Kasandra
"Heto na pala ang finalized na interview natin kay Mr Henderson. Idadaan ko nalang ito mamaya sa office nila." pagpapa-alam ni Mikaella sa amin na agad kong inikangiti. This is it! Makikita ko na si Baby Love ko.
Napatayo ako, "Puwedeng ako nalang ang mag-abot niyan sa kanya. No hassle done, hihintayin ko na din para walang problema." nakangiti kong presinta kay Mikaella na ikinatingin ng lahat sa akin.
"Naku! Malamang may kalokohan na namang nakapasok sa utak mo kaya ka nagpe-presinta." tumatawang sabi ng isa sa mga kagrupo namin na nginitian ko lang ng pagkatamis-tamis.
"Alam mo, Stephen. Ang mga magagandang tulad namin nina Mikaella ay hindi na kailangan pang mag-isip ng kalokohan. Sadyang magaganda na kami para sa mga ganyan." abot ang ngiting sabi ko dito at kinindatan pa si Mikaella.
"Hay naku, Kasandra. Ano na naman ba ang balak mo?" napabuntong hiningang tanong nito sa akin.
"Grabehan naman kayo. Nagpresinta na nga, ayaw niyo pa." kunwari ay nagtatampong sabi ko. " Kung ayaw niyo, sabihin niyo lang. Hindi naman ako mahirap kausap, eh. Nakakasakit naman kayo ng heart." umuupong sambit ko at yumuko nalang kunwari. Pero sa isip ko ay nagbibilang na ako. Alam ko namang hindi nila ako matitiis.
Naririnig ko pa ang mga bulungan nila na nagsisisihan. Natatawa nalang ako sa isip ko dahil alam ko na nakukuha ko na ang gusto ko. Nang magsalita ulit si Mikaella, kunwari hindi na ako interesado.
"Sige, ikaw nalang magdala." sabi nito at iniaabot sa akin ang folder pero hindi ko ito tinanggap. Siyempre magpapabebe naman ako ng konti para hindi nila isiping atat ako masyado.
"Hindi na, kayo nalang. Nakakahiya naman kasi sa inyo. Baka sabihin niyo pang nagmamagaling ako." malungkot kong pahayag at naglabas ng ballpen. Kunwari ay nagsusulat nalang ako sa aking notebook.
"Ikaw kasi Stephen! Kasalanan mo 'yan, nagtampo tuloy si Kasandra sa atin." paninisi ni Aly kay Stephen.
"Hala! Parang ako lang. Eh lahat naman tayo nagreact ah." pagtatanggol ni Stephen sa sarili niya.
"Hindi naman ako nagtatampo. Ayos lang talaga, kayo nalang ang magdala." nagfake ako ng ngiti sa kanila at umayos na ng upo.
"Sigurado ka?" paninigurado ni Mikaella sa akin na tinanguan ko na lang at hindi na umimik.
Nagsibalikan naman na sila sa upuan nila habang nagsisisihan sa nangyari. Nagulat nalang ako ng biglang may kumurot sa magkabilaan kong baywang.
"Ay! Potabels! Inaano ko ba kayo?" halos maisigaw ko 'yan sa gulat dahil sa gulat ko sa dalawang taong nasa magkabilaan kong tabi.
"Ay bongga ang pagpapaawa effect ni Ateng girl!" tumatawang asar ni Ambhier sa akin na sinegundahan naman ni Zay.
"Trueness! Tignan mo sila oh. Hindi na sila mapakali. Lalo na si Mikaella, tingin nang tingin dito. Ang galing mo talaga, Kasandra. PangFamas award ang peg mo." pag-iimporma nila sa akin na nginitian ko habang nakayuko para hindi nila mapansin ang aking pagngiti.
"Huwag kayo maingay! Pag ako nabuko, makakatikim kayo sa akin. Support nalang kayo para sa amin ni Baby Love ko." nakayuko pa ding sabi ko sa kanila at hindi na natanggal pa ang ngiti sa aking mga labi dahil alam ko na mamaya lang ay lalapit na si Mikaella sa akin. I'm sure of it. Tinawanan lang ako ng dalawa na siyang ikinairap ko sa kanila.
Nang dumating ang prof namin ay kanya-kanya na kami nang ayos at nag-umpisa nang makinig. Isang oras at kalahati din ang itinagal ng subject namin.
Nang matapos ang klase namin ay may thirty minutes break kami kaya nagkuwentuhan nalang kaming tatlo.
"Siyangapala, Kasandra. Makakasama ka ba sa amin this saturday sa mall?" tanong ni Zay na ikinatingin ko dito at napaisip.
"Hindi ko alam. Tanungin ko muna sina Ate kung may lakad kami o wala para naman hindi hassle pag pumayag ako." sabi ko sa kanila. Alam naman nila na kapag nagyaya sila ay kailangan ko munang icheck ang scheduke naming pamilya if may lakad ba o wala.
"Sige, basta sabihan mo agad kami ni Zay para naman malaman namin ng mas maaga." saad ni Ambhier habang may kinakalikot sa cellphone nito.
Maya-maya pa ay napatingin kami sa nagsalita sa harap ko.
"May lakad pala ako mamaya, Kasandra. Kaya ikaw nalang ang magdala nito kay Mr Henderson." nakangiting sabi nito sa akin at iniaabot ang folder.
"Okay," simpleng sagot ko sa kanya at ngumiti. Hindi nito alam na nagdidiwang na ako sa loob-loob ko.
"Sige, pag may tanong ka lapitan mo lang ako ha?" Nang tumango ako ay nagsimula na itong maglakad pabalik sa kinauupuan niya.
"I'm coming with you!" impit na sigaw ni Zay sa akin na ikinamulagat ko dito at pasimpleng tumingin kina Mikaella. Nang makita kong abala na ito sa ginagawa niya ay nagsalita na ako at ngumiti.
"I told you," sobrang saya ko dahil alam ko na makikita ko na siya without faking a document para pirmahan nito.
"Sayang at hindi ako makakasama. Dad told me to go home early dahil my family dinner daw kami. Kainggit naman," malungkot nitong sabi sa amin.
"Ayos lang 'yan, Ambhier! Ikikindatan ka nalang namin kay Baby Love niya." excited na bulalas ni Zay kay Ambhier na sinimangutan lang ni Ambhier.
Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang prof namin kaya nanahimik nalang kami at nakinig. Excited na akong matapos ang klase para mapuntahan ko na at masilayan ang guwapong mukha ng Baby Love ko.
Aral dito, lunch dito, aral ulit, hanggang matapos ang maghapong klase namin. Kinakabahan man sa muling pagkikita namin ay nilulukuban na ito ng saya. Hindi na ako nagpasundo dahil alam ko namang may sasakyang dala si Zay.
Pagtapak namin sa loob ng building nila ay nagtanong muna kami. Nang sabihin nila kung nasaan ang opisina nito ay pupunta na sana kami nang patigilin kami ng babaeng receptionist at sinabing isa lang amg puwedeng pumasok. Wala namang nagawa si Zay kaya naiwan nalang ito sa may waiting area habang ako naman ay masayang naglalakad papunta sa Baby Love at Hercules ng buhay ko.
Pagbungad ko ay secretary nito ang aking nadatnan.
" Excuse me, Maam. How may I help you?" bungad na tanong nang secretary nito sa akin.
"I'm here to see, Mr Henderson." nakangiti kong sagot.
"Do you have an appointmemt with him today, Maam?" Umiling ako dito. "I'm sorry but I just can't let you in without any appointment. I can set it if you can wait."
"Hindi naman po ako magtatagal. Ipapabasa ko lang po ang finalized na interview niya sa amin para po malaman namin if okay na lang po ito sa kanya. It will not take long, puwedeng pakisabi naman po." pakiusap ko dito.
"Okay just a minute." sambit nito at tumayo bago pumasok sa isang pinto.
Paglabas nito ay nakangiti na itong humarap sa akin.
"You may come in, Maam." pag-iimporma niya sa akin na ikinangiti ko at nagpasalamat.
Kinakabahan na ako habang naglalakad papasok. Tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ko siyang nakaupo sa swivel chait niya at busy na nagbabasa. Lumapit pa ako ng kaonti dito at ipinaskil ko sa aking labi ang pinakamatamis kong ngiti.
"Good morning, Mr Henderson." bati ko na ikinatingin niya sa akin. Tumalon naman ang puso ko nang tumitig ito.
"Good morning too." walang emosyong bati din nito pabalik.
"Here's the finalized copy of the said interview and we would like you to read it and tell us what you wanted to disregard." nakangiting pahayag ko dito. Inabot niya lang ang folder at hindi na nagsalita pa. Ni hindi na nga siya nag abalang paupuin ako.
"Ungentleman pala si Baby Love. Minus points, sayang ang kaguwapuhan. Wala man lang awa sa mga magagandang babae na tulad ko." bulong ko habang nakatayo at tinitignan itong nagbabasa. Napapitlag ako ng bigla nalang itong tumingin sa akin at kunot noong nagtanong.
"You asked me about my whereabouts because you told me you will be placing it on the frontpage. But I supposed, you lied." seryosong sabi nito na ikinalunok ko. Holy s**t! Nakalimutan ko ang tungkol doon.
"Oh... Our bad, I'm sorry about that Mr Henderson. Maybe our editor forgot to pin it there." palusot ko nalang kahit alam ko namang hindi ito bebenta sa kanya.
"Is that so?" taas kilay niyang tanong sa akin na sinagot ko lamang ng ngiti dahil out of words ako. Ang tanga ko lang kasi, kung bakit ba naman kasi kinalimutan ko pa ang tungkol doon. "This is way better." saad na nito at ibinalik na nito sa akin ang folder. "Next time, if you flirt. Try to stand on it. I must say your good but not interested on you." inismiran niya ako kaya napataas ang aking kilay.
Ouch naman! Grabehan talaga itong si Baby Love ko. Flirting agad, "Thank you Sir for the time. Don't worry, I will bring it back once your requested is done." nakangiti kong sabi dito at inismiran ito bago nagsalita ulit. " And oh by the way, Baby Love. I'm not yet starting on flirting you. If I flirt..." I paused then smile, "...I make sure that you will fall for me very hard."
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito sa mga sinasabi ko. He's messing with me at hindi ako magpapatalo dito. Ako pa? Walang saysay na naging ako si Kasandra Macabagbag kung magpapatalo lang ako.
"That wont happen, Lady." inismiran niya ako saka ito umiling. Lumapit ako sa table niya at itinukod ang dalawa kong kamay dito bago inilapit ang mukha ko sa kanya at nagsalita.
"Is that so..." I tease him and flip my wavy hair and let my left shoulder exposed. Nakita kong napatingin ito dito kaya napangiti nalang ako. "See... that's simple, but you look. Try harder next time, Baby Love."
Tumayo na ako at naglakad na palabas pero bago pa man ako lumabas ay nginitian ko na ito at nagpaalam.
"I got to go, Baby Love. Thank you for the time and till next time." nakangiting paalam ko dito at kinindatan pa siya bago ko binuksan ang pinto at umalis. Pagkalabas ko ay saka ko inilabas ang kaba sa aking dibdib by inhaling and exhalling.
"Diyos mio! Akala ko hihimatayin na ako nang magkalapit ang mukha namin." mahinang bulalas ko bago pinakawalan ang hangin sa aking sistema. Napangiti ako nang maalala ko ang kulay abo niyang mga mata at mapipula nitong labi. "If only I could kiss that damn kissable lips." bulong ko ulit bago naglakad at nagpaalam sa secretary nito.
Magpapaalam na sana ako ng may kausap ito sa phone kaya naghintay ako sandali.
"Yes Sir, Saturday, South Mall, 10 o'clock." sabi nito sa kausap, nakikinig muna ito habang nagsusulat. Nang maisulat na nito ay nagsalita na ito. "Okay, sir. I will tell Mr Henderson about it. He will surely be there. Thank you and have a good day ahead." Nang maibaba na nito ang telepono ay nagpaalam na ako dito at umalis na.