KINAKABAHAN si Joy habang patungo sa administration building. Hindi niya alam kung ano ang aasahan habang patungo sa opisina ng presidente. Bago magsimula ang ikalawang klase niya para sa umagang iyon ay sinabihan siya ng propesor niya na ipinapatawag siya sa opisina ng presidente ng eskuwelahan. Alam niyang may kinalaman si Joshua sa pagpapatawag sa kanya. Sana ay ang nobyo lamang ang madatnan niya roon. Sana ay may magandang sorpresa lamang ito para sa kanya. Pilit na hinihiling niyang sana ay ganoon nga dahil ang totoo ay hindi maganda ang pakiramdam niya. Tila may hindi magandang mangyayari sa kanya. Iba ang kabang nararamdaman niya. Tila siya malalagutan ng hininga sa sobrang kaba. Pagdating sa palapag ng opisina ay kaagad na sinabihan siya ng sekretarya ng

