Kasandra Isang simpleng kasal lang ang naganap sa pagitan namin ni Baby Love. Si Mayor at dalawang witnesses lang na nagtatrabaho din sa munisipyo ang kasama namin. Hindi man magarbo sa ngayon ang kasal namin ay kontento na ako. Dahil alam ko na hindi na kami magkakahiwalay pa kahit na anong mangyari. Kahit pa humadlang ang tatay nitong ewan. Too late for him dahil ikakasal na kami at madadala ko na ang apelyido nito. Nang magsimula ang seremonyas nang kasal, nakatingin lang kami sa isa't-isa habang nakangiti at pinapakinggan ang sinasabi ng Mayor sa amin. The ceremony didn't last an hour. Mabilis lang itong natapos kumpara sa kasal na ginaganap sa loob ng simbahan. No veils to put, no candles to light and especially, no cords that can choke us to death. Natawa ako sa naisip ko, maka-c

