Zay Hindi pumasok si Kasandra ngayon and I feel guilty about it. Alam ko kung bakit hindi nagpaparamdam si Kuya sa kanya. Ayaw ko lang na sa akin manggaling ang lahat. Ilang araw nang umuuwi si Kuya sa bahay dahil dumating si Daddy kasama ang first love ni Kuya from states. Hindi ko siya pinapansin dahil sa ginagawa niya. Kasandra is always texting and calling him pero binabalewala nito. "I hate you." sambit ko habang nakatingin kay Kuya at sa kasama nito. They are both enjoying the water of that pool. Ayoko silang makita kaya kahit walang pasok ay umaalis ako ng bahay. "Sana hindi ka nalang nagpakita ng pagmamahal sa kaibigan ko. I hate you so much!" galit na galit ako. Inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Ambhier. Plano kong bisitahin si Kasandra dahil sa pag alis niya bigla noon

