(Daniel’s POV)
“Ikaw ba si Elliza Sy?” Lumingon sa akin ang babaeng sunog na sunog pagkasabi ko ng kaniyang pangalan.
Yung apoy na nasa aming paligid, siguradong hindi makakayanan ng isang ordinaryong tao. Kaya tinanong niya ako habang ito ay umiiyak, “patay na ba ako?” Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinuro ko yung bangkay niya na nakahilata at may tusok ng bakal. “Hindi!” Itong ganitong ekpresyon ay hindi na bago sa akin, lalo na yung mga taong hindi tanggap ang kanilang pagkamatay. “Hindi pa ako pwedeng mamatay.”
LUmapit ako sa kaniya habang nagsasalita, “alam mo, hindi mo ako makikita kung buhay ka.” Napaisip ako kay Emmy. “Pwera lang kung may espesyal kang kakayahan na makita mo ang sundong katulad ko.”
“Teka, ikaw ang sundo?” Tumango ako pagkasabi niyang ganoon. Nilabas ko naman ang maitim at malaki kong pamaypay. Inayos at dinuro ko sa kaniya. “Ano ang gagawin mo sa akin?” Yung takot ay biglang namuo sa kaniyang mukha habang hindi nito napipigilang umiyak.
Ipinakita ko sa kaniya ang papel kung saan nakaukit ang pangalan nito. “Nababasa mo naman ang pangalan mo dito diba?” Nanlaki ang mga mata niya nang binasa ko ulit ang pangalan nito. “Elliza Sy.”
Pagtatanong niya pa, “bakit ako? Bakit?”
Pagpapaliwanag ko naman sa kaniya. “Kasi iyon ang iyong kapalaran at dapat mo iyong tanggapin.” Naliwanagan siya sa aking sinabi. “Kahit ano pa ang gagawin mo at kung sinong mortal pa ang tutulong sa iyo.” Diinan kong saad sa kaniya habang hinahawi niya ang kaniyang mga luha. “Walang tutulong sa iyo.”
Ipinikit niya ang kaniyang mata kasabay ng kaniyang mahinahong pagtanggap sa kaniyang sitwasyon. “Kung ganoon ay handa na ako.”
Ipinatong ko sa kaniyang balikat ang hawak kong malaking pamaypay. “Hayaan mong hatulan ka ng patas sa mata ng Taga-Paglikha at sa batas ng mga tao.” Unti-unti siyang umilaw at ngumiti sa akin. “Patungo ka sa paraisong punong-puno nang kaligayahan.” Pagsasambit ko pa saka tuluyan siyang nawala.
Lumingon ako sa pinangyarihan ng sunog at kinumpas ang malaki kong pamaypay dahilan na mawala ako sa lugar na iyon at biglang lumitaw malapit sa lugar kung saan ako ay magtrabaho.
“Bakit nandiyan ka?” Bulagang sabi ng matanda sa akin.
Napagtanto kong nasa imbakan ako ng mga lumang gamit. Kaya gumawa ako nang dahilan, na kung saan ay hindi siya maghihinala sa akin. “Ah, nag-aayos lang po ako dito.” Dagdag ko pa. “At naghahanap ng pwedeng idagdag na pandesenyo sa luob ng shop.” Pangiting sabi ko pa habang yung mga mata ko ay naghahanap kung merong cctv camera sa paligid. Mabuti naman at wala ni isa.
Pinatong naman ng matanda yung hawak niyang isang libro. “Heto, ingatan mo iyan ha.” Pagsasambit nya pa. Saka tuluyan akong humakbang papalayo sa imbakan na iyon.
Kahit papaano ay medyo maayos na rin yung binabalak na coffee shop ng matanda.
LUMIPAS ANG ILANG ORAS…
“Ipagpapatuloy natin ito bukas.” Masayang sabi niya nang ipinatong nito ang kaliwang kamay niya sa aking balikat. “Ang galing mo talaga.” Namamangha niya pang sabi.
Ito yung unang pagkakataon sa kay tagal ng taong lumipas na nagkaroon ako nang pag-uusap sa isang mortal. “Alam mo, ang lugar na ito ay pinag-ipunan naming ng yumao kong asawa.” Malungkot niyang sabi noong umupo ito at kinuha ang kaninang librong pinatong niya. “Ganoon pa man, ipapangako kong magiging magandang coffee shop ito.” At tumingin siya sa akin.
Nagkaroon ako ng mga kataungan sa aking isipan, “bakit mo ito sinasabi sa akin?” Pagpupunto ko pa, “kahit pangalan ko ay hindi mo man lang tinanong sa akin.”
Nalinawan ako nang sinabi niya ang sumunod na mga katagang, “alam mon a alala ko yung lalaking nakita ko ilang taon na ang lumipas.”
“Ano po ang ibig mong sabihin?” Pilit kong pinagtatagpi yung mga kwentong nabubuo namin.
Binuksan niya ang librong hawak nito hanggang sa nakatitig ako sa isang pahayagan na tungkol sa sunog. “Muntikan na akong namatay sa sunog.” Parang nagkakaruon na ako ng ideya sa kaniyang sinabi.
Pagmaang-maangan ko pa, “ibig mong sabihin ay?”
“Bago ako mawalan ng malay may nakita akong lalaki na kausap ng aking yumaong asawa.” Tinitigan niya ako ng mabuti. Lalo na ang aking mukha. “Kamukhang-kamukha mo!” Sabay duro niya pa sa akin. “Alam mo mabait iyon, pinangako niya sa akin na magiging maayos ang aking asawa.” Pangiti niya pang sabi. Kinabahan ako sa aking narinig na mula sa kaniya. “Pero malabong ikaw yun ilang taon na iyon eh.” Napabuntonghininga naman ako na tila ay nabunutan rin ng tinik. “Ganoon pa man, kasi kamukha mo siya…”
“Dahil kamukha ko?”
Inilapit niya ang mukha nito sa akin. Sabay sabing, “magiging mabait ako sa iyo.” At hinawi-hawi niya ang buhok ko para maging maayos.
Marahang sabi ko pa habang nakikinig siya sa akin. “Siguradong matutuwa ang asawa mo kapag nalaman niyang tinutuloy moa ng isa sa mga pangarap niya.”
Napakunot noo ito at nagkaroon nang hinala, “teka, paano mo nalaman na—“
Agad akong sumumbat, “ginagawa mo talaga ang lahat para mapaganda ang shop na ito. Siguradong iyon ang gusto niya diba?”
“Ah oo.” Napakamot ulo ako nang marinig ang mahinahong tugon niya. “Kailangan ko nang magpahinga at ikaw na rin.” Inalalayan ko siya sa pagtayo. “Mag-iingat ka sa pag-uwi ha.” Hinablot niya ang kamay ko.
Nakita ko namang may binigay siyang isang libo. “Huwag na po.” Pagtatanggi ko pa.
“Bili mo nang pagkain,” pangiti niya pang sabi.
Nahihiya ko namang sabi, “sa sahuran na lang po. Hindi pa tapos ang lahat.”
Pagpipilit niya pa. “Bigay ko na iyan, mag-ingat ka sa pag-uwi.” At yumuko ako bilang pagsasalamat sa kabaitan niya.
Agad na humakbang at umalis sa naturang lugar. Napatigil ako at lumingon sa kaniya. Kumaway at nagsambit sa hangin, “maraming salamat po.” Ngumiti ang matanda sa akin sabay tango pa nito.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. At habang papauwi ako sa aking tinutuluyan ay hindi ko maiwasang mapaisip. “Ang bait niya katulad ng aking yumaong ama.”
(Emmy’s POV)
“Apo, bakit iyan ang sinusuot mo?”
“Lola!” Gulat kong sabi nang marinig ko ang pagtawag pansin niya sa akin nang pumasok ako sa aming bahay.
Lumapit ito sa akin kahit nahihirapan siya sa paglalakad. “Mukhang magulatin ang aking apo ngayon?” Ngumiti-ngiti pa siya nang binilingkis nito ang kaniyang ginagawang scarf sa aking leeg. “Bagay na bagay sa iyo.” Hindi ko naman kayang magsalita kasi nakikita ko yung tuwa sa kaniyang mukha.
Hinimas-himas ko naman yung hinabi niyang scarf na napakaganda. “Tinapos niyo po talaga ito.”
Hinawakan niya naman yung pisngi ko sabay sabing, “magpapakabait ka parati ha. Huwag mong gayahin ang Lola Angel mo.”
Napapaisip naman ako sa kaniyang mga salita. “Ano po ang ibig mong sabihin Lola?”
Napatitg siya sa maikli kong suot. Saad pa nito, “alam mo noong kapanahunan ko, kahit sino mahal ko.”
Nanlaki naman yung mga mata ko sa kumpisal niyang iyon, “kahit sino?” Napatakip bibig ako. Tama ba ang nasa isip ko? “Teka, huwag mong sabihing?” Pilyang ginalaw-galaw ni Lola Angel ang mga maninipis na kilay nito. “Yung—“
Marahang sabi niya, “yes… Kaya alam mo na.” Kumindat pa ito sa akin. Dagdag niya pa, “ibibigay mo lang yang binhin mo sa lalaking nararapat sa iyo.” Ano ba ang nakain ni Lola Angel at ganito ang pag-iisip niya?”
Nagdahilan naman ako. “Yung suot ko kasi—“
Hinawakan niya ang labi ko dahilan na tumahimik ako. “Kung maalala ko lang yun. Hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin.” Dagdag niya pa habang nakatitig ito sa kesame at dinadamdam ang kaniyang iniisip. “Yung mga lalaking iyon, ang kukulit.” Sabay kilig niya ng mag-isa.
“Mga lalaki?” Pag-iisip ko pa. At agad na hinawi ang kamay niya. “Huwag mong sabihin Lola Angel na sumiping ka sa mga—“ tumango-tango pa ito sa akin. Bakit nakakalaswang isipin yung mga kumpisal niya sa akin? Ganoon ba talaga siya noong dalaga pa ito? “Yung binhi mong iyan Lola!” Napahawak siya sa gitna ng kaniyang mga binti. Sinalampak ko naman yung noo ko sa pader na nasa aking gilid.
“Gusto mo makarinig ng kwento ko at ng aking binhi?” Napatakip taenga ako nang marinig iyon mula sa kaniya.