Kasandra Simula ng magka-phone ako, lagi na itong tumatawag sa akin. Lalo na sa oras ng vacant periods ko. Pag nasa bahay naman ako ay kung hindi ito ay ang dalawa naman ang nangungulit sa akin. Sabado ngayon at naghahanda kami sa pagdating ng Baby Love ko. Hindi pa alam nina Ate na may phone ako. Si Ate Isabela lang. Nangako naman si Ate Pamela sa akin na darating ito ngayong araw. Pinapanood ko si Inang habang nagluluto ito ng tanghalian. Ang usapan namin ni Baby Love ay hapon sana pero komontra si Inang. Kailangan daw ay dito ito mananghalian. Napatingin si Ate Katherina, Kuya Marco at Inang sa akin nang tumunog ang phone sa bulsa ko. "May tumatawag ata sa yo, Mahal ko?" sabi ni Ate Katherina kay Kuya Marco. "Hindi ganoon ang tunog ng telepono ko, Mahal ko. Saka walang tatawag sa

