Maaga akong nagluto ngayon dahil ngayon ang dating ng parents ko galing sa Maynila.Para pag dating nila ay kakain nalang sila.Syempre katulong ko lang naman ang magaling kong boyfriend.
"Babe tikman ko nga ito kung okey na ang lasa." lumapit naman ako sa kanya para tikman ang niluluto niyang sinigang na baboy.
Halos hindi ko maipinta ang mukha ko ng matikman ko ang sabaw sa sandok.Sobrang asim lang naman ng sabaw.Halos inubos na yata ang isang malaking sachet sa sabaw.
Bigla naman itong humalakhak ng makita ang itsura ng mukha ko.Halos namumula na ang mukha nito sa katatawa habang hawak ang tiyan.
Bigla naman akong may naisip na kapilyuhan.Inubos ko ang natitirang sabaw sa sandok at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan.
Natigilan naman siya sa ginawa ko at bigla nalang napangiwi.
Ako naman ang tumawa ng malakas.
"Kahit ata sinong pinaka magaling na pintor hindi kayang ipinta mukha mo." pang aasar ko sa kanya.
"Ang pilya ng babe ko ah.Parang gustong makatikim ng totoong halik." nakangising wika niya saakin habang papalapit.
Bigla akong binundol ng kaba.Dahan dahan akong umatras habang papalapit siya saakin.
"Oh baka naman mas higit pa doon ang gusto?hmm."
Bigla akong tumakbo sa kabila ng lamesa.Nakangisi niya pa rin akong sinusundan.
"H-hoy De Vera tigilan mo ako!" pagbabanta ko sa kanya.
"Hmm..Sino bang nauna?" nakangising tanong niya.
"I-ikaw ah." nauutal kong sagot
"Ikaw talaga babe napaka galing mo sa kapilyahan mo pero hindi mo naman kayang panindigan." natatawa niyang wika.
Hindi ako makaimik.Iniisip ko kung paano ako makakalabas ng kusina nang hindi niya ako maabutan.
"Alam mo bang ginagalit mo nanaman ito." sabay turo niya sa baba niya.
Napatakip naman ako ng mukha dahil sa hiya.Nag uumpisa nanaman siya sa kalokohan niya.Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko.Ke tanghaling tapat naman kase puro kabastusan ang lumalabas sa bunganga ng lalakeng to.
"S-sorry na babe di ko na uulitin promise." sabay taas ko pa ng kanang kamay ko.
Natatawa naman siyang lumapit sakin.Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko.
"Joke lang babe.Ang pilya mo kase.Tara na tapusin na natin niluluto natin malapit na daw parents mo."
Agad naming tinapos ang niluluto namin.Inayos ko na din ang lamesa para kakain na lang sila pagdating.
"Anak nandito na kami!" dinig kong sigaw ni Mama mula sa labas.
Mabilis naman akong tumakbo para salubungin sila.Masaya ko silang niyakap isa isa.
"Namiss ko kayo kahit tatlong araw lang."
"Eto pasalubong ko sayo nak.Alam kong paborito mo iyan."
Tuwang tuwa kong kinuha ang fries at sundae na pasalubong sakin ni Mama.
"Kain na po kayo tito,tita nakahanda na po ang mesa." sabat naman ni Ronnel na hindi ko namalayan na nakasunod na pala sakin.
Habang busy ako sa pagbukas ng sundae nauna ng pumasok si mama at kapatid kong bunso sa loob habang si papa naman naiwan at umakbay kay Ronnel.
"May apo na ba ako?" narinig kong tanong niya kay Ronnel na parang wala ako sa tabi nila.
Nabitiwan ko ang hawak kong sundae na kanina ko pang binubuksan.Mabuti na lang hindi pa ito nabubuksan kaya hindi natapon ang laman nito sa lupa.Kaya sabay silang napalingon saakin.Nakita ko ang pag ngisi ni Ronnel habang si papa pabalik balik ang tingin sa mukha ko at sa sundae sa lupa.
Pakiramdam ko pulang pula nanaman ang mukha ko.
Nakita kong pinulot ni Ronnel ang sundae ko at inabot sakin.Agad ko naman itong tinanggap ng hindi nakatingin sa kanya.
Biglang napa halakhak ng malakas si Papa.
"Wala pa ba?" ulit na tanong nito kay Ronnel.Napakamot naman sa batok si Ronnel.
"Ayaw po pumayag e." biro din nitong sagot kay papa.
"Ang hina mo naman." natatawang tukso ni papa at pumasok na sa loob.
Naiwan akong hindi pa rin makatingin kay Ronnel.Natatawa naman niyang ginulo ang buhok ko.
"Sabi sayo e.Ayaw mo kase maniwala." biro niya.
Akmang kukurutin ko siya ng bigla itong tumakbo papasok sa loob ng bahay namin.
Natatawa nalang akong sumunod sa kanya sa loob.
Nilulubos lubos niya ang kaharutan niya dahil siguro bukas o sa makalawa ay aalis na siya.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalalang luluwas na siya ng Maynila.Kahit naman puro siya kalokohan ay mahal na mahal ko naman siya.Sobrang mamimiss ko anv pagiging makulit niya.
Naalala ko pa noong pinakilala siya sakin ni Yhonice halos di man lang niya ako tapunan ng tingin.Kahit sulyapan man lang hindi magawa.Kaya hindi ako naniniwala noon nung sinabi niya na manliligaw siya sakin.Pati tuloy bestfriend ko nabatukan ko sa gitna ng dance floor.
Natatawa nalang ako ng maalala ko ang kalokohan ko noon.Mabuti nalang din tinigilan na ako ni Wena siguro na realize niya na hindi talaga siya papatulan ni Ronnel.Buong akala ko talaga si Wena ang gusto ni Ronnel dahil madalas ko siyang nakikitang nakatitig kay Wena.
Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng akin.Sakin siya napunta imbes na kay Wena.
"Ang lalim yata ng iniisip mo babe."
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Ronnel.
"Iniisip ko lang babe di ba si Wena yung lagi mong tinitingnan dati.Akala ko siya ang liligawan mo noon." natatawa kong baling sa kanya.
"Ikaw na talaga ang una kong napapansin noon babe.Naiinggit nga ako noon kay Marlon dahil sobrang sweet ninyo sa isa't isa.Akala ko nga noong una magkasintahan kayo."
"Ganon na talaga kami ni Marlon babe.Para na kaming magkapatid non.Kahit yon ganun mahal na mahal ko iyong bestfriend ko na iyon."
"Sorry siya dahil sakin kana ngayon." pagbibiro niya.
"Ano ka ba parehas ko kayong mahal.Ikaw mahal na mahal ko.At si Marlon naman mahal na mahal ko bilang best friend.Bilang kapatid na rin.Siguro kaya sobrang malapit ako sa kanya kase wala akong kapatid na lalake.Parang sa siya ang nagbigay sakin ng pagmamahal bilang kuya."
"Hayaan mo babe kapag nagka anak tayo sisiguraduhin kong lalake ang panganay natin.Gagalingan ko para sayo babe."
Namula nanaman ako sa kanyang sinabi.
"Ayan ka nanaman e." maktol ko.
"Ano ka ba sinasabi ko lang sayo ang pamilyang gusto kong buohin kasama ka."
Napayakap naman ako sa kanya ng mahigpit.
"Hayaan mo babe sa tamang panahon tutuparin natin ang pangarap mo ng magkasama."
"Hmmm.Hihintayin ko hanggat mangyari yon babe."
Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.
Sana hanggang dulo tayo pa rin.