Maghapon akong nagkulong sa kwarto ko kinabukasan.Pakiramdam ko wala akong gana sa lahat ng bagay. Nakailang balik na si Mark sa kwarto ko para maghatid ng pagkain pero lumalamig lang sa tabi.Hindi ko makain dahil wala akong gana. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom kahit hindi ako kumain ng agahan at tanghalian. Kahit paulit ulit akong pinagagalitan ni Mark sa huli wala pa rin siyang nagawa. Parang gusto ko lang matulog ng matulog.Pakiramdam ko puyat na puyat ako o sadyang pagod lang ang mata ko kaiiyak. Naisipan kong matulog na lang ulit. Dahil baka puntahan ako ng mga kaibigan ko at kulitin na sumama sa sayawan dahil ngayon ang sayawan sa Plaza. Hindi ko namalayan na nakatulog akong muli.Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong tumatapik sa pisngi ko. Nang makabawi na

