CHAPTER 12

971 Words
Hindi ko na namalayan ang panahon.Graduating na ako ng high school.Sobrang saya ko dahil nakatapos ako ng high school dahil sa sipag at tiyaga ko.Kahit araw araw na sinisira ni Wena ang araw ko hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin hanggat sa kusa nalang itong tumigil.Siguro nagsawa na dahil wala naman siyang mapapala sa ginagawa niya.Mas lalo lang naming minahal ni Ronnel ang isa't isa.May mga pagkakataon na nagkakatampuhan kami pero nakukuha naman namin agad sa maayos na usapan. Hindi namin pinapalipas ang araw na hindi kami nagkaka ayos. Sobrang swerte ako sa kanya kase kahit may ugali akong mahirap pakibagayan ay iniintindi niya pa rin ito. Naputol ang pag iisip ko ng pumasok si mama sa kwarto ko. "Nak ready ka na ba?" "Opo ma,okey na po ba ang ayos ko ma?" "Oo anak mukhang mapapanganga nanaman sayo si Ronnel niyan." biro ni Mama. "Ikaw talaga ma.Niloloko mo nanaman ako." nahihiyang kong sagot. "Siya tara na at baka ma late pa ang aming valedictorian." Napangiti naman ako kay mama.Oo valedictorian ako bunga ng sipag at tiyaga ko.Kahit na hate na hate ko ang math nakaraos pa din ako.Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay Lord dahil hindi niya ako pinabayaan. "Congrats babe." salubong ni Ronnel sakin sabay halik sa buhok ko. "Salamat babe." nakangiti kong sagot. "Paano tara na? Nandon na mga kaibigan mo sa sasakyan." Niyaya ko na sina mama sa sasakyan kasama si Papa at ang kapatid kong bunso.Para sabay sabay na kaming pumunta sa school. Mabilis na natapos ang aming graduation.Nagkaiyakan pa nga kaming lahat ng mga classmate ko nung nag speech ako.Kanya kanya na kaming paalam sa isa't isa.Hindi namin alam kung magkikita pa ba kami o hindi na.Ang iba kase hindi na mag aaral ng collage dahil walang pantustos ng pag aaral. Nagkaroong ng munting salo salo sa bahay.Nakita kong pinagmamalaki ako ng parents ko sa mga bisita nila.Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan sila. Nagulat ako ng may pumulupot na braso sa bewang ko. "Pagod ka na babe?" tanong sakin ni Ronnel habang nakayakap sa likuran ko. "Okey lang ako babe." nakangiti kong sagot. "Ehem pasintabi sa mga single diyan." Bumitiw na si Ronnel sa pagkakayakap sakin habang natatawa sabay batok kay Junel. "Ayam mo pa kasing pormahan.Sige ka baka maunahan ka pa ng iba." dinig kong pananakot ni Ronnel kay Junel.Kita ko naman na natigilan ito. Inakbayan na ako ni Ronnel at sabay na kaming bumalik sa mga kaibigan ko. "Nakakalungkot lang hindi ka na namin makakasabay araw araw sa school shai." malungkot na wika na Jaylyn. "Oo nga e.Wala na kaming mabagal na hihintayin palagi." segunda naman ni Anna "Basta shai walang limutan ha ikaw pa rin ang kaibigan namin." pag dadrama din ni Yhonice. "Ano ba kayo lilipat lang ng school si shai hindi mawawala." biro ni Clara. "Hayaan mo mga yan shai madrama talaga sila sa buhay.Payakap nga." malungkot na wika ni Mikee "Halika dito ako yayakap sayo." sabat ni Junel.Nanlaki ang mata ni Mikee sa narinig mabilis pa sa hangin na nakalapit ito kay Junel at yumakap. "Hindi ka marunong buruin Mikee!" nakasimangot na wika ni Junel habang pilit na tinatanggal sa pagkakayakap sa kanya si Mikee. Nagtawanan nalang kami sa inasta ni Mikee.Nag kwentuhan lang kami ng kung anu ano at kanya kanyang drama sa buhay.Hindi namin namalayan na lumalalim na ang gabi kaya nagpasya na silang umuwi. Isa isa na silang nag paalam. Sana nandito si Marlon siguro mas masaya.Hindi na siya palaging tumatawag saakin siguro busy na din.Iniintindi ko nalang siya kahit nagtatampo na ako. "Lalim ng iniisip mo babe hmm." Nagulat ako akala ko nakaalis na din siya. "Akala ko umuwi ka na babe?" gulat na tanong ko. "Hinatid ko lang sila sa labasan babe.Dito ako pinapatulog ni Tito." pilyo niyang sabi sabay kindat. "T-totoo?" utal kong tanong. "Oo nga babe.Doon daw ako matulog sa bakanteng kwarto ninyo." "Siya magpahinga na tayo babe." "Pagod ka na ba?" tanong niya. Umiling lang ako sa kanya. "Iniisip ko si Marlon babe.Bihira na siyang tumawag sakin.Kahit nga ngayon na importanteng araw sa buhay ko hindi niya naalala." malungkot kong sumbong sa kanya. Nakita kong natigilan siya. "Busy lang siguro babe intindihin mo nalang." "Pakiramdam ko umiiwas siya sakin babe.Kung may problema siya pwede niya naman sabihin sakin baka makatulong ako." "Huwag ka na lang mag isip ng kung ano ano babe siguro kung may problema man siya ayaw ka lang siguro niyang mag alala.Nakita kong sobrang mahalaga ka sa buhay ni Marlon babe.Naiinggit nga ako dati sa kanya e." Napatingin naman ako sa kanya. "Bat ka naman naiinggit kay Marlon?" tanong ko. "Dati pa yon babe noong hindi pa tayo.Syempre ngayon hindi na kase akin ka na." sabay kindat niya saakin. "Puro ka kalolohan Mr.De Vera." "Totoo ang sinasabi ko ko Mrs.De Vera." bulong niya. Naramdaman ko nanaman ang malakas na t***k ng puso ko. "Dami mong alam." irap ko sa kanya sabay hila sa kanya papasok sa bahay namin.Inayos ko na din ang higaan niya inayos ko na ang kumot at unan niyang gagamitin. Nakita kong pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko habang nakasandal sa dingding ng kwarto kaya naiilang akong kumilos. "o-okey na matulog ka na." nauutal kong wika "Misis na misis ang galawan babe hmm.Payakap nga." mahigpit niya akong niyakap. "Hindi mo ako makukuha sa lambing.Bitaw na at magpapahinga na ako sa kwarto ko." nakairap kong wika "Nagbabakasakali lang babe.Good night babe.I love you." sabay halik niya sa noo ko. "I love you too babe." tuluyan na akong nagpaalam bago pa kami magtagal sa pagpapa alaman. Nagtataka ako sa papa ko at dito pinatulog si Ronnel.Himala ata.. Naglinis na ako ng katawan ko at nahiga na sa aking kama.Bigla ko nanamang naisip si Marlon.. Okey lang kaya si best.. Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog dahil sa pag iisip. Sana okey lang ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD