CHAPTER 8 Past Umuwi ako nang masaya sa ‘min. Kahit nga sa daan, ginawa ko agad ang payo ni Jinx para kay Star na ako rin naman. “Subukan niyang maghanap ng magagandang rason sa mga problema.” Muling nag-echo sa isip ko ang marahang boses niya. Naalala ko tuloy na hindi ko masyadong nagustuhan ‘yong paggising ko nang mas maaga kanina. Pero tingnan mo nga naman ‘yong nangyari. Dahil sa maaga ako nagising, nakasabay ko pang kumain si Jinx at napayuhan pa niya ako! Mas lalo akong ginanahang ipagpatuloy ang buong araw, baon-baon ang payo ni Jinx sa ‘kin. “Iba awra natin ngayon, Tala babes, ah?” puna ni Badong nang magkasama-sama ulit kaming tatlo nina Junjun para manguha ng pera. Mukhang napansin niya pala ‘yong kaibahan ng araw ko ngayon. Masyado bang halata?

