HINDI maipaliwanag ni Doña Alicia Agustin ang nadaramang inis habang isa-isang tinitingnan ang mga larawang ibinigay sa kanya ng inupahan niyang tao upang sundan-sundan ang apong si Joshua. She couldn’t find the right words to explain what she was feeling. She felt like bursting with irritation and frustration. Ang aking paboritong apo. What happened to my Joshua? God, what kind of girl is this? Ni minsan ay hindi niya ikinaila na paborito niyang apo si Joshua. Mahal din niya ang dalawa pa niyang apo ngunit palaging nakakaangat si Joshua. Ito ang kanyang unang apo. Kung gaano niya minahal ang ama nito, triple ang ibinigay niyang pagmamahal kay Joshua. Mula nang ipinanganak ito, alam na ng lahat kung gaano ito kaespesyal. Nakakaangat ito sa iba, sa lahat. Hindi la

