16

2221 Words

“YOU’VE been avoiding me.”         Hindi makatanggi si Joy sa akusasyon na iyon ni Joshua. Magkasama sila sa loob ng sasakyan nito. Halatang inabangan siya nito nang hapong iyon.         Nitong huling dalawang araw ay iniiwasan talaga niya ito. Hindi iyon dahil nais niyang sundin ang kagustuhan ng lola nito kundi nais lamang niyang mag-isip-isip muna sandali. Nais niyang tantiyahin ang sitwasyon at palipasin na rin ang sama ng loob niya. Hindi rin kasi niya alam kung paano pakikiharapan si Joshua pagkatapos ng pag-uusap nila ng lola nito. Kung hindi pa nito alam ang tungkol doon ay ayaw niyang siya ang magsabi rito.         “I know what happened,” sabi ni Joshua nang hindi siya tumugon sa unang sinabi nito.         Napatingin siya rito. “Ano’ng nangyari?” patay-malisyang tanong niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD