Marahang sabi ni Daniel sa babaeng hinalikan nito, “umalis ka na.” Na hindi naman sinunod ng dalaga. Pagbabangayan pa nito sa binata. “Bakit? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” Inulit niya ang sinambit nito kanina. “Gusto kita Daniel.” Sumbat pa nito, “at ano ang gusto mong marinig?” Bahagyag napatigil ang dalaga at sinabihan si Daniel, “bakit mo ako hinalikan?” Sabay hawak ni Emmy sa mapupulang labi nito. At ikinagulat ng dalaga yung narinig niya mula sa binata, “kasi kaya ko?” Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Emmy sa kaniya. “Bakit mo iyon ginawa?” Napahimas pisngi naman si Daniel habang nakatitig sa parang maiiyak na si Emmy. Pangusong sabi ng dalaga. “Kasi kaya ko! Kagaya mo kaya ko—“ Muli siyang hinalikan ng binata. Sa mabilis nitong kamay na pagpulupot sa malambot na l

