Epilogue
[ LOGAN'S P.O.V ]
"KUYA!"
Napahinto ako sa pakikipagchat sa babae sa f*******: nang marinig ang boses ng kapatid kong si Rika.
Nag brb ako sa kachat ko.
"Ano?!" sambit ko. Nasa taas kase ako ng palapag namin. Kahit na mainit at parang iniihaw ako. Mas gusto ko rito dahil tahimik at walang istorbo.
"Hoy saing mo ngayon, anong oras na." paalala at bahagya pang galit na sabi nito.
Napangiwi ako at ini-off ang data ko. Saka bumaba na.
Bahala na ang kachat ko.
Ginawa ko ang isa sa responsiblidad ko, ang magsaing.
"Kakahugas ko lang ng plato ng pusa at aso, Mama! Ayokong lumabas!" napapadyak sa inis si Rika ng tignan ko. Dahil inutusan ito ng Mama ko.
"Si ate oh walang ginawa!" nguso pa nito.
Ang iba kong kapatid ay bumulong na marami na silang ginawa.
"Kayo mag edit huh? Kayo mag edit dito at ako ang bibili."
"Ano ka ate feeling princess, señorita ka? Kilos kilos din. Set aside your study sa house chores oy!" pag-ingles pa ni Rika.
Kahit ayaw nito lumabas. Wala rin itong choice dahil kukunin raw ang cellphone kung hindi sumunod.
T*ngna.
Kakaumay na.
Basta ko. Marami na rin akong ginawa.
Lumingon ako kay Earah.
Tamad talaga.
Umiling ako.
Matalino nga kaso napakatamad sa gawaing bahay. Isa siyang red flag.
"Oh anong tinitingin mo huh?" sambit nito sa akin.
Iniwas ko ang tingin.
Tsk.
Hirap talaga sa ibang matalino ay tamad sa gawaing bahay.
Hindi na ko nagsalita. Dahil baka ibring up pa nito ang paghinto ko sa pag-aaral sa college.
Nang matapos sa pagsasaing nag cellphone na ulit ako at kinausap ang kachat na babae.
--
HINDI ko alam kung sa pagsusulat ba ni Rika o sa problema pa namin sa bahay. Kaya nagpakamatay ito.
Hindi ko inasahan at lalong pati ang kapatid at magulang ko.
Sumunod naman si Papa.
Hindi ko rin alam kung dahil ba sa pagiging pasaway namin magkakapatid o dahil sa pagtatrabaho nito lagi kahit pagod. Naging sanhi 'yon para mamatay ito.
Napakaraming problema ang dumating sa buhay namin.
Ang ate ko, walang pinagbago. Hindi parin tumutulong sa gawaing bahay.
Napakatamad talaga.
Kaya naisipan kong maghanap na ng trabaho at lumaban sa hamon ng buhay.
Isa pa, kung nag-aral din naman ako ng college o mag-aaral ulit.
Baka hindi ko magawa ng maayos dahil sa mga palaging utos sa akin.
Andami kong trabahong pinasukan.
Construction worker.
Kaso dahil hindi naman ganon kalakas o katatag ang katawan ko. Umalis na rin ako sa trabaho kong 'yon.
Nag sideline ako ng kung anong mga trabaho. Pero hindi sapat ang pera na nakukuha ko.
Ngayon nga ay nasa simbahan ako nagdadasal.
Na sana manatili akong matatag dahil parang unti unti ng lumulukob sa akin ang sumuko.
"Hijo." gulat na sabi ni pader ng makita ako.
"Hello pader!" parang tanga at nakangiming ngiti ko. Pader haha. Baliw ka, Logan.
Umupo ito sa upuan sa tabi ko na aking kinagulat. "Lagi kitang napapansin dito, hijo."
"Anong problema mo? Pwede mong sabihin sa akin dahil baka matulungan kita."
Pera po. Umiling ako sa sarili.
Napabuntong hininga ako bago sabihin dito ang problema. "Pagod na ko, pader." Bigkas ko.
"Gusto ko ng sumuko."
"Wala na po ang isa sa nakakaintindi sa akin, pader. yung isa ko po kaseng kapatid...nagp-" Para kong maiiyak habang iniisa ang problema.
"Laban lang, hijo."
Tumingin ako rito ng tinuro nito ang krus sa harap ng simbahan. (sa bandang aisle.)
"ang PANGINOON ay hindi sumuko sa atin. Hindi ba't pinadala nito sa ibaba ang bugto nitong anak na si HESUKRISTO. Para mailigtas lang tayo sa kasalanan."
"Ang pinupunto ko, hijo. H'wag kang sumuko. MANIWALA ka sa KANIYA."
"MANALANGIN KA."
"NANINIWALA akong malalampasan mo ito. Hmm." Ngumiti si pader at kinuha ang palad ko.
"B-bakit?" tanong ko.
"Huhulaan kita, hijo. kung hindi mo pa alam. Isa rin akong manghuhula."
Mukhang inuuto ata ako ni pader.
"Ngayon ang araw na makikilala mo ang babaeng para sa'yo na...magbibigay lakas sa nanghihina mong paniniwala."
"Hindi lang ang babaeng 'yon hijo ang dapat maging lakas mo. SANA isali mo ang PANGINOON. Ang pinakalakas sa naghihina mong paniniwala."
Tumayo na si Pader Enzo at ngumiti sa akin bago hinaplos ang buhok ko at nagpaalam sa akin na may gagawin pa.
--
KAHIT ang pagiging basurero pinatos ko.
Ngayon nga ay naghahalungkat ako ng mga bote, bote sa basurahan sa isang subdivision.
Buti nalang kilala ko ang mga security guard sa subdivision.
Alam naman ng mga ito na hindi ako masamang tao kaya pinayagan ako.
Nakarinig ako ng yabag sa likod na paparating.
Kaya inihinto ko ang paghalungkat at humarap.
Napakurap ako ng ilang beses ng makita sa harapan ang isang magandang babae.
Kahit madilim.
Kitang kita ko ang magandang mukha nito.
Ang malapusong hugis ng mukha, makapal na kilay, mahabang pilikmata at namumungay habang nakatingin sa akin. Matangos na ilong na bumagay lalo sa mukha nito at ang labi...
"Hello... miss!" Sabi ko at ngumiti.
Napa 'oh' ako ng tinarayan ako nito at sinamaan ang tingin ng walang dahilan.
Anong ginawa ko?
"Don't talk to me, Mr." sabi nito at basta nalang akong tinalikuran.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
Ano ganon na lang?
Pagkatapos ako nitong bihagin sa ganda nito aalis na lang ito ng hindi sinasabi ang pangalan?
Huminto ito at napahalukipkip.
"Baket?" tanong nito.
Ayoko ngang sabihin haha.
"Wala lang. Bawal ba?" tanong ko na kinainis ng babae.
Kita kong ngumiwi pa ito na bago siya tumalikod.
"Wala kang sense kausap."
Ouch.
"Grabe ka naman...bata bata mo pa ganyan na sagot mo sa'kin."
"Hindi na ako bata. For your information 19 na ako."
Talaga?
Nice. Dahil ayokong cradel snatcher or pedophile.
"Hindi halata." sabi ko, dahil totoo naman.
"You look like 13 y.o." dagdag ko.
Ngumiti ito sa akin.
"Salamat...ikaw naman po mukha kang lolo na."
"HAHAHA." Tawa ko.
T*ngna.
Lolo amp*ta..
grabe...
Sa guwapo kong 'to lolo?
Pinilig ko ang ulo ko.
Dahil nagsisimula na naman akong maging mahangin porque nag glow up lang.
"Grabe... ngayon lang ako natawa ng ganto. Hintayan na lang kitang makapagtapos ineng. Mukhang tama nga ang pari at manghuhula.
Na makikilala ko ang babaeng itinadhana sa akin ngayon." Mahabang saad ko.
"Crazy." bulong nito at umalis ng hindi sinasabi sa akin ang pangalan.
Nice one naman.
Aalis na nga lan ay hindi pa sinabi.
Mukhang hindi ako nito makakatulog.
--
"KUYA PAGOD NA PAGOD NA ako."
Napahinto ako sa pagbababad sa pagfa-f*******: at napatingin sa kapatid ko na si Rika ng bigla na lang nitong sabihin yon ng walang dahilan.
Tumaas ang kilay ko.
Gusto ko sanang sabihin na nagda-drama ito. Pero tinikim ko ang bibig at hinintay ito na magsalita ulit. Isa pa, unang beses na mag open up ito ng problema. Bago sa akin na sinasabi ang problema rito.
"Lagi na lang kase ako ang inuutusan sa bahay. Lagi na lang ako ang nasisisi sa mali...lagi na lang...kuya."
'Paano naman ako?' gusto kong ibalik dito.
"Pagod na ko."
"Pagod na pagod na dahil tingin ko mali rin ako."
"Saka..." pinaglaruan nito ang daliri at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata nito.
"Masakit kase 'yung mga ways of coping up ko pag nalulungkot. Pagbabasa at pagsusulat, panonood. Hindi na na nagiging dahilan para mawala ang lungkot ko."
"Gusto ko na lang naman sumaya, magbigay saya sa iba...kaso...pagod na ko."
"Sana hindi na ko nabuhay. Sana hindi na ko nabuo." tumawa ito pagkatapos at umiling.
Saka pinunasan ang luha sa mata.
"HAHAHA forget it, Kuya!" anito.
"Wala lang akong magawa. Trip ko magdrama."
Trip magdama.
Ngunit Kinabukasan, pag-gising ko.
Naluha ako.
Ba't hindi ko narealized agad?
Na...it's her way para mamaalam.
Edi sana napigilan ko ito sa tangkang pagkamatay.
Sumunod ang aking ama ang namatay.
SUNOD SUNOD ang paghinga ko at napahawak sa dibdib nang magising.
Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili sa pagkamatay ni Rika. Hindi ko dapat isisi sa problema nito.
Isisi ko rapat sa sarili na wala man lang ginawang paraan.
Napaluha ako at umiling din bago punasan ang luha.
Hindi...
Hindi ko dapat isisi sa akin.
Walang dapat sisihin.
--
"SALAMAT, " sabi ko sa kilala kong si Manang Fe na nagtatrabaho sa private school na papasukan ko ngayon.
Kung hindi dahil dito hindi rin siguro ako matatanggap sa trabaho sa school na 'to.
"Walang anuman, hijo. Pagbutihin mo ang paglilinis dito. Maging mapagkumbaba ka sa mga estudyante at guro." pagpapaalala nito.
Tumango ako.
Umalis na rin ito ng matapos 'yon sabihin sa akin.
Kinuha ko na ang mop at pumuntang canteen o cafeteria pag mayaman.
Nagsimula na kong mag mop ng sahig ng sa kalagitnaan. Napahinto ako at napatingin sa mga estudyante na kumakain.
Para kong natuklaw ng ahas ng makita ang isang magandang babae na nakatingin sa akin.
Ang babaeng nakita ko sa subdivision.
Ang babaeng gusto kong malaman ang pangalan.
Ang babaeng laging laman ng isip ko.
Ang babaeng sinabi ni pader na itinadhana sa akin.
Umiwas ito ng tingin pagkatapos na nagpabuntong hininga sa akin.
Napariin ang hawak ko sa mop.
Mali ba..kung sabihin ko na kahit magkaiba kami ng estado.
Hindi nag-iba ang pasya ko sa isip.
Na ligawan ito at patunayan na maganda ang hangarin ko.
Then...
Napasuklay ako ng buhok dahil sa gigil.
Baliw!
Sa ganda at yaman ng babaeng 'yan? Tingin mo may pag-asa ka?!
Wala!
'Wag ka ng umasa, Logan.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag mo-mop.
Hays.
Salamat...
Natapos din.
Kaso napanganga ako at napailing.
'Nice pre,' gusto kong ibulong sa isang estudyante na parang t*ngna na binuhos ang konting natitira sa bote ng tubig na ininom nito kanina.
Tapos na nga ko.
Uulit pa.
Automatic na napahawak ako sa bewang ng isang babae para mapigilan ang masamang mangyayari ritong makita na tumapak ito sa basang sahig na tinapon ng tubig ng estudyante.
Tinignan ko ang babaeng muntik ng madulas at napamura sa isip ng makilala kung sino ito.
"You okay?" Pag-ingles ko.
"Thanks." Mahinang sabi nito at lumayo sa akin bago ako talikuran.
Luh
Na naman?
Hindi ko pa nga natatanong ang pangalan nito.
nah.
Wala na kong pake kung wala akong pag-asa.
Mahalaga na masabi ko na gusto ko itong ligawan at maganda ang hangarin ko.
Ngumiti ako ng mag mop ulit.
Bahala na.
Hanap na lang ako ng magandang tiyempo.
sana...
may pag-asa ako
Kahit impossible...
Dahil mahirap ako, Hindi nakapagtapos,
at hindi mas guwapo tulad ng iba riyan.
--
I'm Logan Haslet Fajardo and dahil sa hindi ko pagsuko na maghintay at ligawan si annika.
Naging kami rin sa wakas haha.
Dahil kung hindi siguro hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin.
aba.
Sa mga salita ba naman nito.
Mas lalo lang akong na fall.
Nagpapasalamat ako kay annika nang ipapakilala ko na ito sa pamilya ko.
Kase kahit hindi nito gusto na pumasok sa eskinita kung nasaan banda ang bahay namin. Pati na ang pagpasok mismo sa loob ng bahay.
Pumasok ito ng hindi nagrereklamo.
She's claustrophobic. I know, she told me about it. Pero sinabi nitong depende rin naman.
Claustrophobic at mayaman.
Pumasok sa lugar namin and bahay.
Wow 'no? and it's because of me.
Dineny man ako ni Annika ng araw na ito naman ang magpapakilala sa akin sa pamilya nito. Hindi ko 'yon kinasama ng loob.
Baket hindi?
Dahil sa totoo lang sa tindig at posisyon ko ngayon.
Hindi pa nga dapat ako nito ipakilala. Kase wala pa akong napapatunayan man lang.
So baby annie. Naiintindihan ko.
Stop frowning.
I said in my mind while washing the dishes.
I'm starting to learned in speaking in english. Dahil gusto ko sa oras na ipakilala ko ni annika sa mga kilala nito na magagaling sa pagsasalita 'non.
Makasabot man lang ako at hindi matulala.
Then sana rin na kaipon ipon na ko at may permanenteng trabaho na para maipakilala na talaga ako ni annie.
--
MASAYA
SOBRANG SAYA pala na magkaroon ng girlfriend na maganda, mayaman, mabait, maalalahanin.
She convinced me to work with someone she know. Kahit malayo sa pamilya ko. Tinanggap ko naman kahit nag-aalinlangan pa para makapag ipon sa pamilya ko at kay annie.
"Logan!" tawag sa akin ni Boss
"Boss!" sabi ko naman.
"May problema po ba?" tanong ko ng makalapit dito.
Nagulat ako ng bigla ako nitong suntukin sa mukha.
"Don't ever talk to my girlfriend." galit na sabi nito at umalis.
Napaamang ako.
luh.
at umiling.
Pinunasan ko ang dugo sa labi.
at kinontinue ang paghahakot ng semento.
edi wag, Boss
mismong gf mo nga ang lumapit sa akin eh 'di ako.
makasapak.
porque mas gwapo lang ako sa'yo.
natawa ako sa sarili.
Natawa then naluha.
Kase
akala ko...
Masaya at sobrang saya nalang ang mangyayari sa akin.
Ngunit kinabukasan nang magising ako sa bahay na inuupuhan ko.
Hindi ko makita sa alkansya ang mga pera na inipon ko.
Hinanap ko sa lahat ng parte ng bahay. Pero..wala...
"T*ngna, Nasaan na 'yon?" Tanong ko.
Napasabunot ako ng buhok at pinag-uuntog ang ulo sa pader ng hindi ko makita.
Dahil sa pagkawala ng perang naipon ko. Naging dahilan 'yon para mawala ako ng gana habang nagtatrabaho.
Ilang beses akong pinagmumura ng boss ko at sinipa pa ako.
Wala raw kwenta.
Dapat hindi na lang daw ako nito tinanggap kung hindi lang kay annie. Na kilala nito.
"Baby annie..." sabi ko, habang kausap si annie sa kabilang linya.
Sinubukan kong maging masaya ang boses para hindi nito malaman ang problema ko.
Ayaw ko na itong mag-alala pa.
"Hmmm?" Inaantok na tugon nito.
"Miss na kita," ani ko at ngumiti kahit malungkot.
"I miss you too, Logan." Sabi nito sa kabilang linya.
"Alam mo ba baby annie. May nakita akong church rito. Napakaganda! and kung makaipon na ko nang marami rami at may mapapatunayan na ko sa magulang mo na karapa't dapat ako sa'yo. Gusto ko roon tayo ikasal." Mahabang sabi ko.
Kaso kailangan ko ulit simulan ang pag-iipon.
Gusto ko sanang sabihin ang problema. Kaso natatakot ako sa magiging reaksiyon nito. Ineexpect kase ni annie na may ipon na akong malaki. Oo nga, malaki na 'yon, kaso nawala rin.
"Sana hindi ka talaga mapagod sa'kin, baby annie. Sorry huh kung bihira na lang kita matawagan para kamustahin. Pati nga mga kapatid ko at si mama. Paano kase strict ang boss ko. Tapos pag umuwi naman na ako sa tinutuluyan ko. Nakakalimutan kong tumawag." pagdadahilan ko.
"Wag kang magpapagod. I'm not there, para alagaan ka." sambit nito na nagpangiti sa akin.
Salamat, baby annie.
I'm so lucky to have you, baby.
"Hindi na kailangan na narito ka, baby annie. Marinig ko lang boses mo lumalakas na ako. Parang inaalagaan mo na nga rin ako eh." Nawala ang alalahanin ko dahil sa sinabi nito.
"Logan, naantok na ako. Sige... matulog ka na."
"Sige, baby annie. Sleep dreams sa'yo! mahal kita!"
May sasabihin pa sana ko ng putulin na nito ang line.
'lowbat siguro.' sabi ko nalng.
Tumunog ang phone ko, tanda na may mensaheng dumating.
Baka mag-sosorry.
Nakangiti na binasa ko 'yon pero ng matapos hindi ko maiwasan na mabitawan ang cellphone.
at tumulo ang luha.
Sunod sunod.
Walang tigil.
***
Good evening, Logan...
Sorry for acting that I'm still in love with you, kanina lang...
I don't want to hurt you...but... Logan, I'm breaking up with you. I don't love you anymore. Please forget me and forget our memories together. I don't want to wait you... I'm tired waiting. I received message from someone that the money na naipon mo ay nanakaw. I have to break up with you. First, because I don't love you na...and second you're still poor. If you want me that much and prove that you love me and willing to do everything. Make yourself rich and make a way para mainlove ulit ako sa'yo. That's only the solution. Sorry, please take care of yourself and humanap ka ng lakas sa iba. Dahil hindi ko na 'yun magagawa. Bye, Logan. Thank you...
****
Hindi...
HAHAHA.
baka. . .
baka naman prank lang 'to ni baby annie.
Tama. tama.
Tumango ako.
Tatawagan ko na lang ito para sabihin na alam kong prank lang.
Tinawagan ko si annie kaso...walang sumagot kahit ilang beses ang aking ginawa.
Napaupo ko sa gilid ng kama at humikbi.
Pinunasan ko ang luha kahit ilang beses yon tumulo.
Kinuha ko ang mga damit at nilagay sa bag.
Aalis ako...
Babalik na kong cebu para makausap ito.
Baka nga prank lang 'to.
Katulad ng mga napapanood ko sa ibang couple.
Sana...
Pero kung hindi man 'to prank. I'm still going to change her mind.