Simula ng sagutin ko si Ronnel naging doble maalaga na siya saakin.Lagi na na niya akong hatid sundo sa school namin.Halos wala na akong hilingin pa sa buhay ko.
Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag may nag aalaga.Nirerespeto niya din ako kaya masasabi kong swerte ako sa kanya.
Nagsimula na din si Wena sa pang iinis sakin.Kung dati iniinis niya lang ako kapag kasama ko si Ronnel ngayon halos mag hapon sa school lagi niya akong pinariringgan.
Kung di ko lang iniisip na matatanggal ako sa school namin ay matagal ko na siyang pinatulan.
Speaking of Wena nandito nanaman siya sa harapan ko para inisin ako.
"Hi Shaira ikumusta mo naman ako kay Ronnel.Pakisabi yung usapan namin ha." mapang asar niyang sabi.
"Anong akala mo sakin messenger bat di mo sabihin sa kanya." pabalang kong sagot.
"Pano magrereply sakin yung tao e binabakuran mo!" galit niyang sabi.
"Malamang bakuran ko kase boyfriend ko yon.Hindi naman ako tang* para hayaan kong landiin ng linta ang boyfriend ko!" naiinis kong sagot sakanya.
Nakita kong napangisi ito.
"Sino kaya ang nanlandi.Diba ikaw yon? Dahil sa pagkaka alam ko ako ang pinopormahan ni Ronnel dati." mataray niyang sagot.
"Hindi ko na kasalanan kung sakin pumunta.Hindi ko siya pinilit! Panira ka ng araw!"
Sa sobrang galit na nararamdaman ko tinalikuran ko na lamang ito bago pa ako makapanakit.
Dahil lunch break namin hinanap ko ang mga kaibigan ko sa tambayan namin sa garden sa likod.
Nakita ko silang nagkakasayahan dun kaya tahimik akong tumabi sa kanila.
Sobrang sama ng loob ko ngayon halos maiyak na ako sa galit sa Wena na iyon.
"Okey ka lang ba shai?" tanong agad ni Jaylyn ng makitang masama ang timpla ko.
"Sinira nanaman ng Wena na yon ang araw ko."
"Namumuro na talaga yang babaeng yan." galit na wika ni Mikee at akmang tatayo para sugurin si Wena pero mabilis kong pinigilan.
"Hayaan ninyo na isang taon na lang naman ako magtitiis sa pagmumukha non."
"Tuwing nakikita ko ang labanos na yan gustong gusto kong durugin ang mukha niyan." galit ding wika ni Clara.
"Inggit lang yon sayo Shai kase ikaw ang pinili ng boyfriend mo.Iba talaga kapag gwapo ang boyfriend." biro ni Anna.
Natapos ang lunch break namin kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming classroom.Pagpasok ko palang sa pinto ng classroom namin nabungaran ko na ang grupo ni Wena na nagbubulungan habang nakatingin sakin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at dumeretso na sa aking upuan.
Akmang lalapit sakin si Wena ng dumating ang aming subject teacher para sa hapon kaya bumalik siya sa kanyang upuan nang may pagbabantang tingin saakin.
Halos gusto ko nang matapos ang araw na ito.Sobrang napipikon na ako sa mga parinig ni Wena.
Apat na subject pa ang natapos namin nung hapong iyon.Kaya nakahinga ako ng maluwag ng mag bell hudyat na uwian na.
Mabilis kong niligpit ang gamit ko para makaalis agad bago pa ako abutan ng grupo ni Wena.
Bago ako pumunta sa hintayan namin dumaan muna ako sa cr para mag ayos ng sarili dahil pakiramdam ko sobrang haggard ako ngayon.
Nagulat pa ako nang pagdating ko sa gate nakita kong nakikipag usap si Ronnel kay Wena.
Halos balisa naman si Ronnel panay ang tingin sa paligid.Alam niya kase na magagalit ako kapag nakita ko silang dalawa.
Nakita ko ding nagpipigil ng galit ang mga kaibigan ko sa isang tabi.Alam kong gustong gusto na nila saktan si Wena nagpipigil lang sila dahil nasa labas lang kami ng gate ng school.
Nagtinginan sila sakin kaya tumango lang ako sa kanila.
Lakas loob akong lumapit kay Ronnel sabay halik sa pisngi niya na hindi ko naman dating ginagawa.Naramdaman kong natigilan si Ronnel sa gulat.Ngumiti ako ng matamis sa kanya sabay hawak sa braso niya.
"Kanina kapa babe?" tanong ko sa kanya na may pinakamalambing na boses.
Nakita ko ang inis sa mukha ni Wena sabay talikod saamin kaya natawa nalang ako.
"Halos kararating lang babe." sagot niya sabay kuha sakin ng gamit ko.
"Tara na babe." yaya ko sa kanya hindi ko na tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya dahil alam kong lihim kaming pinagmamasdan ni Wena.
Nakita ko naman na nag thumbs up sakin ang mga kaibigan ko kaya nginisihan ko sila .
"Ang sweet ata ng babe ko ngayon.hmmm." malambing niyang wika.
"Syempre kelangan malaman ng labanos na yon kung kanino ka."
"Sabi ko naman saiyo huwag mo nang pagselosan si Wena kase ikaw ang mahal ko."
"Hindi maiiwasan iyon babe kung alam mo lang araw araw niyang sinisira ang araw ko." pagsusumbong ko.
"Huwag mo ng pansinin babe.Ang mahalaga masaya tayo.Kiss mo nga ulit ako dito." sabay turo niya sa pisngi.
"Anla tumigil ka." nahihiya kong pigil sa kanya.
Masaya na ako na ganito ang set up namin ni Ronnel.Nararamdaman ko na mas lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya.Sana hanggang maka graduate ako kami pa rin.Siya na ang hinihiling kong makasama habang buhay.Sana siya rin..
Linggo ngayon kaya nag gagayak ako para sa pagsimba.Medyo nagtatampo din ako dahil hindi nagpaparamdam sakin si Ronnel kahit teks o tawag hindi man lang ako naalala.Ngayon ang aming first monthsary siguro nakalimutan na niya.
Masama man ang loob ko pinilit ko pa ring mag simba kasama ang mga kaibigan ko.Hanggang sa matapos ang misa hindi pa rin nagpaparamdam si Ronnel kaya medyo naiinis na talaga ako sa kanya.
"Shai tara mag night swimming?" yaya ni Clara
"Kelan?" walang gana kong tanong.
"Mamaya di ba first monthsary ninyo ni tito."
"Naku Yhonice nakalimot na ang tito mo!" pagmamaktol ko sa kanya.Nakita ko naman silang nagtinginan ng makahulugan.Hindi ko na lang pinansin.
"Eh di tayo ang mag celebrate." sabat naman ni Jaylyn
"Oo nga shai kami na bahala sa pagkain.Sunduin ka nalang namin mamayang six pm sainyo." Anna
"Kayong bahala." tipid kong sagot.
Pagdating ko sa bahay ay inabala ko ang aking sarili sa mga gawain.pero patingin tingin pa rin ako sa cellphone ko baka tumawag ang magaling kong boyfriend.Pero kahit teks hindi man lang ako naalala.
Bahala siya sa buhay niya hindi ko talaga siya papansinin kapag nagkita kami.! naiinis kong kausap sa sarili ko.
Nilinis ko ang buong bahay namin kahit yata kasulok sulokan ng bahay namin nilinis ko.Nilabhan ko na din lahat ng labahin sa bahay kaya hindi ko namalayan na hapon na pala.
"Anak ang sipag mo yata ngayon.Halika na kumain ka na dito." tawag sakin ni Mama
"Sige po Ma pahinga lang po ako saglit susunod na po ako."
Pagkatapos kong magpahinga napagpasyahan ko nang maligo bago kumain.Isang sleeveless croptop ang sinuot ko at pinaresan ko ng highwaist na denim at nag tsenilas nalang ako dahil sa dagat lang din naman ang punta namin.
Mabilis akong kumain pagkatapos ay inihanda ko na ang mga dadalhin ko mamaya sa night swimming naming magkakaibigan.
Maya maya pa ay narinig ko na ang maiingay kong kaibigan.
"Tara na shai ready kana?" bungad sakin ni Jaylyn.
"Sabi na eh kayo ang paparating malayo oa lang kayo dinig ko na mga bunganga ninyo." biro ko sa kanila.
"Grabe ka samin shai ha.Parang di ka tunay na kaibigan." sagot naman ni Anna na may pag irap pa.
"Syempre kayo lang ang kaibigan ko hanggang sa huling hininga ko." nagtwanan kami ng malakas at nagyakapan.Sandali kong nakalimutan ang inis ko kay Ronnel.
Sumakay kami sa isang jeep papunta sa dagat dahil medyo kalayuan din.Hindi na ko nagtanong kung sino ang ang gumastos ng lahat dahil na excite na ako ng maisip ko na sa dagat ang punta namin.Bihira lang kase kaming makaligo sa dagat kase bihira lang din kami magkayayaaang magkakaibigan.
Pagtigil ng jeep excited kong kinuha ang mga dala ko at dali daling tumakbo sa buhanginan.Hindi ko na pinansin ang mga kaibigan ko.Masaya akong nagtampisaw sa hanggang tuhod na tubig na akala mo batang musmos na unang beses lang nakakita ng dagat.
"Mga bruha halika...." nagulat ako dahil hindi ko makita ang mga kaibigan ko pero naandon pa ang jeep na sinakyan namin.Nakaramdam ako ng takot dahil tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid.
Bigla kong na imagine ang mga napapanood ko sa horror movie kaya mas lalo akong kinilabutan.Nagpalinga linga ako sa paligid.
"Jaylyn?"
"Anna?"
"Clara?"
"Yhonice?"
" Mikee?"
Isa isa kong tawag sa kanila.
"Hindi na kayo nakakatuwa!" galit kong wika.
Nagulat ako ng biglang may umilaw sa puno at sa kubo na medyo kalayuan sakin.
HAPPY FIRST MONTHSARY BABE
nakita kong nakasulat sa may puno.Biglang lumabas si Ronnel na hanngang tenga ang ngiti galing sa likod ng puno.Biglang nawala ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya.
Akala ko nakalimutan na niya.Mangiyak ngiyak ako sa tuwa.Nakita kong binuka niya ang dalawang braso niya kaya tumakbo ako para yumakap sa kanya ng mahigpit.
"Akala ko nakalimutan mo na." naiiyak kong wika sabay hampas sa dibdib niya.
"Hinding hindi ko makakalimutan babe.Busy lang talaga ako kanina mag ayos dito."
"Ikaw nag ayos nito lahat?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang paligid.
"hmm.Actualy katulong ko si Junel." nahihiya niyang sagot.
Nakita kong naglabasan na rin ang mga kaibigan ko sa likod ng malaking puno.Inirapan ko lang sila.
"Mukha kayong malignong lumabas sa puno." biro ko sa kanila.
"Ang harsh mo shai ha.Tagal tagal nyo mag moment nilalamok na kaya kami sa likod ng puno." reklamo ni Mikee.
"Sana all may love life." kinikilig na wika ni Anna.
"Akala ninyo nakalimutan ko na yung pag iwan nyo sakin kanina huh." pagtataray ko.
"Aba kasalanan mo basta ka nalang tumakbo akala mo ngayon ka lang nakalabas ng kulungan." pambabara ni Yhonice kaya nagtawanan sila.Sinamaan ko lang ulit sila ng tingin.
"Babe don tayo." yaya sakin ni Ronnel sabay halik sa buhok ko.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko.Tumango lang sila saakin.
"Sige na kanina ka pa gustong masolo niyan." biro ni Junel.
Nahihiya namang napakamot sa batok si Ronnel.
May nakita akong nakalatag na tela sa buhanginan.Inalalayan ako ni Ronnel na makaupo dito.May nakuta rin akong maliliit na kandila na nagsisilbing liwanag sa paligid bukod sa buwan.
Biglang humiga si Ronnel kaya humiga na rin ako sa braso niya.Ilang minuto kaming hindi umiimik habang pinapanood ang mga bituin sa langit
"Mahal na mahal kita babe.Hindi ko alam na ang dating babaeng hindi ko pinapansin noon ay kinababaliwan ko na ngayon." narinig ko ang mahina niyang halakhak na parang musika sa pandinig ko.
Pinalo ko siya sa tiyan.
"Kelan mo narealize na gusto mo ko?"
"Hindi ko alam basta nagising na lang ako isang umaga hinahanap hanap na kita.Kaya kinausap ko kaagad si Marlon para magpaalam manligaw sayo.Nagseselos pa nga ako dati kay Junel."
"Sira ulo naman kase kaibigan mo."
Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
"Kung pwede lang na pakasalan na kita ngayon gagawin ko.Para hindi ka na makawala saakin."
Kinilig naman ako sa narinig ko parang may kung anong insektong nagliliparan sa tiyan ko.
"Alam mo kung tayo talaga ang naka tadhana kahit ilang beses tayong pag layuin pagtatagpuin at pagtatagpuin pa rin tayo ng tadhana." mahaba kong paliwanag sa kanya.
"Kaya babe kapag may pagsubok na dumating satin pagtutulungan nating malampasan iyon ha.Maging matatag lang tayo."
"Oo naman babe.Kaya mahal na mahal kita e." masaya kong sagot.
"Gusto ko pagdating ng araw magkakaroon tayo ng dalawang anak."
Natigilan naman ako sa narinig.Bigla akong nahiya sa kanya.
"A-anak agad?"
Natawa naman siya sa reaction ko.
"Ikaw talaga.Syempre kapag nasa tamang edad na tayo.Kapag may magandang trabaho na ako yung kayang kaya ko kayong buhayin ng mga magiging anak natin." kinilig naman ako sa narinig kaya napayakap nalang ako ng mahigpit sa kanya.Dinig na dinig ko ang malakas na t***k ng puso niyan.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag kapiling natin ang ating mahal sa buhay.Gusto ko nalang isipin na sana huwag na matapos ang oras.