(Daniel’s POV) Napatulala ako sa ginawang ito ni Emmy. “Naririnig mo ba ako?” Pagsasalita niya pa. Nang akma ko siyang hawakan ay biglang nasipagdatingan ang mga tao. Ngumiti pa ito sa akin. “espresso lang sa akin.” Nahihibang na talaga ang babaeng ito. Yumuko at muling nagmaangmaangan na parang wala kaming ginawa kanina. “Masusunod po Ma’am.” At agad kong hinain yung kaniyang gusto. Nagpakwela naman ito na ikinainis ko naman. “Pwede ba iyan lagyan ng itlog?” Sabay taas niya pa ng kaniyang mga kilay. Kinuha ko ang bayad niya, inilapag ang inorder nito at inusog papunta sa kaniya. “Nasubukan mo na ba iyan Ma’am?” Hindi pa rin siya tapos na inisin ako. “Gusto kong subukan iyon kasama ka.” Hindi ko naman napigilang hindi mainis sa babaeng ito. Kaya inilapit ko ang sarili ko sa kaniya. “

