“Ano yang nasa leeg mo?” Pagpapansin ng matanda sa apo nitong agad na tinakpan ang marking halik na ginawa ni Daniel sa kaniya. Napatakip mukha si Lola Angel nang sinabi nitong, “huwag mong sabihin na—“ Pagtatanggi naman ni Emmy. “Hindi po! Wala po! Yang iniisip niyo po—“ tinitigan naman siya ng mabuti ni Angel sabay pilyang galaw ng atanda sa mga maharot na kilay nito. “Ikaw ha.” Pangiinis ng kaniyang Lola Angel sa kaniya. Tumalikod naman si Emmy at ramdam ang pang-iinit ng kaniyang magkabilang pisngi. “Matutulog na po ako.” Pag-iiwas niya pa sa kaniyang lola. Sigaw naman ni Lola Angel mula sa malayo. “Yung binhi ingatan mo ha!” Agad namang sinara ni Emmy ang pinto ng kaniyang silid. Pagkakausap pa nito sa kaniyang sarili habang agad na humilata sa kaniyang higaan. “Ang lalaking iyon

