Tahimik akong kumakain habang katabi ko si Ronnel.Panay ang lagay niya ng ulam sa plato ko pero hindi ko ito kinakain.Halos mapuno na ang plato ko pero hindi pa rin siya tumitigil sa paglalagay sa plato ko. Napapailing naman kaming pinagmamasdan ni Papa.Si Mama naman nangingiti lang habang kumakain. "Oo nga po pala babalik na ako sa apartment ko.Aalis na po ako bukas." basag ko sa katahimikan. "Sige anak mag iingat ka doon dadalaw na lang kami ng Papa mo doon kapag may oras kami." "Mag isa ka naman doon bakit hindi mo isama si Ronnel doon anak.Naka bakasyon naman siya ngayon." Natigilan ako ng mag salita si Papa. Kaya pala siya sinundan dito ng Elaine na yon kase naka bakasyon siya! bulong ko sa sarili ko. "Okey lang po ako pa.Dalawang taon na po akong mag isa doon sa apartment kay

