Tanong namang ng isang Pilipinong nakakita kay Daniel. “Maayos ka lang ba?” Napatingin naman ang binata sa kaniya. Pagsisinungaling pa nito. “Ah oo ayos na ayos lang po ako.” Ganoon pa man ay nakikita ng dumaan ang mukha ng binata na namumutla. “Hali ka, umupo ka dito.” Paanyaya niya pa. Hindi na tumanggi si Daniel at umupo sa gilid. “Maraming salamat.” Marahang sab niya. Ngumingiti naman sa kaniya ang kababayan nito. “Walang anu man.” Nasasayang sabi pa nito. Sa pag-alis ng Pilipinong nakapansin sa kaniya ay napasalampak ng noo si Daniel sa mesang nasa harapan nito. “Ano baa ng nangyayari sa aking ito?” Tanong niya pa sa kaniyang sarili. Dagdag pa ng binata. “Pangitain ba ito o alaala ng ibang tao?” Nagsimula na siyang malito. Pero ikinagulat nito ang pagpakita muli ng kaniyang kaba

