CHAPTER 14

1143 Words
"Best mahal na mahal kita huwag mong pababayaan ang sarili mo ha." puno ng lungkot na wika ni Marlon. "Oo naman best ikaw din.Dapat present ka kapag kinasal na ako ha." biro ko pa sa kanya.Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya. "Hindi ko alam kung kakayanin ko pa best.Magpakasal ka na ngayon habang nandito pa ko sa mundo." Nainis ako sa biro niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ayoko ng ganyang biro ha!" galit kong sagit sa kanya. "Gusto ko lang maging handa ka best.Hindi habang buhay nasa tabi mo ako." niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko alam pero napaiyak nalang habang yakap niya. "Paalam best." Bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at tumaliko na sakin. "Teka best san ka pupunta?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Nakita ko lang siyang kumaway habang nakatalikod sakin.Kitang kita ko rin ang pag alog ng balikat niya tanda na umiiyak siya. Maya maya pa ay nilamon na siya ng dilim "Best nasan ka?" "Best sasama ako!" sigaw ko habang patuloy akong umiiyak.Iyak lang ako ng iyak habang hinahanap ko si Marlon. "Babe nananaginip ka." napabalikwas ako ng bangon.Sobrang kaba ang nararamdaman ko.Ramdam ko din ang pawis at luha sa aking mukha. Mahigpit akong yumakap kay Ronnel at tahimik na umiyak sa dibdib niya. "Babe si Marlon." patuloy pa din ako sa pag iyak. "Panaginip lang iyon babe hindi magkakatotoo yon." pag aalo niya sakin habang mahigpit niya akong yakap. Nang makabawi ako ay bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at napatulala sa kawalan. Naramdaman kong pinunasan ni Ronnel ng kamay niya ang luha sa aking mukha at pagkatapos tumayo at lumabas ng kwarto ko.Pagbalik niya ay may dala na siyang tubig sa baso at ipinainom saakin. Nakaramdam ako ng konting ginhawa pero naroon pa rin ang kabang nararamdaman. "Okey kana babe?" nag aalalang tanong niya saakin. Tipid lang akong tumango sa kanya. "Halika na kakain na tayo babe nagluto na ako ng dinner natin." napaangat ang tingin ko sa kanya. "Anong oras na ba babe?" takang tanong ko. "Past seven na babe.Kaya kakain na tayo." "Teka paano ka pala nakapasok dito?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napakamot naman siya sa batok. "Umakyat lang naman sa gate ninyo babe.Hindi mo kase sinasagot ang tawag ko e." tiningnan ko ang cellphone ko.Nakita ko na may ten miscall na galing sa kanya. "Naka silent pala." sabay pakita ko ng cellphone sa kanya. "Hmm.Matigas talaga ang ulo mo babe diba sabi ko mag lock ka ng pinto?Paano kung may ibang nakapasok dito?" sermon nito sakin. "Nag lock naman ako ng gate babe okey na yon." paglalambing ko sa kanya. "Siya tara ng kumain baka lumamig pa ang pagkain." Hinila na niya ako papunta sa kusina.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina pagkatapos ko maglinis ng bahay.Dahil siguro sa pagod kaya napahaba ang tulog ko. Pinaghila niya ako ng upuan at pinag lagay niya din ako ng pagkain sa plato ko. "Okey na ko babe kumain ka na." nakangiti kong saway sa kanya ng ipaglalagay pa ako ng ulam sa kanin.Ngumiti lang siya saakin at nag umpisa na ding kumain. Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos kami walang umimik saamin.Siya na din ang nag volunter na maghugas ng mga platong pinagkainan naman.Nagpupumilit ako pero di niya ako pinayagang tumulong. Wala akong nagawa kundi ang hintayin nalang siya sa sala.Nagbukas ako ng tv para libangin ang sarili habang hinihintay siya. Maya maya pa ay tumabi na siya saakin at kinabig ako palapit sa kanya. "Okey ka lang babe?" "Hmm." tipid niyang sagot. "Kung may iniisip ka pwede mo e share sakin babe." pangungumbinsi ko sa kanya. Malakas siyang napa bunting hininga. "Pagbalik nina tito ako naman ang luluwas sa Maynila babe." malungkot niyang wika. "Magbabakasyon ka babe?" nakangiti kong tanong. Umiling siya kaya agad na nabura ang ngiti sa labi ko. "Magtatrabaho na ako babe.Tinawagan na ako ng tito ko.Ako daw muna mamahala ng shop nila sa Maynila dahil pupunta sila sa Singapore." Malungkot akong napa buntong hininga.Hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon.Kahit kailan hindi ko pa naiisip na hindi kami magkikita ng matagal.Nakaramdam ako ng pamumuo ng luha sa aking mata kaya mabilis kong kinurap kurap ang mata ko para hindi tumulo ang luha ko. "Dadalawin kita dito babe monthly o kaya kapag wala kang pasok ikaw ang dumalaw sakin babe." pagpapagaan niya ng loob ko. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. "Okey lang babe.Wala naman akong magagawa e." "Huwag ka ng malungkot babe.Magpakatatag lang tayo.Darating din ang araw na tayong dalawa na ang mag kasama sa bahay.Kaya kelangan kong magtrabaho para makaipon tayo babe." "Basta huwag kang mambababae doon ha." "Oo naman babe ikaw lang ang babae sa buhay ko." malambing niyang wika. "Kapag nalaman kong nambabae ka iiwanan talaga kita." "Hindi yon mangyayari babe.Mahal na mahal kaya kita.Hindi kita kayang ipagpalit kahit kanino." "Siguraduhin mo lang yan!" mataray kong sagot sa kanya. Dahil lumalalim na ang gabi napagpasyahan na naming magpahinga.Pumasok na ako sa kwarto ko para maligo.Gusto ko kase presko ang katawan ko bago ako matulog. Si Ronnel naman pumasok na sa kabilang kwarto. Paglabas ko ng kwarto nagulat ako dahil nakita kong nakahiga na sa kama ko si Ronnel habang nakapikit na ang mata. Lahit naiilang ako dahil nakatapis lang ako ng towel mabilis akong nagbihis. Siguro naman tulog na siya thirty minutes din ako naligo e.! kausap ko sa sarili ko.Mabilis kong tinapos ang pagbibihis ko bago pa siya magising kung tulog nga siya Habang tinutuyo ko ang buhok ko naramdaman kong may yumakap sa bewang ko.Dahil sa gulat ko hindi ako nakagalaw. "Hmmm bango naman ng misis ko." wika niya habang inaamoy ang leeg ko.Nakaramdam ako ng parang kuryente kaya naitulak ko siya. "D-doon ka muna." nauutal kong wika habang hindi ko siya matingnan ng tuwid. Natawa naman siya sa reaction ko.Hinila niya ako pabalik sa harapan niya at kinuha niya saakin ang blower at siya na ang nagpatuyo ng buhok ko. Hindi na lang ako nag protesta,hinayaan ko nalang kung anong gusto niyang gawin. "Hayaan mo na akong gawin ito.Kase matagal uli bago tayo magkita kapag umalis na ako." dinig kong wika niya. Hindi na kang ako umimik. Pagkatapos niyang tuyuin ang buhok ko ay hinila na niya ako sa kama para himiga.Niyaka niya ako ng mahipit kaya siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. "Dito na lang ako matutulog babe hmm." bulong niya. Tipid akong tumango sa kanya. Gusto ko rin masulit ang araw habang malapit pa siya saakin.Hindi namin alam kung kelan kami magkikita ulit kapag nakaalis na siya. Ibibigay ko ang buong tiwala ko sa kanya at hindi ko rin sisirain ang tiwala niya saakin. "Matulog ba tayo babe.Good night." sabay halik niya sa buhok ko. "Good night din babe.I love you." wika ko sa inaantok na boses. "I love you too." dinig king wika niya bago ako tuluyan makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD