(Emmy’s POV) Hawak ko ang kamay niya habang papunta kami sa luob ng bahay ni Tito Denver. Pagkabukas nila ng pinto ay may nakaabang na doktor at ilang kasamahan nito. Binitawan ko si Daniel nang sinabihan ako ng matanda, “hayaan mo na sila na tulungan si Daniel.” Nagdadalawang isip ako na huwag bitawan ang kamay nito pero nanaig ang aking kagustuhan na siya ay gumaling. “Magagamot nila siya kaya huwag ka nang mag-aalala Iha.” At napanatag ang luob ko sa aking narinig. Yumuko ako sabay bitaw ko sa kamay ni Daniel. Naghintay ako sa sala habang hinayaan silang tulungan siya. Pumasok sila sa isang silid na ilang diba ang layo sa akin. Kasama ko ay mahinahon naman si Tito Denver. Pagsasalita niya pa nang umupo ito sa sofa. “Alam mo naman na immortal si Daniel diba?” “Iyon rin po ang pinagtat

