Kasandra Pagkatapos ng pagpapakilala ko kay Baby Love sa kanila ay naging maayos naman ang lahat. Lagi na itong dumadalaw sa akin lalo na kapag Sabado. Malapit na ang sem break namin at balak kong umuwi ng probinsiya. Malapit na din ang kabuwanan ni Ate kaya excited na kaming lahat. Maaga kaming pinauwi ngayon dahil may meeting daw ang mga prof. Pauwi na ako ng bahay ngayon at hindi daw ako masusundo ni Baby Love dahil susunduin daw nito ang ama nito sa airport. Sa ilang araw ay lagi niya pa din akong sinusundo. Masaya kami lagi at walang araw na hindi nito sinasabi ang salitang I love you sa akin. Malapit na ako sa sakayan ng jeep nang sinilip ko ang phone ko para tignan sana kung may text mula dito. Pero ni isa ay wala akong natanggap. Nagtaka tuloy ako dahil hindi niya gawain ang hin

