Maaga akong nagising kinabukasan para mag asikaso ng almusal.Para naman makakain muna ng almusal si Ronnel bago umuwi sa kanila.
Dumeretso na ako sa kusina para mag luto ng agahan.Naabutan ko ang parents ko na maagang nag aagahan kasama ang kapatid kong bunso.
"Anak ikaw na bahala sa boyfriend mo ha.Maaga kaming aalis ngayon nakalimutan kong sabihin sayo luluwas kami ngayon ng Maynila para dumalaw sa Tita Susan mo.Ikaw na muna ang bahala sa bahay ha.Pasensya kana kung hindi ka muna namin maisasama."
"Okey lang po ma,Ako na po ang bahala sa bahay." magalang kong sagot.
"Kaya mo bang mag isa dito anak? Lalo sa gabi?" nag aalalang tanong ni Papa.
"Anong ginagawa ni kuya Ronnel pwede niya namang samahan si ate dito sa bahay." nanunuksong sabat ng kapatid kong bunso kaya pinandilatan ko ito ng mata.
"Oo nga pala.Tatawagan ko na lang mamaya tulog pa yata ang boyfriend mo hindi ko makakausap ngayon."
"Naku huwag na pa nakakahiya.Kaya ko naman mag isa dito." pangungumbinsi ko.
"Basta ako nang bahala." hindi nagpapatalong sagot ni Papa.
Hindi na lang ako umimik.
"Gaano pala kayo katagal sa Maynila Ma?" tanong ko pa.
"Siguro mga tatlong araw lang nak.Hindi rin kami magtatagal doon."
Napatango tango na lang ako sa narinig.
Pagkatapos nilang kumain nagpaalam na sila para umalis dahil baka maiwanan daw sila ng first trip na byahe ng bus.
Hinugasan ko muna ang pinagkainan nila saka ako nagluto ng makakain namin ni Ronnel.Pagkatapos kong magluto hinanda ko na sa mesa ang pagkain para gigisingin ko na lang siya.
Dahan dahan akong pumasok sa kwartong tinuluyan ni Ronnel nakita ko itong mahimbing pang natutulog.
Pinagmasdan ko siya habang natutulog.Sobrang sarap sa pakiramdam pagmasdan ang taong mahal ko habang natutulog.
Hindi ako nakatiis hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ko siya sa tip ng ilong niyang matangos.
Naalimpungatan naman siya.Bumangon siya kahit pupungas pungas pa.
"Good morning babe." bati niya kahit nakasara pa ang kalahati ng mata niya.
"Sorry babe nagising ba kita.Kung inaantok ka pa pwede ka oang matulog."
Hinila niya ako sa dibdib niya at niyakap ako ng mahigpit.Akmang aalis ako sa pagkakayakap niya pero hinihpitan niya lalo ang pagkakayakap niya sakin habang nakasandal sa headboard ng higaan.
"five minutes babe." wika niya na halata pa sa boses ang inaantok pa.
Maya maya pa ay tuluyan na siyang bumangon para maligo sa cr dahil may sariling cr naman ang bawat kwarto dito sa bahay.
Humiga muna ako sa kamang pinaghigaan niya habang hinihintay ko siyang lumabas ng cr.Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa kisame ng lumabas siya.Nakita kong suot niya ang t-shirt na naiwan ni Marlon sa kwarto at short.Dahil madalas din matulog si Marlon dito kaya nag iiwan na siya ng mga damit dito sa kwarto.
"Hmm.Tara na babe almusal na tayo." yaya ko sa kanya.
Pumunta na kami ng kusina para sabay na kaming mag almusal.Habang nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya napansin kong panay ang lingon niya na parang may hinahanap.
"Nasan sina tito?" hindi makatiis niyang tanong.
"Ahm..lumuwas sila ng Maynila tatlong araw sila doon.Hindi na sila nakapag paalam sayo dahil natutulog ka pa daw.Hindi ka na pinagising." mahaba kong paliwanag habang nakain.Napataas naman ang kilay niya.
"Sinong makakasama mo dito ng tatlong araw?" nag aalala niyang tanong.
"Kaya ko naman mag isa dito babe.Tatlong araw lang naman silang mawawala." paliwanag ko.
Napailing na lang siya habang napapaisip.
"Sasamahan kita dito babe."
"Naku huwag na babe kaya ko naman mag isa dito." nakangiti kong sagot sa kanya.
Hindi na siya umimik hanggang sa matapos na kaming kumain.Niligpit ko naman at hinugasan lahat ng ginamit namin habang naghihintay siya sakin sa sala.
Naabutan ko siyang seryosong nanonood ng basketball sa tv.Kay tahimik akong tumabi sa kanya.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya.Agad namang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko.
"Pinapauwi mo na ako babe?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"H-hindi naman babe.Nagtatanong lang ako galit ka na agad niyan." biro ko pa.
"Tumawag sakin si tito samahan daw muna kita dito habang wala sila."
"Kaya ko naman mag isa dito babe.Hindi mo na ako kelangan samahan."
"Tss!! Napakatigas talaga ng ulo mo.Saka sabi ni tito dapat daw pag uwi niya may alo na siya." pilyo nitong wika.
Agad naman akong pinamulahan ng mukha.Naiilang ako lumayo sa kanya.Hindi ko pa maisip ang mga ganoong bahay sa totoo lang.Hanggang halik at yakap lang kase kami sa isa't isa.Syempre alam ko naman ang limitasyon ko at nirerespeto niya naman iyon.
Napaangat ako ng tingin ng bigla siyang humalakhak ng malakas.Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakakainis ka!" masama pa rin ang tingin ko sa kanya.
"Biro lang babe.Syempre nirerespeto naman kita.Darating din tayo doon." pilyo niyang wika sabay yakap sa akin.
Nahihiya naman akong sumubsob sa dibdib niya.Naririnig ko pa rin ang munting halakhak niya.
"Pero kung gusto mo ngayon pagbibigyan kita." bulong niya pa.
Kinurot ko siya sa tiyan.Lalo akong pinamulahan sa sinabi niya.
"Awww.Sakit naman babe.Biro lang e." nakangiwi niyang reklamo habang hinihimas ang tiyan niya sa parteng kinurot ko.
"Umuwi ka na nga De Vera puro ka kalokohan sa buhay." pagtataboy ko sa kanya.
Natatawa naman siyang lumapit saakin at humalik sa noo ko.
" Sige babe uwi muna ako.Babalik na lang ako mamaya.Mag lock ka ng bahay ha.Wala kang kasama dito." mahabang bilin niya.
"Opo mahal ko." malambing kong sagot sa kanya.Nakita ko naman na malawak siyang napangiti bago tumalikod.
Pagka alis niya agad kong sinunod ang bilin niya ni lock ko ang gate namin.Hindi na ako nag lock ng pinto ng bahay tutal nakalock na ang gate namin.
Inabala ko lang ang sarili ko sa maghapon dahil wala akong makakulitan.Ang mga kaibigan ko kase nagbakasyon sa mga kamag anak nila dahil bakasyon naman ng dalawang buwan bago mag pasukan ulit.
Naisip kong tawagan si Marlon.Ilang ring palang sinagot niya ang tawag ko sa messenger niya.
"Kumusta naman ang bestfriend kong gwapo?" bungad ko sa kanya.
Nakita ko namang napangiti siya.Pero ngiting hindi umabot sa mata.Parang may tinatagong lungkot.
"May problema ba best?" tanong ko ulit.
"Okey lang ako best medyo pagod lang ako."
"Teka bakit parang namayat ka?" Hoy ikaw Marlon huwag mong pinababayaan ang sarili mo ha." pagsesermon ko sa kanya.
Napangiti lang siya saakin.
"Okey lang ako best huwag mo akong alalahanin.Ikaw kumusta ka na?" pag iiba niya ng topic.
"Okey lang naman best.Wala akong kasama dito sa bahay nandyan sa Maynila sina mama." malungkot kong sumbong sa kanya.Nakita ko naman ang pag aalala sa mukha niya.
"Magpasama ka muna sa mga kaibigan mo best."
"Okey lang best tatlong araw lang naman silang mawawala kaya ko naman." nakangiti kong sagot sa kanya para hindi na siya mag alala.
"Magpasama ka kaya muna kay De Vera.Malaki naman ang tiwala ko doon." pinaningkitan ko siya ng mata.
"Huwag na kaya ko naman best di na ako bata no." pagtataray ko sa kanya.
Nakita ko ang bahagyang pag ngiwi niya kaya nakaramdam ako ng takot.
"Okey ka lang best? nag aalala kong tanong sa kanya.
"Okey lang best sumakit lang ang tiyan ko.Sige best magpapahinga na ako ha." paalam niya.
"Sige mag iingat ka diyan best ha huwag pababayaan ang sarili.Kumain sa tamang oras." mahaba kong bilin sa kanya.
"Oo best salamat ikaw din."
Ilang minuto na ang nakalipas simula ng patayin ni Marlon ang tawag pero nakatitig pa rin ako sa cellphone ko.Pakiramdam ko may mali.Biglang umahon ang kaba sa dibdib ko.
Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay namin para sandaling makalimutan ko ang iniisip ko.
Sana okey ka lang best.