Sumangayon naman ang kausap ni Daniel sa kaniya, “tama ka. Ganoon talaga.” “Hindi ba sila magdadalawang isip kung nawawala ka sa mansyon na iyong binabantayan?” Napaisip naman ang lalaki sa sinabi sa kaniya ni Daniel. “Mukhang kailangan ko nang umalis kung ganoon.” Nag-ayos na ito. Sa paglapag ni Daniel sa maliit na bag nito sa kaniyang higaan ay pinalabas naman ng kaniyang bisita ang malaking pamaypay nito. Tanong naman sa kaniya ng binata, “mabuti na lang at nagkita tayo?” Sagot nito. “Oo.” Sa pagkumpas ng malaking pamaypay ng bisita ni Daniel ay naglaho ito na parang bula. Habang ang binata naman ay napaisip sa kung bakit iyon nangyari sa kaniya. Pagsasambit niya pa, “siguradong may dahilan kung bakit siya naparito pero hindi niya lang mabanggit.” (Daniel’s POV) Maya’t maya ay m

