Kasandra Pabagsak akong umupo sa higaan dahil sa pagod namin maghapon. Hindi ko aakalaing ganoon pala katagal ang maglakad ng mga papeles. Hinayaan ko lang si Baby Love ang nakikipag usap. Kung kailangan ako saka lang ako sasabat. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nito para maprocess agad lahat ng kailangan namin. Kinabukasan na agad ang kasal namin. It will be a secret marriage for us. Wala muna dapat makaalam hangga't hindi namin pinag uusapan ang tungkol dito. Virginity is sacred for me and for Inang. Maiintindihan naman siguro ni Inang ang pagiging marupok ko. Hindi naman ako nagsisi sa pagpapaubaya ko dahil papakasalan niya naman ako bukas. Yes, bukas agad ang kasal namin. Hindi ako makapaniwala na nagawa nitong lakarin lahat para sa kasal namin and nai-set niya din ito kinaumagaha

