Chapter 5: Basag na itlog

1393 Words
(Daniel’s POV) Hindi niya na ako hinayaang magsalita sa halip siya yung panay sabi pagkalabas niya sa ilalim ng mesa. “Kailangan na nating mag-umpisa, ano ba yung mainam dito?” Panay pagduduro niya. “Tsaka doon.” Dagdag pa nito. “At dito pa!” Napatingin ako sa paligid na walang kaayos-ayos. Kahit ang utak ko ay naguguluhan narin. Bulong ko pa, “saan ba mainam na mag-umpisa?” “Narinig ko iyon!” Napalingon ako sa matanda. At ginaya ang sinabi ko kanina, “saan ng aba mainam na mag-umpisa.” Sabay hawak nito sa kaniyang noo. Kung hindi ako nagkakamali kahit siya ay naguguluhan na rin. Inangat ko naman yung mga kamay ko at tinupi ang sleeves ng aking suot. “Maglilinis po muna tayo.” Tumango siya sa aking sinabi. Napatigil ako ati tinanong siya. “Ano pong shop ito?” Ilang segndo pa kaming nagtinginan hanggang sa bumuntonghininga ito. “Coffee shop?” Nag-isip ako at panay lakad pa. “Cofee shop!” Yung utak ko naman ay mabilis na nagkaroon ng magandang gawin. “Sisiguraduhin nating magandang coffee shop ito!” “Teka, may kukunin lang ako.” Pagsasabi ng matanda sa akin. “Babalik ako makalipas ang labing limang minuto.” Nakakaramdam ako na tila ay may hindi magandang mangyayari. “Maari bang iiwan muna kita dito?” Sabi na nga eh, pero mukhang mainam ang pagkakataon sa akin kapag umalis ang matandang ito. Nag-aalalang sabi ko naman, “ah sige po. Ako na ang bahala dito.” Kita ko siyang nasa pinto na agad. Hindi ko alam kung tumatakas ba siya sa gawain o may kukunin talaga siya? “Magdadala ako ng pagkain!” At iyon, nawala na talaga siya. Hindi niya man lang tinanong yung pangalan ko o nasa an ako nakatira. Hindi rin ba siya nag-iisip na baka kukunin ko yung mga gamit niya dito? Napatitig ako sa mga lumang kagamitan niya. Kung iisipin ko nga sino ba magkaka-interesado sa mga lumang gamit dito? Nang nasigurado kong walang tao sa paligid ay agad kong kinumpas ang aking kamay. -_-_-_-_- Sa mahikang meron siya ay siguradong mapapadali ang mga gawain ni Daniel. Pero agad siyang napaisip nang umingon ito sa kesame. “Merong cctv camera.” Pagsasambit pa nito. Kaya napagtanto niyang hindi niya na itutuloy ang isa sa pinakamadaling paraan na naiisip nito. “Parang magbubunong braso ako nito.” Nalulungkot niya pangsambit. Bilang nag-iisa sa naturang lugar ay napag-isipan ng binata na hubarin ang long sleeves nito. Dahilan na lumantad ang mga nakaukit na pandesal na nasa kaniyang katawan. “Mag-uumpisa na ako.” Masayang sambit pa nito nang inilapag niya nang maayos ang kulay putting damit nito. Kinuha niya ang panlinis at inumpisahang magwalis. Kuskos dito at sampay doon. Yan ang mga ginawa niya. Hanggang sa may babaeng sumilip sa bintana. “Sino ang nakapasok sa abandunadong lugar na ito?” Bulong ng dalaga habang hinahawing pabilog ang alikabok sa bintana. “Magnanakaw siguro ang nakatalikod na lalaking iyon.” Agad na nakapag-isip nang gagawin ang naturang dalaga na nakasuot ng jacket na kulay pula. “Dapat may gagawin ako nito!” Pagsusumpa niya pa sa kaniyang sarili. Humarap ito sa araw at kinausap, “magiging tagapagligtas ako ngayon!” Sabay ngiti niya pa. Nang sinuksok nito ang kaniyang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon ay may nakuha siyang panyo. Hindi maalis-alis yung ngiti sa kaniyang mukha nang kinuha niya ito at tinakpan ang kaniyang pisngi na ngayon ay nagmumukha na siyang ninja. Lumingon siya ulit sa bintanang tanaw ang lalaking may hinahalungkat sa ilalim ng mesa. At sa repleksyon nito ay napapasambit ang babaeng nasa labas ng shop. “Magiging tagapagligtas ako ngayon.” Nang masilayan nito ang kaniyang nanggagalaiting mga mata, “humanda kang magnanakaw ka sa akin!” Hinawakan niya ang doorknob at napansin nito na bukas iyon. Pasinghal niya pangsabi, “matinik ang magnanakaw na ito. Tingnan natin kung uubra ka sa aking mga kamao.” Hindi na nagdalawang isip na pumasok ang dalaga sa naturang silid na iyon. Tamang-tama naman nang pag-angat ni Daniel sa mukha nito ay nakita niya ang repleksyon ng isang taong papalapit sa kaniya. Pagbubulong naman ng binata sa sarili nito. “May magnanakaw!” Biglang nanliit ang mga mata nito pero ang atensyon niya ay nasa taong papalapit sa kaniya kahit pinagpatuloy nito ang kaniyang ginagawa. “Tirik na tirik ang araw pero nagagawa pa nitong magnakaw?” Saad pa ni Daniel. Nang akmang hawakan ng babae ang balikat nang nakatalikod na si Daniel ay agad siyang sinunggaban ng binata dahilan na humarap ito sa kaniya. “At sa tingin mo ay makakaisa ka sa akin?” Habol hiningang bulong ni Daniel sa kanang taenga ng babae nang pinulupot nito ang kaniyang kamay sa likod nito. “At sa tingin mo ay maiisahan mo ako?” Pang-iinis nito sa binata at agad na binigyan ng malakas nang pagsikmura nito sa kaniya. Pero bihasa si Daniel sa mga ganitong sitwasyon. Lalo na ito ay nabubuhay sa daigdig ng ilang dekada na. Sa paghablot ng binata sa kanang kamay ng babae ay agad niya itong hinagis sa mesang punong-puno ng alikabok. Pagkatihaya ng babae ay agad naman siyang pinagsabihan ni Daniel. “Ganoon ka na ba ka talino para maisahan mo ako?” Sabay ngiti pa ng binata sa kaniya. Ikinagulat naman ng babae nang nagkatinginan sila ni Daniel. “Ikaw?” Pagbubulong nito sabay malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Unti-unting nawala yung nasisipagliparang alikabok ilang segundo ang lumipas. Yung titig na titig ang babae sa namamawis na si Daniel. Hanggang sa ang atensyon nito ay napunta sa mga galit na galit na pandesal na nakaukit sa katawan ng binata. “Sabihin mo!” Sigaw nito sa babae.” At isang malakas na hampas sa kanang posisyong mesa ang ginawa nito para takutin yung inaakalang magnanakaw ni Daniel. “Sino ka!” Diinan niya pang sabi. Hindi naman mapalagay ang babae sabay pagiisip nito. “Hindi pwedeng malaman niyang ako ito?” Dagdag pa nito habang nakapako yung mga titig niya sa hubad na panitaas ng lalaki. “Emmy! Kailangan mong tumakas! Ano ang gagawin mo!” Halatang hindi mapalagay ang dalaga sa natuklasan nito. Kaya panay galaw niya na agad napansin ni Daniel. Hinawakan siya ng binata sa magkabilang kamay nito habang siya naman ay nakahilata sa mesa. Nasa harap nito ang binatang ubod ng kakisigan. “Bitiwan mo ako!” Pagpupumiglas niya pa. Diininan naman ng binata ang sarili nito sa nakahilatang dalaga. Walang kaalam-alam si Daniel na isang babae ang nasa harap nito. “Sabihin mo sino ka?!” Naiinis niya pang sambit. “Gumagalaw ka pa ha!” Mula sa nakahilata sa mesa ay agad na hinugot ang kahawak nito kaya napaupo silang dalawa. Ramdam ng dalaga yung hininga ni Daniel. Habang ang mga tingin nito ay namamangha pa rin sa kagwapuhan ng binatang nilalaruan ng pawis. Pero may napansin ang dalaga, “bakit may matigas sa ilalim?” Nanlaki ang mga mata nito nang kinakausap niya ang kaniyang sarili. May napansin naman si Daniel habang nagkatitigan sila ng taong nasa harapan nito. “Yung mga mata mo?” Inakma naman ng binata na tanggalin ang panyong nasa mukha ng taong iyon pero hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari. “Ano ang ginagawa niyo!” Pagsisigaw nang kararating na matanda. Sigaw naman ni Daniel, “magnanakaw po!” Hinawi niya naman ang kamay niya para bigyag senyales ang nakatayong matanda na umalis muna. “Ako na po ang bahala di—“ Isang malakas na pagsunok sa panilalim ni Daniel ang ginawa ng dalaga dahilan na masalampak ang binata sa mesa. “I—kaw!” Napapapikit mata si Daniel sa hapdi at sakit na nararamdaman nito. “Hu—manda ka!” Hindi naman makapagsalita ng maayos ang binata sa ginawa ng dalagang iyon. Hindi na nagdalawang isip si Emmy at agad na tumayo. Kinuha niya na ang pagkakataon para tumakas. Pero bago ito makaalis ay yumuko siya sa matanda sabay sabing, “patawad po.” At tumakbong parang baliw na hinahanap ang lagusang makatakas. Habang nakahawak naman si Daniel sa kumikirot nitong ilalim ay pagsusumpa pa nito, “hin—di ka ma—kakatakas sa a—kin!” Pilit siyang tumayo at humakbang para habulin ang taong sumuntok sa pinakamamahal nitong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD