Chapter 3

1591 Words
Kasandra Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Ate Katherina na nagdidilig ng halaman. Mula sa mansiyon ng mga De La Torre ay isinama kami nina Ate at Kuya Marco na lumipat sa bahay nilang mag-asawa. Lumapit ako kay Ate at humalik sa pisngi nito. "Magandang hapon, Ate." "Oh, bakit nakabusangot ata ang mukha ng bunso namin?" takang tanong nito na mas lalo kong ikinasimangot dahil naalala ko na naman si Baby Love. "Eh, paano ba naman kasi Ate. May nakilala akong napakaguwapong nilalang. Sobrang guwapo niya, Ate." pagkukwento ko, nagulat nalang ako ng patayin nito ang gripo at kumapit sa aking braso at hinila niya ako paupo sa malapit na upuan. "Talaga? Mas guwapo pa sa Mahal ko? Dali! Kuwentuhan mo si Ate!" excited na sabi nito. "Hindi ah! Mas guwapo kaya si Kuya Marco. Walang-wala siya kay Kuya kasi napakasungit niya, Ate. Sobrang  sungit. Dinaig niya pa ang may regla." nakasimangot na kuwento ko pero nang maalala ko ang guwapo nitong mukha ay napangiti ako. "Aba! Nababaliw ka na ata, Kasandra! Kanina nakasimangot tapos ngayon nangingiti na. Baka kulang lang sa tulog 'yan." asar nito sa akin na ikinanguso ko dito. Napatawa naman siya sa ginawa ko. "Pero Ate, sobrang guwapo niya. Papasa na siyang Hercules sa buhay ko Ate. Pak na pak!" Mas natawa ito dahil tumayo pa talaga ako at pinalo ang hita ko sabay kindat dito. Sabay kaming natawa nang makaupo na ako. "Pero alam mo Ate." inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Ate. "Hindi ko alam kung bakit hindi na siya mawala sa isip ko. Ang guwapo nitong mukha, ang pagsimangot niya, ang pagtaas nito ng kilay. Alam mo 'yon Ate..." sabi ko at tumingin sa kanya. "Aba, Kasandra! Hindi ko alam 'yan. Hindi mo pa nga sinasabi sa akin, eh. Sabihin mo muna para malaman ko." nakataas ang dalawa nitong kamay na parang sumusuko bago tumawa. "Ate naman eh," maktol ko dito. "Panira ka naman ng moment. Oo ka nalang dapat ng oo para bati tayo." lambing ko dito. "Hindi naman ata pwede 'yon, Kasandra. Paano kung binebenta mo na pala ako? Alangan namang oo pa din ako ng oo?" Natutuyuan na naman ako ng utak sa mga sagot ni Ate sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako bago ulit humilig sa kanyang balikat at nagsalita. "Ate?" patanong na tawag ko. "Bakit, Bunso?" agad na sagot nito at hinaplos ang mahaba at alon-alon kong buhok. "Parang tinamaan na ata ako kay Baby Love." nagulat ako nang ilayo niya ako at tignan ang aking katawan. "Saan ka tinamaan, Kasandra?" nag-aalalang tanong niya sa akin sabay tingin niya sa buo kong katawan. "Sabihin mo kung saan?" Tuluyan na akong natawa kay Ate. "Hay naku, Ate Katherina. Wala ka talagang pagbabago. Diyos ko! Nakapag-asawa ka na Ate, tama na." umiiling na sabi ko dito dahil malapit na akong bumunghalit nang tawa dahil sa kanya. Pinamaywangan niya ako, "At anong ibig mong sabihin, ha?" sinadya nitong pagdikitin ang dalawa nito kilay at tumayo sa harapan ko. Iniumang na nito ang dalawa nitong daliri kaya napailing-iling nalang ako habang umaatras dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. "Waaaahhhh! Ate! Ayoko niyan!" sigaw ko dahil sa aming lahat, ako ang may pinakamalakas ang kiliti. "Andiyan na ako, Kasandra! Niloloko mo si Ate, ha? Puwes paparusahan ka ni Ate!" sigaw nito at akmang lalapit na sana sa akin pero agad akong nakatakbo habang sumisigaw. "Inang! Inang! Si Ate! Tinotopak na naman!" sigaw ko habang mabilis pa ding kumakaripas nang takbo. Ramdam ko namang malapit na si Ate kaya natatawa nalang ako habang sumisigaw. "Inaaaannnggg!" huling sigaw ko nang dakmain na ako ni Ate nang kiliti sa may bewang. "Bad ka, Kasandra. Sinong tinotopak ha? Heto ang sa'yo." sabi nito sabay kiliti ulit sa akin. Nakahiga na ako sa may tapat ng bahay habang ito ay nasa tabi ko at kiniliti ako. "A-te, ta-ma na." halos hindi ko na maibigkas ang pagpapatigil ko kay Ate. Nang tigilan niya ako ay halos nakahiga na kaming pareho sa semento. Nang magtinginan kami ay napahagalpak nalang kami ng tawa dahil sa hitsura naming dalawa. Sakto namang pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang nagmamadaling Inang at Kuya Marco. "What happened, Mahal ko?" nag-aalalang tanong nito at inalalayang makatayo si Ate habang si Inang naman ay tinulungan akong makatayo din. "Wala, Mahal ko. Si Kasandra kasi, sinabi niya kasing tinotopak ako kaya ayon, binigyan ko nang parusa." sumbong nito kay Kuya Marco na ikinangiti naman ng huli. "Siya, tama na 'yan. Pumasok na kayong dalawa at magbihis kayo. Dinaig niyo pa ang floormat. Ginawa niyong basahan ang mga damit niyo. Magsibihis na," utos ni Inang na agad naming sinunod. Pero bumalik ako kay Inang dahil nakalimutan kong magmano dito. Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil idadaan ko pa ang baon ng mga  anak ni Manong Rogelio. May driver namang naghahatid sa akin kaya hindi hassle sa akin. Bago pa mag alas siyete ng umaga ay nasa classroom na ako. Pagpasok ko sa loob ay binati ako ni Zay. "Morning, Kasandra!" masiglang bati niya sa akin na ikinangiti ko. "Morning din! Hindi ka ata pumasok kahapon?" tanong ko dito na ikinasimangot niya. Siya po ay isa sa matalik kong kaibigan bukod kay Ambhier. Siya si Zay Ramillano, katulad ko ay maganda din ito. Mabait, laging nasa list ng tops, katulad ko ay makulit din ito at may pagkakalog. Siya at si Ambhier ang bestfriends ko mula nang lumipat ako dito tatlong taon na ang nakakalipas. "Paano naman kasi si Mommy, na-enjoy pa ang pag-iistay niya sa resthouse namin sa Zamboanga. Ayon kahapon lang kami nakauwi." pagpapaliwanag nito sa akin. "Buti ka pa may pavaca-vacation every weekend. Namimiss ko na nga ang probinsiya namin kaso puro kami busy." saad ko dito. "Siguro maganda doon sa inyo, noh?" curious na tanong nito sa akin at umupo na ako sa tabi niya. "Sobra! Napakatahimik doon, 'yon nga lang ay napakadaming mga bubuyog na naglipana." napasimangot ako ng maalala ko ang mga kapitbahay naming walang magawa kung hindi ang mangialam sa buhay ng iba. "Bubuyog? As in bee, talaga? Ka-scary naman sa inyo." natatakot na sambit nito sa akin na ikinatawa ko. "Shunga! Hindi literal na bubuyog ang sinasabi ko." tumatawang sabi ko dito na ikinakunot niya ng noo. "Eh, sabi mo bubuyog tapos ngayon hindi naman pala. Ako ba'y pinagloloko mo, Kasandra Macabagbag?" taas kilay nitong tanong sa akin na ikinairap ko. "Buong pangalan talaga ang itawag pag nagtatanong? May Kasandra na nga pati apelyido sasambitin pa. Hmmmp!" irap ko dito. "Eh, ikaw naman kasi. You told me about bees then it's not them. Eh ano ba kasi?" naguguluhan nang tanong nito sa akin at nangalumbaba. "Ang sinasabi ko ay mga tsismoso't tsismosa sa amin. Mga taong mahilig mangialam sa buhay ng may buhay. Ganoon!" paliwanang ko dito na tinangu-tanguan niya lamang. "Oh I see, now I know. Siyangapala, kumusta ang pag-iinterview niyo doon sa business partner ng Daddy ni Mikaella?" tanong nito na ikisimangot ko. "Oh em gee! Don't tell me na ugly duckling 'yong ininterview niyo?" "Hindi ugly duckling si Baby Love ko, noh." irap ko dito na ikinamata niya. "What the! Baby Love?!" nagtatanong na sigaw nito na ikinatakip ko ng aking tenga. "Aray! Ano ba! Tone down your voice. Andito lang ako, oh, inches lang ang layo natin tapos makasigaw ka." sinamaan ko siya ng tingin na ikinapeace sign nito sa akin at kumapit sa aking braso. "Sorry naman, Kasandra. Dali magkuwento ka na about doon sa Baby Love na sinasabi mo." lambing nito sa akin at nginitian ako. Nawala tuloy ang inis ko at napalitan nang saya nang maalala ko ang super duper niyang guwapong mukha. "He's my Hercules, Zay." halos magkorteng puso na ang mata ko nang sabihin ko ito sa kanya. "Siguro, sobrang guwapo niya, Kasandra. Knowing you? Mahirap kang umappreciate ng guwapo. Pag sinabi mong super gwapo, I must say na talagang guwapo nga ito." nakangiting sabi nito sa akin na tinaguan ko. "Oh my God! I wanna meet that Baby Love of yours. Can't wait!" masayang sabi nito at pumapalakpak pa. "Hindi ko nga alam kung paano ko ulit siya makikita. Paano ko naman daw ipapakilala sa'yo. Saka pinaglihi 'yon sa ampalaya dahil ang bitter ng buhay niya." namomoblemang sabi ko dito na ikinalungkot niya at napahinga nang malalim. Nangalumbaba ako sa mesa ko habang nakatingin kay Zay. "Eh kung puntahan natin sa office niya?" suhestiyon nito. "Kung ganoon lang sana kadali. Kaso anong sasabihin mo pag pumunta ka doon?" tanong ko. "Ay oo nga noh?" nagkakamot ng ulo na sabi nito sa akin at nag-isip ulit. "Eh kung kunin natin yung nafinalize na interview at gumawa tayo ng kunwaring papeles na pipirmahan niya? Para may pak na reason tayo para makita ito." Napangiti agad ako sa sinabi niya at napaayos sa aking pagkakaupo. "You are truly my bestfriend! Ang galing mo talaga, Zay. You're the best! Ngayon, ikaw nagsuggest kaya dapat ikaw ang gumawa." nakangiti kong utos dito na ikinakamot niya ng ulo. "Ganern? My mind thinks then I'll be in control? Aba! Diba Baby Love mo 'yon? Eh di dapat ikaw ang gumawa." nakangusong sabi nito sa akin kaya iniumang ko ang gunting sa harap niya dahil napakahaba ng kanyang nguso. "Kaya mo na 'yan, Zay. Baka pag ako gumawa niyan, malamang sa malamang ay aabutin tayo ng taon." nginitian ko na ito at pinisil pa ang kanyang pisngi. "Ang cute talaga ng bestfriend ko." pambobola ko sa kanya. Hindi naman sa hindi ko kayang gumawa. Sadyang tinatamad ako ngayon dahil napuyat ako kagabi kakaisip kay Baby Love ko. Nang pumayag na ito ay kusa na akong natahimik. Hinayaan ko na itong magbasa ng libro. "Iniisip niya din kaya ako? Dahil ako?  Simula ng makita ko siya ay hindi na siya nawala sa isip ko." mahinang bulong ko sa sarili ko at nangalumbaba ulit sa aking mesa habang pinagmamasdan si Zay na nag-umpisa ng magbasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD