school namin plus yung puyat pa para makapag aral lang para kinabukasan may alam ako. Ganon palagi ang ginagawa ko ang mag advance study lalo pa at mahirap ang kursong kinuha ko. Tinapos ko na ang lahat ng dapat tapusin para next week aalis na lang ako. Pagkatapos kong kumain ng lunch kasama ang mga classmate ko naisipan kong tawagan si Ronnel dahil sobra ko na siyang namimiss. Minsan kase isang beses na lang siya nakakatawag sa akin sa isang araw.Pero naiintindihan ko naman siya kase alam ko naman na hindi biro ang mag manage ng negosyo. Ilang ring ang narinig ko ng sagutin niya. "Hello babe." masaya kong bungad. "Hello whos this?" nagulat ako dahil boses ng babae ang sumagot. Tiningnan ko pa ang cellphone ko dahil baka nagkakamali lang ako ng number na na dial.Pero tama naman. Bigla akong nakaramdam ng kaba. "N-nandiyan ba si Ronnel?" nauutal kong tanong. "Yes he's here.Actually naliligo siya ngayon." "Elaine sino kausap mo?" dinig ko tanong niya sa kausap ko. "Tapos na pala siya.Heto kausapin mo." "She's looking for you hon." nanginig ang kamay ko sa narinig ko halos mabitiwan ko na ang cellphone ko. "b-babe?" Dinig kong tawag niya sa akin. "Sino iyon Ronnel!" galit kong tanong sa kanya. "Wala yon babe si Elaine yon.Family friend lang." paliwanag niya. "Bakit hon ang tawag saiyo?" Dinig ko ang pag bunting hininga niya sa kabilang linya. "Ganoon lang talaga siya babe.Huwag kang mag isip ng kung ano ano babe okey.Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko hindi ba." "Siguraduhin mo lang Ronnel!" galit kong sagot sa kanya sabay patay ng tawag. Halos hindi ako makapag isip ng maayos ngayon mabuti na lang wala kaming proof ngayong hapon dahil busy sila. Madalas lang ako naka subsob sa upuan ko habang hinihintay ang oras. Gustong gusto kong umiyak pero kinumbinsi ko ang sarili ko na maniwala sa paliwanag niya sakin. Di bale pupuntahan ko naman siya next week. Sana lang nagsasabi siya ng totoo. Pinilit kong maging okey kahit pa kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Paano nga kaya kung may iba siya? Kakayanin ko ba? Magdadalawang taon na kami pero ngayon lang nangyari samin ito.Sobrang okey naman siya nitong mga nakakaraan. Kaya ba hindi siya nakakatawag palagi sakin dahil sa Elain na yon? Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ko. HUWAG NAMAN SANA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD