Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik sa ilong ko.Bigla akong napabangon ng makita ko ang gwapong mukha ng boyfriend ko.Natawa naman siya sa reaction ko.
"Good morning babe." malambing niyang wika akmang hahalik siya sa akin ng pigilan ko siya.
"Kanina kapa halik ng halik hindi pa ako nakakapag toothbrush o hilamos man lang.Maigi ikaw nakaligo na." mataray kong wika sabay pasok sa cr para maglinis.
Narinig ko naman ang malakas niyang halakhak.
Paglabas ko ng cr sinalubong niya ako ng may ngiti sa labi.Nagtataka ko naman itong tiningnan.
"Ang sarap palang gumising sa umaga ng ikaw ang unang makikita ko babe."
Pinalapit niya ako sa kanya at pina upo sa kalungan niya.Naiilang man ako sa aming pwesto ay wala na akong magawa.
Wala akong maapuhap na sabihin kaya hindi nalang ako umimik.Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
"Hmm.Pwede na ba yung kiss ko babe?" pilyo niyang tanong.
Mabilis ko siyang ginawaran ng halik sa labi
sabay siksik ng mukha ko sa leeg niya.Napahalakhak naman siya sa ginawa ko.
"Nahihiya pa rin ang babe ko.hmm." tukso niya saakin.
Hinawakan niya ako sa baba para makatingin ako sa kanya ng deretso.
"Ganito ang guto ko babe." wika niya sabay halik sa labi ko.Unang beses niya akong hinalikan ng ganito kaya halos hindi makakilos ang katawan ko.
Napapikit na lang ako habang dahil sa kabang nararamdaman ko.Damang dama ko ang malambot at mainit niyang labi na dahan dahang pinapalalim ang halik.Bahagya niyang kinagat ang labi ko kaya nabuksan ko ang labi ko at mabilis niyang ginalugad ang bibig ko na animoy uhaw na uhaw.Sinundan ko nalang ang bawat galaw ng labi niya.
Nakakaramdam na ako ng pangangapal ng labi ko kaya kusa na akong bumitaw at siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya dahil sa hiya.
Napahalakhak naman siya kaya kinurot ko siya sa tiyan.
"Ouch! masakit yon babe ha." reklamo niya.
"Ikaw kase." nahihiya kong sagot.
"Mahal na mahal kita babe." wika niya habang magkadikit ang mga noo namin.
"Mahal na mahal din kita babe." nakangiti kong sagot.
"Tara nang mag almusal babe bago pa ikaw ang almusalin ko." pilyo niyang wika.
Mabilis naman akong umalis sa pagkakakandong sa kanya dahil sa hiya.
"Ginalit mo babe." nagtataka kong sinundan ang tinuturo niya.Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na nasa may bandang puson niya siya nakaturo.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.Sigurado ako kakulay na ng kamatis ang mukha ko.
Mabilis ako tumalikod sa kanya at mabilis na pumunta sa kusina.
Narinig ko naman siyang malakas na napa halakhak at mabilis ding sumunod sakin sa kusina.
Dahil naka handa na ang pagkain sa mesa mabilis akong naglagay ng pagkain sa olato at nag umpisang kumain.
Natatawa naman siya habang pinagmamasdan ako.Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy kumain.
Nag umpisa na din siyang kumain habang natatawa pa din.
Pagkatapos naming kumain kinuha ko na ang aming pinagkainan para hugasan.Naririnig ko siyang pa sipol sipol habang pinagmamasdan ako sa bawat galaw ko.
Hindi ko pa rin siya pinapansin.Pakiramdam ko pulang pula pa rin ang mukha ko.
Bahala siya sa buhay niya basta ako mag huhugas ng plato.Napaka galing mang asar! kausap ko sa sarili ko.
"Ay kabayong bastos!" gulat na gulat ako ng maramdaman kong may kamay na nakapulupot sa bewang ko.
"Ang gwapo ko namang kabayo babe." bulong niya sa tenga ko.Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko kaya nagtaasan ang balahibo ko.
"Gwapong bastos babe." bulong niya pa habang hinihimas ang tiyan ko.
"Isa Ronnel lumayas ka diyan!" kunwari galit kong sigaw.
"Naglalambing lang ako babe.hmm." Hindi pa rin siya tumitigil sa pag himas sa tiyan ko.Parang may kakaibang init akong nararamdaman sa katawan ko habang patuloy siya sa paghimas sa tiyan ko.
Bago pa ako maakit sa mga pahimas niya mabilis kong tinanggal ang kamay niya sakin at bumalik sa kwarto.
"Babe di kapa tapos maghugas!" dinig kong sigaw niya at humalakhak ng malakas.
"Hugasan mo mukha mo!" galit kong sigaw sa kanya.
Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Bwisit na De Vera ba yon.Akitin ba naman ako! naiinis ko kausap sa sarili ko.
Makikita niya hindi ko talaga siya papansinin!
Napaupo na lang ako sa kama habang nakahawak sa dibdib ko.
Mabilis akong napatayo ng makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang walanghiya kong boyfriend.
Nakangisi ito na akala mo gwapong manyakis.
Wow gwapong manyakis ha! sigaw ng isip ko.
Mabilis kong kinuha ang unan ko at ibinato sa kanya.
"L-lumabas ka dito!" nauutal kong pagtataboy sa kanya.
"Wala akong ginagawa babe." nakataas ang kamay niyang sagot saakin.Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.
Akmang lalapit siya ng batuhin ko ulit siya ng unan na nadampot ko.
"H-huwag kang lumapit.D-diyan ka lang.." nauutal kong pigil sa kanya.Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.Nangangatal na din ang kamay ko halos hindi ko na mahawakan ang unan na dinadampot ko para ibato muli sa kanya.
"Wala akong gagawin babe.Makalayo ka naman sakin para naman akong rapist sa paningin mo." seryoso niyang wika.
Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag habang nakahawak pa din sa dibdib ko.
Mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Binibiro lang kita babe.Alam ko naman na hindi kapa handang gawin yon." malambing niyang wika.
Hindi ako nakaimik.
"Baka lang naman makalusot." mabilis ko siyang kinurot sa tiyan.
"Awwwts! Ang sakit babe lagi mo nalang akong kinukurot." natatawa niyang reklamo.
"Ikaw e lagi mo nalang akong pinagtitripan!"
"Gusto na daw kase ni tito ng apo babe."
Mabilis ko nanaman siyang nakurot sa tiyan.
"Ang sakit babe.Hindi na mauulit promise." nakangiwi niyang sigaw.
Saka ko pa lang binitiwan ang tiyan niya sa pagkakakurot ko.
Natatawa nalang niya akong niyakap.
"Sobrang mahal na mahal talaga kita babe."