Chapter 5

1703 Words
Kasandra "Grabe namang makabodyguard si Baby Love." bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ito sa isang restaurant malapit sa mall. Dinaig ko pa ang stalker sa ginagawa ko. After kasi ng pagkikita namin sa office niya ay hindi ko na alam kung paano siya makikita. Kaya ang ginawa ko, inistalk ko ang social media account nito. Pero wala man lang akong nakuhang any information na makakatulong sa akin. Ilang beses kung sinubukanv makalapit, kaso papalapit palang ako ay haharangin na agad ako ng mga bodyguard niya at tatanungin. Tulad ngayon, sinubukan kong muli makalapit kaso waley ang nangyari. "Where are you going, Maam?" striktong tanong ng bodyguard nito sa akin na nginitian ko. "I'll gonna use the comfort room over there." sagot ko sabay turo sa isang pinto na hinulaan ko lang. "The restroom isn't there, Maam. It's this way," sa sinabi niya ay kunwari napatutop ako ng bibig ko para pagtakpan ang kahihiyang mararanasan ko. "Oh, I'm sorry. I'm just new here kaya hindi ko alam. Thank you so much." nakangiting sambit ko at yumuko ng konti bago tumalikod papunta sa tinuturo niyang banyo. Pagdating ko sa CR ay hindi ko naiwasang pagalitan ang sarili sa harap ng salamin. "Tsk! Ikaw kasi Kasandra, bakit mo naman kasi naisipan na baka CR 'yon. Ayan tuloy, muntik ka nang mapahiya." nakasimangot kong sabi sa harap ng salamin at pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon. "Mission failed again!" nakabusangot kong sambit at itinukod ang dalawa kong kamay sa sink ng banyo. "Better luck next time, Kasandra. Sa susunod kasi galingan mo magpalusot." Hinugasan ko muna ang kamay ko bago ako tuluyang lumabas ng banyo. Habang papalabas ako ng restaurant ay hindi ko mapigilang hindi lumingon sa kinaroroonan nito. Napakaguwapo nito habang nakikipag-usap sa lalakeng nasa harapan nito. Makikita mo ang maawtoridad nitong awra habang nagsasalita. Nang mapalingon ito sa akin ay nagulat talaga ako. Pero kusa nalang sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi dahil sa pagtingin nito sa gawi ko. Sandaling pagtingin lang pero nagpasaya na sa araw ko. Sinisiguro ko sa susunod na makakalapit na ako sa kanya. "Kahit konting pagtingin, kung manggagaling sa'yo ay labis ko nang ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko." nakangiting kanta ko habang naglalakad na palabas ng testaurant. Hindi man ako nakalapit dito, masaya pa din ako dahil tumingin ito sa akin at nagawaran ko siya ng matamis kong ngiti. "Ayos na sa'kin ang ganoon. Next time, makakausap ko na talaga siya." desididong sabi ko at tumingin ulit dito. Napamulagat naman ang mata ko nang makita kong nakatingin pa ito sa akin. "Oh my god! Nakatingin pa si Baby Love sa akin." bulalas ko at napatalikod dahil sa kilig na nararamdaman ko. Inayos ko muna ang buhok ko bago ako humarap ulit dito para madismaya lang dahil hindi na ito nakatingin at busy na itong nakikipag-usap. "Assumerang froglets ka talaga, Kasandra." Nakasimangot na tuloy akong lumisan sa lugar kung nasaan siya. Lunch break namin, tumakas lang ako kina Ambhier at Zay. Kapag sinabi ko ang pupuntahan ko ay malamang sasama sila. Mas hassle pag ganoon dahil sa kadaldalan at kaingayan nila. Pumara na ako ng dyip at sumakay na dito kapagkuwan. Nang makarating ako sa school ay nginitian ko lang si Manong Rogelio at sinenyasang papasok na ako. Ngumiti naman ito pabalik sa akin kaya tumalikod na ako at dumiretso na sa room. Hindi ko nadatnan 'yong dalawa kaya naupo nalang ako sa upuan ko at nangalumbaba habang nag-iisip kung papaano makakalapit dito. Ilan pang sandali akong nakatitig sa kawalan ng may maisip ako. Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko nang maalala ko ang narinig ko mula sa secretary nito noong pumunta kami doon. "I know what to do! Ang bait mo talaga sa akin Papa God!" medyo malakas kong sambit at napangiti. Hindi ko alam na kanina pa pala ako pinapanood ng mga kaklase ko. Pagtingin ko sa kanila ay napa-peace sign nalang ako at nangingiting umupo ulit. Kunwari ay may kinukuha na akong gamit sa bag ko. Tuesday 'yon at friday na ngayon, ibig sabihin magkikita kami bukas. This time, I'll make sure na malalapitan ko na ito at makakausap. Awtomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko at nagsulat-sulat ng pangalan niya sa likod ng aking notebook. Napaigtad naman ako ng may marinig akong nagsalita sa aking tabi. "Nababaliw ka na ata, Kasandra. Nagsasalita ka na mag-isa ngayon. " tumatawang sabi ni Ambhier sa akin na ikinairap ko. "Sige, asarin mo ako." nagbabantang sabi ko dito at sinamaan siya ng tingin na mas tinawanan niya lang habang tinataas ang dalawa nitong kamay. "Chilllaax! Masyado kang hot, eh." tumatawa pa ding sabi niya at umupo na sa tabi ko. "Matagal na akong hot. Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan." seryosong sabi ko. "You're kidding right?" mapang asar pa ding tanong niya sa akin na ikinaharap ko sa kanya ng nakapamaywang. Aba! Ang loka-loka hindi naniniwala sa kahotan ko. "Is this face seems kidding to you?" sumeryoso akong tumingin dito na ikinailing niya. Halata mo naman sa mukha niya na nagpipigil pa din ito nang tawa kaya napanguso nalang ako. "Sige na, ilabas mo na 'yan baka kung ano pang lumabas na masama pag pinigilan mo pa." Pagkasabi ko niyan, bigla nalang itong napabulalas ng tawa habang nakatingin sa akin. Eh? Ang saya ng loka, grabe niya akong pagtawanan. May araw din itong babaeng ito, sinasabi ko sa inyo. Nang tumigil na ito, saka lang ako nagsalita para naman hindi nakakahiya sa kanya. "Tapos na? Ayos ka na? Pwede na akong magsalita?" sunod-sunod na tanong ko dito. "Oo na po. Bakit ba naman kasi nagsasalita ka mag isa? Halos lahat tuloy ng kaklase natin eh pinagmamasdan ka na. Nagtataka na nga sila kung sino kausap mo dahil mag isa ka lang namang nakaupo dito." sabi nito na ikinangiti ko ng maalala ko kung bakit ako napatayo at nagsasalita mag-isa. "Lemme guess, Kasandra..." nag iisip na sabi nito sa akin. "Si Baby Love mo na naman ang iniisip mo noh?" "Hindi ah," tanggi ko na ikinatingin niya lang sa akin ng hindi naniniwala. "Talaga lang ha," taas kilay nitong tanong sa akin. "Oo kaya." "Ay ganoon. So, marunong ka na magsinungaling sa akin ngayon?" nagtatampong tanong nito sa akin na ikinanguso ko. "Oo na, tama ka na. Kainis naman kasi, baka pag sinabi ko eh baka mapurnada na naman amg pagkikita namin." malungkot na sabi ko dito. "Bakit ba kasi hinahabol-habol mo si Baby Love mo?" takang tanong nito sa akin. "Andiyan naman si Clarence, guwapo, mabait, athlete of the year lagi. Wala ka nang ibang hahanapin pa sa kanya." "Wala nga akong maramdaman sa kanya. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya." lagi kasi nilang nirereto sa akin si Clarence. Botong-boto kasi ang mga ito sa kanya. Matagal nang nanliligaw si Clarence sa akin. Kahit ilang beses ko na itong binasted ay pursigido pa din ito sa panliligaw. "Bakit kasi hindi mo siya bigyan ng kahit konting chance." magtatanong na sabi nito sa akin na ikinailing ko. "Alam mong hindi ko ugali ang magpaasa ng tao. Masakit ang masaktan kaya ayaw kong paasahin siya sa wala. Sadyang matigas at makulit lang siya." sumusukong sabi ko. "He's my friend and I don't want him to get hurt because of me. Kaso paano mangyayari 'yon kung hindi maibabaling sa iba ang pagtingin niya." seryoso na ako this time dahil hindi ko na din alam kung paano ko siya pahihintuin sa panliligaw niya sa akin. Ayaw ko naman siyang iwasan dahil malapit ko siyang kaibigan at napakabait nito. "Yeah, you're right. But how can you make him stop?" tanong nito sa akin na ikinailing ko ulit. "Maybe, if someone gave him the attention he deserve. Kung sana may kakilala lang ako na may gusto sa kanya. I will make sure na magugustuhan siya ni Clarence. I guarantee her that." confident kong sabi dito at tumingin sa paligid. Malapit kong kaibigan si Clarence at gusto ko na habang maaga pa ay maibaling na nito ang pagmamahal niya sa tamang babae dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako 'yon. "I know someone," nakangiting sambit nito sa akin sabay ngisi nito ng nakakaloko. "I need to know who's that someone dahil siya ang makakatulong sa akin. Kaya huwag ka ng paligoy-ligoy pa diyan." umayos ako ng upo at isinandal ang likod ko sa likurang upuan dahil nangawit na talaga ako. Nagulat pa ako ng bigla nalang lumapit si Ambhier sa akin at may binulong. Itutulak ko na sana siya sa gulat ko kaso napatigil ako nang marinig ko kung sino ang sinasabi niya. "What the f**k! Huwag mo akong pinagloloko, Ambhier. Makakatikim ka sa akin." "I'm not joking, that's true kahit itanong mo pa sa kanya." nakangusong sabi nito sa akin at humalukipkip na tila nag iisip. "Isusumbong pala kita kay Inang, Kasandra." bigla nalang nitong sambit na ikinakunot ng noo ko. "At ano naman ang isusumbong mo kay Inang, aber?" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "You know that Inang hates to hear you cursed. Pero you just did it. Lagot ka!" sabi nito habang 'yong isang daliri niya ay nagsasabing lagot talaga ako. "Did I cursed?" nagtatanong na sabi ko dito or should I ask that to myself instead? Hindi ko namalayang nagmura pala ako ng hindi ko sinasadya. Nang tumango ito ay napalo ko nalang ang bibig ko nang paulit-ulit. Surely, magagalit talaga si Inang pag nalaman niya. " I didn't mean to. Huwag mo na sabihin dahil kasalanan mo 'yan. Ginulat mo ako diyan sa pasabog mong 'yan. Kailan pa? Bakit parang hindi naman?" nagtataka pa ding tanong ko dahil hindi naman kasi halatado dahil pag kasama namin siya, normal lang naman ang kilos nito. "Tanungin mo nalang siya, Kasandra. Baka kapag sa akin nanggaling baka hindi ko na alam kung anong kakahinatnan ko." umayos na ito nang upo dahil malapit na ring magtime. Napatingin kaming dalawa sa pintuan ng pumasok ang pinag uusapan namin kasama si Clarence. "She acts normal around him. Paano mo naman kaya mapapansin may gusto ito kay Clarence. The way I look, parang wala lang naman." bulong ko sa sarili ko dahil nagtataka talaga ako. Kung totoo man ang sinasabi ni Ambhier. Gagawin ko ang lahat para sumaya siya at mapunta sa kanya ang lalakeng mahal niya. If only I knew, matagal ko na itong ginawa. "Be ready, when Kasandra moves. It will surely goes." nakangiti nang sabi ko habang nakatingin sa kanila. Naglalakad na silang dalawa palapit sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD