Kasandra Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako. Pero bago ako umalis ng hapag ay pinaalam ko na ipapakilala ko si Baby Love sa kanila. "Inang, mga Ate ko at Kuya Marco. Gusto ko lang sanang malaman niyo na pupunta si Baby Love dit--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nanh magsalita si Ate Katherina. "Baby love?" sabi nito ng patanong. "Patapusin mo muna kasi ako, Ate Katherina." tumango sila kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko." katulad nga ng sabi ko kanina. Pupunta po si Baby Love dito sa Sabado para po ipakilala ko sa inyo ang boyfriend ko." "Boyfriend mo?" sabay-sabay na sabi ni Ate Katherina at Ate Isabela. Wala kasi si Ate Pamela dahil may trabaho daw ito at ilang linggong mawawala. "Opo," tumatangong sabi ko. "At kaikan pa? Wala ka atang naikuwento sa amin?" n

