(Daniel’s POV) Kitang-kita ko sa mukha niya yung pagkalungkot nang nahatulan ko na yung aking sinundo. “Mukhang mali yata ang iyong hula?” Pang-iinis ko sa kaniya. Lumingon siya sa bangkay ng matanda at ngayon ay ibinaling ang kaniyang atensyon sa akin. Tumakbo siya at pinili kong hindi gumalaw. Panay suntok niya sa aking mga balikat habang dinig ko ang pag-iiyak niya. “Bakit mo iyon ginawa?” Hindi pa rin siya tuitigil sa ginagawa nito. Palakas nang palakas ang init sa aming paligid. Mahinahong sabi ko sa kaniya nang sumadal na siya sa akin. “May mga bagay na hindi mo talaga maiiwasan.” Sabi ko. Yung kamay niya ay nasa mga balikat ko. “At hindi ikaw ang siyang gagawa nang kapalaran para sa iba.” Pangaral ko pa. Marahang sabi ko naman, “umalis ka na.” Inangat niya ang kaniyang mukha sa

