Chapter 3: Mata sa Mata

1550 Words
(Emmy’s POV) Paano ko ba isasalarawan yung lalaking nakikita ko habang ang ibang tao ay hindi naman? Palagi kaming nagkikita sa tuwing may sakuna at palagi siyang nakatitig sa akin. Lalo na ngayon oo, nasa harapan ko siya. Nakatitig sa akin at parang may gustong sabihin. Unti-unti siyang lumapit sa aking kinatatayuan habang ako naman ay hindi nagpatinag. Ang sunog na sana ay aapulahin ko ay siyang hinayaan ko sa aking kasamahan. Para akong napapako sa lugar kung nasaan ako. “May lakas ng luob ka pang makatitig sa akin?” Mga salitang mula sa kaniya. Yung mga titig niya sa akin ay para akong pinupunit. Hindi ako sumagot sa tanong nito at sa halip ay tiningnan siya ng mabuti. Yung mga maiitim niyang mga mata na dama yung pagkamuhi at lungkot na aking nakikita. Matangos na ilong at mamula-mula na mga labi. Siguro hindi ito nagpapa-araw kasi mas maputi pa siya kaysa sa akin. “Hindi ka talaga magsasalita?” Inis niyang sabi. Pero heto ako hinahayaan ang sariling pagmasdan at isipin siya. May kataasan naman siya sa akin, kung hindi ako nagkakamali ay hanggang ilalim lang ako ng kaniyang taenga. Yung katawan niya, hindi naman masama. “Bakit mo ako tinitingnan ng ganiyan.” Pagsasalita niya sa akin. Ramdam ko yung inis sa bawat katagang sinasabi niya. Kaya sinabihan ko ito. “Bakit, sino ka ba para hindi ko matitigan?” Galaw-galaw ko pa sa aking mga balikat. Sinabayan ko pa nang pagtataas ng dalawa kong makakapal na kilay. Inilapit niya yung mukha niya sa akin habang hindi ko mapigilang hindi uminit ang aking mukha. Ewan ko kung bakit biglang ganito ang aking nararamdaman. Kaya humakbang ako patalikod at hindi ko namalayang na naapakan ko yung basang tubig dahilan na mawalan ako ng balanse. Yung mabilis niyang kamay na pumulupot sa aking bewang habang ako naman ay napahawak sa kaniyang balikat. Tamang-tama naman yung tunog nang pagsabog mula sa inaapulang sunog na aming nirespondihan. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Yung hininga niyang pinapagalaw yung baby bangs ko. Ano ba itong nararamdaman ko yung kabog ng dibdib ko ay nakikisabay naman sa ingay ng aming paligid. Namangha ako sa unti-unting pagbago ng kaniyang damit habang hindi kami gumagalaw sa aming posisyon. Yung kaninang itim niyang fedora, itim na suot at ang kaninang hawak niyang pamaypay ay unti-unting nagbago at nawawala. Ngayon ay parang hindi ako makapaniwala sa mahikang nangyayari. Sino ba ang lalaking ito? Saan ba siya galing? Nang tuluyang nagbago ang kaniyang suot yung mga mata niya ay hindi iniwas sa akin. “Hanggang kailan tayo magkakaganito?” Walang expression niyang sabi. Nakaramdam naman ako nang hiya at agad na inayos ang aking sarili. Tumayo ako at yung damit ko naman ay bahagyang binaba ko para maayos. Maya’t maya ay may tumawag sa aking pansin. “Emmy! Emmy! Baka nakalimutan mong may gawain tayo dito?” Tumingin sa malayo yung lalaking sumalo sa akin kanina. Ewan ko pero tama ba yung sinasabi nilang ‘cold’ yun, parang ganoon siya. Humakbang siya papalayo sa akin pero dinig ko ang sambit niyang, “inaaksaya mo naman yung oras at panahon ko.” Nainis naman ako sa mga masakit na salitang mula sa kaniya. Kaya humarap ako sa kaniya sabay diinang sabi, “bakit, sino ba nagsabi sa iyo nasaluhin mo ako?” Yung mata niyang nakatitig kanina sa malayo ay pinako ang aking katauhan. “Alam ko kayong mga babae, yun ang mga gusto niyo.” Pagpupunto niya habang nakikinig ako sa kaniya. “Yung may sasalo sa inyo kapag ganoon ang nangyayari.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga pinagsasabi niya. Pero na pangiwi labi na lang ako. “Hindi lahat ng babae ay ganoon.” Saka ako na mismo yung lumayo pagkatulak ko sa kaniya. Bulong niya na dinig ko naman. “Huwag ako, sa tanda kong ‘to. Alam na alam ko na iyan.” Kahit singhal niya pa ay dinig na dinig ko. Hindi naman ako nakapagpigil at binalikan siya. Isang malakas na batok yung pinaramdam ko sa kaniya bago ako tuluyang bumalik sa aking trabaho. Dinig ko na lang yung pagsisigaw niya sa sakit nang ginawa ko sa kaniya. “Ikaw!!!” Napakasarap pala sa pakiramdam na makaganti nang ganito. Napatigil ako nang bigla siyang nasa harapan ko. “Pa—paanong?” Napatakip labi ako sa bilis nang pangyayari. “Doon ka eh.” Lumingon pa ako. Panay kurap ko pa sa mga mata ko. “At nandito ka na ngayon?!” Nagugulat ako na nababahala. Bulong ko pa sa aking sarili. “Lagot ako nito.” Sigurado na ako nito. May gagawin siyang hindi ko gusto, sana huwag naman. “Akala mo ay makakawala ka sa akin?” Diinan niyang sabi habang ramdam ko yung panliliit ko sa aking sarili. Ano namang kasalanang nagawa ko ngayon. Para rin siyang nasusunog ngayon sa galit. Ano ba ang gagawin ko para humupa yung inis niya sa akin. Teka, ba’t iniisip ko ba yung ano ang pwede niyang isipin sa akin? Napatitig ako sa sahig at nakita ko yung water hose. Ngumiti ako sa kaniya at agad iyong dinampot. “Ayan!” Pangiti ko pang sabi habang winasiwas yung water hose na naglalabas ng malakas na buhos ng tubig. Ganoon man ang ginawa ko sa kaniya ay walang reaksyon yung mukha niya. Kung saan ay nakaramdam ako nang hiya. Basang-basa siya ngayon at napatitig ako sa pan-ilalim niya. Napayuko ako ng di oras ng makita ko yung malaking bakat niyang nandoon. Parang bata naman ako neto. Nilapitan ko siya habang titig na titig siya sa akin. “Sorry.” Sabay takbo ko para apulahin yung sunog. Bakit ba ganito? Mas inuna ko pa itong lalaking wala namang pakiramdam kaysa sa naghihintay kong trabaho. (Daniel’s POV) Ang babaeng iyon, mas malala pa kay Angel na kaniyang lola. Lumingon ako at sinundan yung tinahak niyang daan. Pagpapangako ko pa, “humanda ka sa akin.” At bago ko pa siya na sundan ay isang maakas na pagsabog sa kaniyang kinaruruonan ang nangyari. Kaya na alala ko yung ipiningako kay Angel. Sa mabilis kong pagtakbo ay agad ko siyang hinanap. Hindi ko naman na mamalayan na ang suot ko ay biglang nagbago. Napatigil ako sa isang sulok ng silid. Tanaw ko siyang may tinutulungan. Sa gilid ko naman ay biglang may lumilitaw na itim na papel. Kung hindi ako nagkakamali ay may susunduin ako, siguradong sigurado ako dito. Hinahawakan niya yung kamay ng isang babaeng nahulugan ng nagbabagang kahoy. Tamang-tama naman na natapos umukit yung pangalan sa papel at agad kong hinawakan ito. “Lyn Fuentes.” Pagbabanggit pangalan ko pa. Punong-puno man nang hapdi at sakit ay pinili namang titigan ako ng babaeng siguradong kaniya yung pangalan na aking sinambit. “Huwag kang tumunganga diyan!” Pagsisigaw ni Emmy sa akin habang pinipilit nitong tulungan ang babaeng namumutla na. Diinan niyang sabi na hindi siya mapakali. “Tumulong ka!” Yung mga mata niya ay parang naluluha. Nilapitan ko siya at inangat ang malaking kahoy na iyon. Kahit siya ay napapaluha ay bigla siyang ngumiti sa akin. Pagsasabi niya pa, “maraming salamat.” Nang hinagis ko ang kahoy na iyon gamit ang kanang kamay ko ay hindi ko alam kung bakit siya nagpapasalamat sa akin. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Napapakunot noo ako. Panay pahid niya sa mga luha niyang hindi niya mapigipigilang dumalayo. “Hindi ko akalain tutulungan mo ako.” Napahawak siya sa aking damit. At inagat niya pa mukha nito. Binaba ko naman ang mukha ko at hinawi ang kaniyang luha. Saad ko pa, “sino ba ang nagsasabing tutulungan kita?” Napatahimik siya at unti-unting binitawan ang pagkakahawak nito sa aking damit. “Ano?” Nilapitan ko naman yung babaeng sinambit ko ang pangalan kanina. “Lyn Fuentes.” Sa pag-angat niya ng kaniyang mukha ay tila hindi niya alam yung pwendeng mangyari sa kaniya. “Sino po kayo?” Tanong niya sa akin habang ang apoy ay palakas nang palakas. Kinuha ko naman ang malaki kong pamaypay at sinabihan ito. “Lyn Fuentes, tumingin ka sa iyon gilid.” At sinunod naman nito ang aking sinabi.  Nanlaki ang mga mata nilang dalawa nang makita nilang walang buhay na ang babaeng kausap ko. “Ano? Patay na siya?” Pautal na sabi ni Emmy habang umiiyak naman ang pinupunto niyang babae. Napatakip mukha ito at patuloy siyang umiiyak. Inilapag ko naman yung malaki kong pamaypay sa kaniyang balikat. “Lyn Fuentes, hayaan mong hatulan ka sa nararapat at patas. Sa mata ng Tagapaglikha at batas ng tao.” Nasaksihan ni Emmy kung paano unti-unting umilaw ang hawak kong pamaypay. Pagsasalita pa ni Lyn. “Kung ano man ang hatol sa akin ay tinatanggap ko.” Bigla namang pumagitna si Emmy at pinigilan ako. “Maawa ka naman. Huwag mong gawin yan!” Pilit nitong inagaw ang pamaypay na hawak ko. “May pamilya siya, huwag mo naman gawin ito!” Pagmamakaawa niya. Hindi ko naman napigilan yung lakas ng kamay ko kaya nahawi ko siya papunta sa kabilang dulo. Dahilan na mawalan siya ng malay. “Emmy!” Pagsisigaw ko. Napatingin ako sa kamay kong nanginginig sa lakas nang pagkahawi ko sa kaniya. “Kakainis ka naman.” Dagdag ko pa at agad ko siyang nilapitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD