Halos mag iisang buwan na sa apartment ko si Ronnel nasasanay na din ako sa presensya niya. Hindi na rin naulit ang pagtatalo namin. Pero hindi pa rin namin napag uusapan ang tungkol sa amin. Kung ano ba ang label ng aming relasyon. Minsan gustong gusto ko na siyang tanungin pero natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin. Dahil day off ko ngayon ay naisipan naming magsimba ni Ronnel. Mula ng dumating siya dito ay ngayon lang kami lalabas ng kaming dalawa lang kaya medyo kinakabahan din ako.Halos hindi ko alam kung ano ang susuotin ko.Nagkalat na sa kama ko ang mga damit na pinagpipilian ko. Sa huli ay isang dress na baby pink color ang napili ko. Saktong sakto lang ito sa katawan ko at hanggang sa may tuhod ko ang haba. Pagkatapos kong magbihis ay agad kong inayos sa cabin

