"TAY, mano po," lumapit ako sa kanya at nagmano at isinunod si Nanay. Sesenyasan ko pa lang si Jacob ay nakalapit na s'ya at ginaya ang ginawa kong pagmamano. Marunong din pala ito. Sa bahay kasi nila ay hindi ko nakikitang nagmano si Jacob. Kahit kay Donya Carmen noon ay humahalik s'ya sa pisngi nito. "Kaawaan ka ng Diyos." Narinig kong sabi ni Tatay at Nanay kay Jacob. Sasabihin ko bang magpapakasal na kami? Baka hindi na umabot sa operasyon si Tatay at atakihin na sa galit. Sabihin ko na lang kayang boyfriend ko si Jacob para hindi na sila magtaka kapag ikinasal kami? Tama, 'yon na lang. Umusal ako ng panalangin sa Diyos at humingi ng patawad sa gagawin kong pagsisinungaling. "Nay, Tay, ito po si Jacob. B-Boyfriend ko po s'ya." Natulala si Nanay at Tatay at nang makabawi ay nagpal

