(Emmy’s POV)
“Muntikan na iyon!” Napaluhod ako nang makatakas ako ng tuluyan.
Napahawak naman ang kaliwang kamay ko sa pader kung saan ako nagtatago. Hindi ko mapigilang hindi mapahabol hininga sa nakakabaliw na nangyari sa akin. Napayuko na lang ako at panay konsentrasyong bumalik ang aking hininga sa maayos. “Kung… kung hi—hindi talaga ako pi—nalad” Kahit gaano ko pa kasusumikap na pakalmahin ang sarili ko ay ganoon pa rin naghihingalo ako sa katarantaduhang nagawa ko.
“At akala mo ay makakatakas ka sa akin?” Yung boses na iyon! Siguradong mula iyon sa kaniya.
Parang inihip ako ng malamig na hangin. At ramdam ko yung biglang paghawak niya sa aking kamay kaya agad ko siyang tinulak. “Hindi ka na makakawala ngayon.” Yung galit niya ay sumasama sa mga katagang binibitawan nito.
Unti-unti kong inangat ang aking mukha at ang sinag ng araw ay nasa mismong likuran niya. “I—kaw?” Nauutal ko pang sabi.
Pangiting sabi niya naman, “oo, ako nga.” Hindi pa rin siya nakasuot ng pang-itaas nito.
Buong lakas niya akong pinatayo sa paghila niya sa akin at pinasandal ako sa pader. Mukhang hindi na maganda ang mangyayari dito sa amin. “Ah ma—mali yung iniisip mo ka—kanina.” Panlilinaw ko pa sa kaniya.
“Hindi ako naniniwala sa iyo!” Diinan niyang sabi.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at inangat sa bandang ibabaw ng aking ulo gamit ang kanang kamay nito. Habang ang kaliwang kamay niya ay akmang kunin ang panyong pinapiring ko sa aking ilong at baba. Yung bilis nang pagtibok ng puso ko ay parang hinahabol ng nababaliw na aso. Ano ba ang gagawin ko? Paano ba ako tatakas sa pagkakataong ito? Mag-isip ka Emmy! Mag-isip ka!
Ang puti-puti ng kamay niya at ilang pulgada na lang at makikita niya na ang mukha ko. Lukong lalaking ito, nakatakas na nga ako eh. Ibig sabihin ay hindi ko gustong magpapahuli. Pero heto siya hinabol pa ako. “Malalaman ko na kung sino kang magnanakaw ka!” Pagsasalita niya pa.
Mabuti na lang at mabilis akong mag-isip. Hindi na ako nagdalawang isip na sumugal para lang makatakas ako. Tamang-tama ng pumikit ito at hinawi ang aking panyo ay ninakawan ko siya ng halik. At isang malakas na naman na tulak ang ibinigay ko sa kaniya dahilan na sumumsob ito sa nagkukumpulang kahon ng mga basura.
Parang nakapanalo naman ako sa lotto ng tumakbo ako na hindi niya na ako hinabol. Bahala na basta makatakas ako sa maligning iyon! Pagsisigaw ko pa sa tuwa, “nakatakas ang baliw!!!”
-_-_-_-_-
Parang binuhusan naman ng isang tibang yelo si Daniel habang nakatihaya ito sa mga kahong nayupi. “Ba—bakit?” Biglang namula ang kaniyang pisngi. Napahawak ito sa kaniyang dibdib. “Yung puso ko.” Pagsasalita niya pa. “Mag-isip ka Daniel! Habulin mo ang magnanakaw na iyon!”
Pinilit niyang tumayo pero pinipigilan siya nang nalalambot nitong tuhod. Agad siyang nakasandal sa pader at napayuko. “Habulin natin yun!” Pagkakausap niya naman sa mga paa niyang hindi makagalaw.
Napaangat mukha siya nang biglang bumulong ang sarili nito sa kaniya. “Ni—nakawan ka ng ha—lik!” Napatitig siya sa panyong nasa kamay nito at binigyan ng malakas na suntok ang pader na sinasandalan niya, dahilan na yumanig ito at nahulog ang ilang sementong mula sa itaas. “Hahanapin kita!” Pagpapangako niya sa kaniyang sarili.
Agad na pumasok si Emmy sa isang pamilihan ng mga damit. Dumukot ng isang maganda at maikling damit at pumunta sa fitting room. “Bilis! Bilis! Bihis! Bihis!” Hindi na siya mataranta sa pagpapalit ng kaniyang damit. Habang si Daniel naman ay sinusunod ang amoy nito dahil sa panyong hawak ng binata. “Emmy! Emmy!” Parang baliw ang dalaga sa pagsasambit sa pangalan nito.
Napagtanto ni Daniel na wala itong suot na panitaas kaya ikinumpas niya ang kaniyang kamay habang unti-unting lumakas ang ulan. Sa bawat patak ay biglang nagbago ang suot nito. Mabuti na lang at hindi siya napapansin ng mga taong nasa paligid nito dahil na sa anyo na siya ng bilang grim reaper o mas kilala bilang sundo. “Mukhang may susunduin ako ngayon.” Nanggagalaiting sabi niya pa habang sinusunod nito ang amoy na mula sa panyong na nasa kamay nito.
Nakita naman siya ni Emmy na papasok sa naturang pamilihan ng mga damit pagkalabas nito sa fitting room. “Paano niya nalaman na nandito ako?” Agad niyang binayaran yung damit na suot niya. Kinuha naman nito ang sombrero saka binayaran na rin. “Dito ako dadaan.” Pag-iiwas niya pa nang pumasok si Daniel sa naturang pamilihan.
Tuloy-tuloy si Daniel sa paglalakad hanggang sa pumasok siya sa fitting room. Galit na galit ito nang makita niya ang mga damit na mula sa magnanakaw na kaniyang nabunong braso. “Yung amoy niya parang nawawala na.” Pagsasambit pa ng lalaki nang lumingon ito.
Dali-dali namang nakalabas si Emmy pero may napansin ito, “wala akong payong!” Pagtatanto niya pa.
Wala na siyang opsyon kundi ang mabasa ng ulan. At tamang-tama naman na noong nasa kalagitnaan na ito ng kaniyang paglalakad sa gilid ng daan ay siyang paglitaw ni Daniel sa kaniyang harapan.
Hawak ang malaking pamaypay nito ay sinilbi niyang payong para hindi mabasa ang dalaga. Napatingala naman si Emmy sa binatang nasa harapan nito. Parang tumigil ang mundo niya habang nagkakatitigan silang dalawa.
(Emmy’s POV)
Paano siya nakapunta mismo sa harapan ko ng ganoon ka bilis? Yung mga titig niya sa akin ay muling pinapako ang puso at isip ko. Na kahit ang lamig ng paligid ay parang umaapoy ang aking pisngi. “Yung pabango mo ay katulad sa panyong ito.” Agad niyang ipinakita yung panyong pinagmamay-arian ko.
Itinanggi ko naman iyon. “Ano akin? Yan?” At iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Bigla niyang binilingkis ang kamay nito sa aking bewang para ako ay lumapit sa kaniya. Habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa pamaypay niyang nagsisilbing aming payong. “Ano ba bitiwan mo ako!” Pagpupumiglas pa.
“Ikaw ba yug kanina?” Tanong niya sa akin pero yung kamay niya ay nasa bewang ko pa rin.
“Anong ako?” Pagmaangmaangan ko pa.
Inilapit niya yung mukha niya sa akin kung saan dama ko yung hininga niya sa leeg ko. Nagmumukhang ewan ako nito kasi sa mga mata ng tao ay ako lang ang nakatayo dito. Habang tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam na nakikita ko siya. “Sasabihin mo o hindi?” Pangungulit niya sa akin.
Pilit ko namang pagtanggi, “ano naman yung sasabihin ko? Sabi nga hindi nga sa akin yan eh!” Panay usog ko sa kaniya kasi nakikilitian ako sa ginagawa nito. “I—tigil mo nga ya—n!”
“Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka aamin.” Pagpupumilit niya pa.
Pagmamatigas ko, “wala akong aaminin!”
“Ayaw mo ha!” Binaba niya ang kaniyang pamaypay at hinawakan ang aking mga kamay patalikod na dahilan na pumatak sa akin ang ulan. Napatingala ako sa malungkot at umiiyak na kalangitan. Habang nagulat ako sa pagdiinan niyang halik sa kanang leeg ko. “Teka! Ano ang ginagawa mong yan!” Pumilit akong pumiglas pero mas diniinan niya pa ang paghalik na parang bampira. At agad niyang inalalayan ang pagtayo ko na ikinagulat ko naman. “Te—teka! Ta—ma na!” Nanghihina ako sa ginagawa niya pero ang lakas ng pagkakahawak niya sa akin ay hindi ako tumumba.
Pagkatapos niyang bigyan ng isang halik na marka sa aking leeg ay tuwang-tuwa pa ito. “We are fair now.” Pangiti niya pang sabi na agad niya akong binitawan.
Mabilis pa ang kamay ko sa kaniya kaya inagat ko ang aking kamay para siya ay sampalin nang buong lakas pero bigla siyang nawala sa aking paningin. “Nasaan na siya?” Paghahanap ko pa. “Hindi pa ako nakapagganti!” Nanggagalaiting inis ko. Napahawak ako sa hinalikan niyang leeg ko at ramdam ko yung hapdi na hindi mapawi-pawi. Pagsisigaw ko pa, “humanda ka talaga sa akin!” At agad na nagtinginan sa akin ang mga taong nasa paligid ko.