Kasandra
"Oh my God! Ang guwapo!" nakatulalang sambit ko habang nakatitig sa nilalang na nasa aking harapan.
"Excuse me? Shall we start the interview?" seryosong tanong nito kay Mikaella na agad nitong sinang-ayunan.
"Sure, you can sit at my Dad's chair." turo nito sa upuan ng Daddy nito. Kung hindi pa ako siniko ni Ambhier ay malamang nakalutang pa din ako sa alapaap until now.
"Gaga! Wala ka sa ere para i-feel na lumulutang ka! Umayos ka, Kasandra. Kanina pa magkasalubong ang kilay ni Mr Sungit sa'yo." bulong ni Ambhier sa akin.
"I don't care, Ambhier. As long na matitigan ko siya in person ay wala akong paki. Baka tipo niya din ako kaya kanina pa hindi maalis ang tingin nito sa akin." sambit ko,
"Hay naku ka, Kasandra. Bahala ka diyan. Heto pala ang questionaire natin, may pangalan ka diyan at kailangan mong hintayin ang turn mo para magtanong. Umayos ka," paalala nito sa akin.
"Opo, mahal na Reyna. Ako na po ang bahala." nagde-daydreaming na sabi ko dito na ikinakurot niya sa aking bewang.
"Ay putik ka naman oh! Ang sakit!" sigaw ko at humarap kay Ambhier at akmang hahampasin na sana ng folder na hawak ko nang magsalita si Mr Handsome.
"What's the commotion over there?" tanong nito kay Mikaella habang nakatingin sa akin na may kunot ang noo.
Nakita kong nakamata silang lahat sa akin kaya napapeace sign ako.
"Kese nemen eh, eng seket keye ng keret me, Ambhier." pabebe kong sabi na ikinatawa ng mga kaklase ko.
"Kasandra naman eh, umayos ka. Nakakahiya kay Mr Henderson." seryosong sabi ni Mikaella sa akin na ikinangiti ko.
"Sorry naman," sambit ko at nagpeace sign dito bago tumingin kay Mr Handsome at kumindat dito. Nakita ko pa ang mas lalong pagkunot ng noo nito kaya ibinaling ko na ang mata ko sa questionare. Baka hindi kasi ito magpainterview eh mahirap na.
Bago kami nagstart ay pinakilala muna kami isa-isa ni Mikaella.
"First and foremost, Mr Henderson. We would like you to meet my co-classmate. This is Mae Joy," turo nito sa katabi niya. "Stella, Grace, Mhae, Stephen, Clyde, Aly, Ambhier, Kasandra and yours truly, Mikaella." pagpapakilala nito sa amin. Tinignan niya lang kami isa-isa na para bang wala lang then umupo na siya sa upuan at nagde kuwatro pa.
"Hindi man lang kami nginitian. Sungit naman," mahinang bulong ko sa sarili ko saka tumingin dito na busy nang nagbabasa sa papel na hawak nito.
"So, I'm Alexander Lucas Henderson and pleased to meet you all. You can start your interview, but I will not answer queations if I don't want to. Get it?" habang sinasabi niya ito ay nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Yung siguradong hindi niya makakalimutan. Napasimangot naman ako ng taasan niya lang ako ng kilay.
"Napakasungit talaga," nasabi ko nalang sa sarili ko at umupo nalang dahil parang wala akong mapapala sa pagpapacute ko sa kanya. Mag-iisip muna ako ng iba pang strategy. Napangiti ulit ako dahil sa naisip ko.
Nagsimula nang magtanong ang mga kaklase ko. We have three questions per person at dahil kami nina Ambhier, Aly at Mikaella ang nahuhuli ay tig apat kaming questions. At dahil nga makulit ako at gusto kong makagawa ng paraan na mapansin niya ay nagpahuli akong magtanong.
"Mikaella," mahinang tawag ko dito na ikinalingon niya sa akin habang pinapakinggang sumagot si Mr Sungit.
"Bakit?" takang tanong niya sa akin na ikinalapit ko at ibinulong ang gusto kong mangyari.
"Ako nalang ang huling magtatanong kay Mr Sungit. Sige na," sabi ko dito na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit kailangang ikaw ang humuli, Kasandra? Ano na naman ang binabalak mo?" tanong nito sa akin at tinignan ako ng may pagbabanta.
"Wala akong balak, Mikaella. Gusto ko lang na ako ang huli. Saka pag nagrereport naman tayo ay ako talaga ang closing, diba?" pagkukumbinsi ko dito. Napansin ko naman na tila nag-isip ito kaya napangiti nalang ako.
"Okay sige, basta siguraduhin mo na walang kalokohang tumatakbo sa utak mo ngayon, Kasandra. Kung hindi malalagot ka talaga sa akin." banta nito na ikina-approve sign ko at bumalik na sa aking pagkakaupo.
Napangisi nalang ako nang mabuo sa isip ko kung ano ang mga dapat kong itanong. "Hmmmp! Ewan ko nalang kung hindi mo ako pansinin." nakangising bulong ko habang nakatingin sa seryosong nagsasalita sa harapan namin.
Nakikinig lang akong mabuti sa mga kaklase ko at kay Baby Love na sumasagot. Nang mapaisip ako sa itinawag ko dito ay napangiti ako.
"Not bad, Baby Love suits him very very well." mahinang bulong ko at ngumiti dito nang magtama ang paningin namin. Nang tinaasan niya ako ng kilay ay nginitian ko lang ito ng mas matamis pa sa asukal. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano nang kunutan niya lamang ako ng kanyang noo. Ang gwapo niya kasi kahit na ano pa ang hitsura niya.
Nagulat nalang ako ng sikuin ako ni Ambhier. "Hoy mahaderang froglets! Lumalandi ka na naman diyan." mahinang sabi niya sa akin na ikinatawa ko ng mahina at bumulong din dito.
"Huwag ka maingay, baka marinig ka ni Baby Love magalit pa 'yan." nakangiting sabi ko na ikinatawa niya talaga. As in literal na tawa, 'yon bang napatingin silang lahat sa kanya ng nagtatanong tapos gustong ipashare kung ano ang tinatawanan niya. Ganoon!
At dahil diyan ay nakatanggap siya sa akin ng isang masakit na batok. "Nyeta ka! Papahamak mo pa ako."
Parehas kaming napatingin sa tumikhim sa harapan namin. Nakita naming nakatayo na si Baby Love ko sa upuan niya at si Mikaella naman ay nasa harapan na namin.
"What is it this time, Ambhier?" nagtatanong na sabi ni Mikaella kay Ambhier. Nakita ko namang napatingin muna siya sa akin at humihingi ng permiso kung sasabihin niya ba ang usapan namin. Nang mulagatan ko siya ay napakamot nalang ito ng batok.
"Ah-eh ka-si, naalala ko 'yong nakakatawang joke ng katulong namin kahapon. Ayon! Ayon nga!" pumipitik pa niyang sabi kay Mikaella na ikinahinga ko nang malalim. Napatingin kaming tatlo sa harap ng magsalita si Baby Love ko.
"Let's continue the interview. I have some important things to do after this." sambit nito at umupo na sa kinauupuan niya.
"Okay, since tapos na kaming lahat. Ikaw na ang huling magtatanong." sabi ni Mikaella pero bago ito bumalik sa upuan niya ay binilinan niya muna ako. "Katanungan, Kasandra ha hindi kalokohan." paalala nito na hindi ko pinakinggan at nginitian ko lamang ito.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magtanong. Four personal questions are not bad at all. Siguro naman ay sasagutin niya rin ito.
"How old are you?" diretsang tanong ko dito. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatuon silang lahat sa akin na tila ba sinasabing "Anong kalokohan na naman 'yan, Kasandra?". Hindi ko sila pinansin at diretso lang na nakatingin kay Baby Love.
"Is that supposed to be connected on that interview?" halos mag-arko na ang kilay niyang nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya bago sumagot.
"Of course, Mr Henderson. How are we gonna complete the interview if we aren't know how old are you. From where you are? If your single or married. We will be writing it down on our first page. Any question, Mr Henderson?" nakangiting pahayag ko dito na sinang-ayunan naman nilang lahat. See? Ang galing ko talaga.
Nakita ko namang napabuntong-hininga nalang ito at tumingin ng tagos sa akin bago nagsalita.
"What question am I supposed to answer first?" iritadong tanong nito sa akin pero hindi ako nagpaapekto.
"If you are in such a hurry." kibit balikat kong sabi dito bago itinuloy ang sasabihin. "You can answer it simultaneously if you can."
Nakita ko ang pagbaga ng mata niya sa akin. Napalunok nalang tuloy ako dahil sa kagagahan ko. It should be a joke. Bakit ba kasi pag inenglish mo ay hindi na ito magmumukhang joke. Kainis naman kasi, eh.
"I don't feel like I want to answer that. It's my condition that if I don't..." he paused and look at me with a smirk in his face. "I don't. Next question." sambit nito na ikinairap ko sa kanya.
"Eh di palitan ang tanong." mahinang bulong ko sa sarili ko bago lumingon dito wearing my sweetest smile. "So, may I change the question. Are you a bachelor in town?"
Napanganga naman ang mga kaklase ko sa klase ng tanong ko. Eh ayaw niyang sagutin eh di rephrase nalang.
"You can say that. Next," maiksing sagot niya.
"Where can we find you just in case we need to clarify things about the interview? Except for the office," pahabol na tanong ko.
Tinaasan niya muna ako ng kilay bago ito sumagot. "High tower Condominium."
Napakaiksi naman nitong sumagot. Kaloka! Hindi kaya obvious pag itinanong ko ang room number? Ay baka sabihing sumosobra na ako.
Huminga ako nang malalim bago nagtanong ulit. "What is your ideal girl?" nakacross finger akong nagtanong dito baka kasi idisregard niya na naman at ayaw sagutin.
"Someone that has some sense of humor and not annoying." naghintay pa ako kung may susunod pa siyang sagot pero nadismaya nalang ako dahil tahimik na ito. Malungkot na akong nagtanong sa huling katanungan dahil may umahon na inis sa loob ko. Nirelate ko na ito sa subject ng interview para naman wala siyang masabi.
"What can you say about the life changing world in business ventures?" seryoso nang tanong ko at hinintay ko ang isasagot niya.
Nakaantabay lang ang ballpen ko sa notebook habang hinihintay itong magsalita. Hindi ko na rin ito tinignan dahil nakakapagod itong iplease. Nang magsalita na ito ay isinulat ko na agad hanggang sa matapos na ito sa pagsasalita.
"So, this is the end, Mr Henderson. Thank you so much for your cooperation. We will just send you the official statement for you to confirm." pasasalamat ko dito at tumayo na.
Walang lingon-likod akong naglakad, naririnig ko pang nagpapasalamat ang mga kasama ko pero ako? Dumiretso lang ako sa pintuan at lumabas. Ganyan ako mainis.