Chapter 4: Sino siya?

1596 Words
Habang akay ito ni Daniel papalabas sa naturang nasusunog na gusali ay panay sambit nito sa binata. “Sino ka ba?” Nakatitig naman sa kaniya ang lalaking nakasuot ng itim at ang dalaga naman ay punong-puno ng alikabok ang mukha nito. “Sabihin mo, sino—sino ka?” Pilit niya pang sabi hanggang sa nawalan ito ng malay. Nang narinig ni Daniel na may naghahanap kay Emmy ay pinaupo niya ang walang malay na dalaga sa ligtas na lugar. Tiningnan ito ng binata sa mukha at hinawi ang alikabok sa bandang kanang pisngi nito gamit ang kulay puting panyo nito. “Pinapaalala mo talaga sa akin si Angel.” Pagsasambt pa ni Daniel sa kaniya. At agad siyang nawala nang may lalaking nakahanap kay Emmy. Panay yugyog ng kaniyang kasamahan hanggang ang dalaga ay nagkaroon nang malay. Pagsisigaw pa nito, “Emmy! Emmy! Gising!” Pagsasambit pa ni Emmy na may pagkainis, “ano ba, ang ingay mo!” Napakuyom kamay ang kasamhan nito. “Ikaw pa ngayon yung galit!” Sigaw na sabi. Panay lingon ng dalaga at tila ay may hinahanap ito kung saan. “Teka, nasaan ang lalaking iyon?” Na pansin naman siya ng kasamahan nito na nababalisa at may kung anong hinahanap. “Sino?” Inis pang sabi ni Emmy na hindi magawang tingnan ang nagsigaw sa kaniya kanina kasi ang atensyon nito ay sa binatang nagligtas sa kaniya. “Nandito lang iyon eh!” Pero napagtanto ng dalaga ang babaeng kanina ay kaniyang tinulungan. Pagmamakaawa nito. “Yung babae sa luob! Sa luob!” Napayuko na lang ang kasamahan nito nang isinabit na, “wala na siya. Nahuli na kami.” Parang gumunaw ang daigdaig ni Emmy nang marinig niya iyon. “Bakit ganoon? Ano ang nangyari? Ang trabaho ko pa naman ay iligtas siya. Bakit ganoon!” Panay sisi nito sa kaniyang sarili. Tamang-tama naman na inangat nito ang kaniyang mukha at nakita niyang nakatitig sa kaniya si Daniel mula sa malayo. Nanggagalaiting sabi pa ng dalaga nang tumayo ito sa kaniyang kinauupuan. “Ikaw!” Ginalaw naman ni Daniel ang mga balikat nito para inisin si Emmy. Kumaway pa ito bilang pagpapaalam. Nakaramdam naman nang inis ang dalaga kaya agad itong tumakbo sa kinaruruonan ng binata nang biglang may may sumulpot na humaharurot na truck. Agad namang napansin ni Daniel ang mabilis na sasakyang iyon kaya hindi na siya nagpatumpik pa. Kasing bilis niya ang hanging dumaan at si Emmy naman ay parang naningas sa kinatatayuan nito na nasa gitna ng daan. “Hindi! Hindi!” Pag-iisip niya pa na may halong panginginig ng kaniyang boses. Sa isang mabilis na galaw ni Daniel ay nailigtas niya ang dalaga mula sa kapahamakan. Akay niya si Emmy na napapikit mata. Ramdam ng dalaga na parang may bumuhat sa kaniya. Nang iminulat nito ang kaniyang karimlan. Ay nakita niya si Daniel na iniligtas siyan. “Bakit mo iyon ginawa?” Mahinang sambit ng dalaga. Yung pamumula ng kaniyang pisngi ay kitang-kita ng binata. Kaya pangiting sabi sa kaniya ni Daniel, “ano ba ang dahilan nang pamumula ng iyong pisngi?” Iniwas naman ng dalaga yung mga titig niya sa binatang nagligtas sa kaniya. “Anong namumula diyan? Bitiwan mo nga ako!” Pagpupumiglas pa nito. Hinayaan naman siya ng binata na tumayo sa mga paa nito. Tamang-tama naman na himinto yung truck at lumabas yung nagmamaneho. Pagsasambit pa nito na tila ay nabunutan ng malaking tinik sa kaniyang dibdib. “Akala ko ay may nasagasaan na ako.” Nasaksihan ng mga taong nanduon ang nangyari. Kaya agad nilang nilapitan si Emmy at si Daniel. Pero bago pa tuluyang lamunin sila ng mga taong ususero ay agad nang umalis ang binata. Nakatitig sa kaniya ang dalagang iniligtas niya. Napahawak sa kumakabog na dibdib itong si Emmy at bulong niya pa sa hangin, “maraming salamat.” Unti-unti namang lumingon sa kaniya si Daniel sabay sabing, “walang anuman.” Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang napagtanto nitong narinig ng binata ang marahang bulong niya na ganoon. Ang mga titig nilang tila ay may pinapahiwatig sa isa’t isa. “Ayos ka lang Emmy?’ Tanong ng isang babae na kasama nito. Sa halip na pansinin sila ng dalaga ay ang atensyon nito ay nasa tagapagligtas nito. “Emmy! Emmy! May masakit ba sa iyo?” Pangungusisa pa ng isa. Napahawak sa pisngi nito ang dalaga hanggang sa napasabi ito, “ano ba ang nangyayaring ito sa akin?”   (Daniel’s POV) Mabuti na lang at naka-alis agad ako sa pinangyarihang iyon. Nang bumalik ako sa aking tinutuluyan ay nahabag ako sa aking nakita. Kung maaalala ko lang yung mga araw na kung saan ay nakukuha ko lahat ng aking gusto. Na isa akong tagapagmana at nagmamay-ari ng napakadaming ariarian, siguradong hindi ako maghihirap ng ganito. Ganoon pa man, may mga bagay na dapat kong iparaya para magawa yung dapat kong magawa. “Hoi! Lumabas ka diyan!” Pagsisigaw ng isang babae sa labas ng aking tinutuluyan. Agad naman akong pumunta sa pinto at pinagbuksan siya. “Ano po ang maitutulong ko?” Tanong ko sa kaniya. Naalala ko pa yung matandang babae na parating na niningil sa akin. Ngayon kung hindi ako nagkakamali ay apo niya na itong babae na nasa aking harapan. Tinitigan niya ako mula paa hanggang sa aking mukha. “Hello pogi,” ngumingiti niya pang sabi. Iniwas ko naman yung tingin ko sa kaniya. “Kanina, mukhang galit ka. Ngayon pangiti-ngiti ka na?” “Eh kasi naman pogi.” Nagulat ako nang sumandal siya sa akin. “Nandito ako para maningil ng bayad mo sa upa.” Panay sindot pa nito sa aking tagiliran. “Kung hindi ka makakabayad.” At bigla niyang hinawakan ang aking pisngi at pinilit na makatingin ako sa kaniya. “Alam mo na kung ano ang ibabayad mo.” Sinabayanan pa nito ng kaniyang pagkindat. Inilayo ko naman siya sa aking sarili at kinuha ang aking pitaka. Pagsasabi ko pa habang kumukuha ako ng dalawang libo. “Heto yung bayad ko.” Ramdam ko yung inis niya sa ginawa ko. Lalo na nang hinablot niya ang pera sa aking kamay na kay bilis. “Ano ba yan!” Pagdadabog niya pa. Dinig ko yung pagbubulong nito habang lumalakad siya papalayo. “Damot ng katawan!” Sinundan ko siya nang tngin hanggang sa mapansin niya ako. “Ano ang tiitingin mo sa akin ha!” Bahagya siyang tumigil sa pagbaba ng hagdan. Sumbat ko naman, “bakit, ayaw mong pagmasdan ko ang napakaganda mong mukha?” Yung kanina na galit na galit ito ay biglang umamo na parang tupa. Napahawak siya na namumulang pisngi nito. At pangiting sinabi, “ikaw talaga!” Sabay alis nito. Nang nasa malayo na ito ay dinig ko ang malaks niyang sigaw. “Naguyo mo ako ha!” At isang malakas na pagsara ng pinto ang ginawa nito. Sa paglingon ko sa bandang kanan ay nakita ko yung matandang lalaki na nagmamasid sa akin. “Ikaw talaga iho, hindi ka nagbabago.” Sabay pasok nito sa kaniyang silid. Ngumiti ako at napakamot ulo. Minsan napapaisip na rin ako na lumipat ng apartment. Yung matandang iyon ay ilang taon rin kong kasama dito sa nakahilirang upahan. Mabuti lang at hindi niya pinagsasabi sa iba yung lihim na meron ako. Ganoon pa man ay dapat hindi ako makampante. Mas pinili kong lumabas at magpahangin. Kay bilis ng panahon, lalo na ang nasa paligid ko. Noon ay hindi pa gaanong ka unlad ang lugar na ito. Pero nang lumipas ang ilang dekada, hindi ko mawari yung nangyari na ganito pala. “Sir, may trabaho po ba kayo?” Tanong ng babaeng may inabot sa aking papel. Agad ko naman yung binasa at isang palatandaan na naghahanap sila ng isang trabahador. Bahagya akong napangiti at inalala yung mga nakalipas na taon noong ako pa yung inatasan ni Dad na humalili sa kaniya. Marami akong alam tungkol sa mga trabaho lalo na kung sa pamamahala ang pagbabasehan. Yun nga kung lilitaw ako bilang ako agad ay siguradong maraming magigimbala. Lalo na natinuturi na nila akong patay. Sagot ko naman sa taong nagbigay ng kapirasong papel. “Maraming salamat dito.” Sa pagbasa ko sa lugar kung saan ang nasasabing naghahanap ng trabahador ay agad ko iyong pinuntahan. Sa mayayamang tao ay napakadali na ng buhay pero sa kagaya kong magsisimula mula sa umpisa ay parang naghahanap ako ng karayom sa baybayin. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang napakaliit na tindahan na ito. “Nairam’s Shop?” Pagbabasa ko pa sa karatulang nasa itaas. Anong klaseng shop naman kaya ito? Nang akma kong kumatok ay biglang bumukas ang luma at maalikabok na pinto. “Pumasok ka dito! Hali ka!” Pagsasalita pa ng boses matandang lalaki. Hindi naman ako nagdalawang isip na hindi sundin yung kaniyang sinambit. Sa pagpasok ko ay ramdam ko yung malagkit pero magaspang na doorknob na iyon. Unti-uti ko naman kinuha ang aking panyo at nilinis ang aking kamay. “Patawad na, lumakasi ang tindahan kong ito.” Pagpapansin pa ng matanda sa aking ginawa. Sa paglalakad ko ay napatigil ako sa yumuyukong matandang nag-aayos ng ilang bagay sa ilalim ng mesa. “Naghahanap po kayo ng trabahador?” Pagtatanong ko pa nang inilapag ko ang kaperasong papel na nakuha ko kanina. Dinig ko naman yung pagkabangga ng ulo ng matanda sa ilalim ng mesa. “Aray!” Agad akong tumingin sa ibaba para siya ay tulungan. Pero nagulat ako nang nagkatitigan kami. “Iho, pwede ka nang magsimula.” Napakunot noo naman ako, “pero—“
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD