Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.Unti unti kong minulat ang aking mata at iniikot ang panigin sa loob ng kwarto. Nasa kwarto ko naman pala ako nakauwi! Natampal ko ang noo ko.Wala nanaman akong maalala sa nangyari kagabi.Huling na alala ko noong binuhat ako ni Ronnel kagabi. Muli kong inikot ang mata ko sa aking kwarto napatakip ako ng kumot sa aking katawan ng makita kong masamang nakatitig si Ronnel sa akin.Nakasandong puti lang ito at naka short na pambahay. Dito ba siya natulog? tanong ko sa sarili ko. Sinilip ko ang sarili ko sa kumot laking gulat ko ng makita kong nakasuot na ako ng pantulog. Sh*t sino nagbihis saakin! "Tss!! wala ka nang magagawa nakita ko ang lahat ng iyan kagabi." masungit niyang wika na parang normal lang sa kanya. Agad akon

